47: A l i p i n

311 10 3
                                    

Jeongyeon's Pov:

Sa tuwing kikilos ako para masabi kay Momo ang nararamdaman ko para sa kanya, palaging dumadating si Dahyun. Palagi akong nagiging hangin para kay Momo sa tuwing nandiyan si Dahyun. Anong magagawa ko? She doesn't like me.

Oo, inaamin ko nang gusto ko si Momo. Matagal na. Siguro nagsimula yung pagkakagusto ko sa kanya noong mga panahong palagi siyang nage-effort para tulungan kami noon. Palagi siyang bumisita sa bahay. Palagi siyang nagdadala ng mga pagkain. Palagi siyang nakikibonding samin.

Sino ba namang hindi magkakagusto kay Momo? Maalaga, Maganda, Mabait, Sweet, Masipag etc. Para sakin, nasa kanya na ang lahat. Nagtataka nga ko kung bakit hindi siya magustuhan ni Dahyun. Hindi man aminin ni Momo, alam kong gustong-gusto niya si Dahyun. Halata naman namin ni Chaeyoung.

Inaasar-asar nga namin siya ni Chaeyoung tungkol dun. Pero hindi alam ng lahat na nasasaktan ako sa tuwing aasarin namin sila sa isa't-isa.

Siguro iniisip niyo na para kong baliw dahil dun, anong magagawa ko? Handa akong magpakatanga para sa kanya. Handa akong magtiis kahit masakit na.

Sa tuwing mapapansin ko na malungkot si Momo, dumadating ako. Papagaanin ko ang kalooban niya hanggang sa maging ayos na ulit siya. Hanggang sa iwanan na ulit niya ko sa ere para kay Dahyun. Well, That's life.

Ano bang meron si Dahyun na wala ako? Ano bang problema? Bakit hindi ako mapansin ni Momo? Anong dapat kong gawin? Ano?!

Hinayaan ko nang masolo ni Momo si Dahyun. Inidahilan ko na lang na maglilinis kami ni Chaeyoung para walang mang-istorbo sa kanila.

Para kong tanga diba. Hinayaan ko yung taong mahal ko na mas maging malapit pa sa taong gusto niya. Tulad ng sinabi ko, handa akong magpakatanga para sa kanya.

"Ang daya naman eh. Para tuloy akong alipin." Sabi ni Chaeyoung habang nagma-mop ng sahig ng bahay.

"Wag ka nang nagreklamo. Hayaan mo na yung dalawa."

"Wait nga lang. Jeongyeon, Bakit hinayaan mo si Dahyun na masolo si Momo?"

"Ano bang sinasabi mo?!"

"Silang dalawa lang. Eh di para na silang nag-date. Gusto mo si Momo, diba." Sagot niya sabay ngisi sakin.

Heto na naman si Chaeyoung. Aish. Paano ba niya nahalata na gusto ko si Momo? Aish. Buti pa siya, marunong makahalata. Yung taong gusto ko hindi man lang nahahalata.

"Baliw. Hindi kaya. Hindi ko gusto si Momo."

"Wag ako, Jeongyeon. Kilala kita. Wag ka nang tumanggi. Hahaha."

"Nako. Bahala ka diyan. Maglinis ka na lang."

"Jeongyeon, Why don't you tell her? Alam naman nating hindi siya gusto ni Dahyun. Alam nating hanggang kaibigan lang si Momo para kay Dahyun. Masasaktan lang si Momo kakaasa kay Dahyun. Bakit di mo siya subukang kausapin?" Seryosong sabi ni Chaeyoung sakin.

"Aish. Chaeyoung, Pwede ba? Maglinis na lang tayo."

"Para ka kamong tanga."

"Alam ko. Handa naman akong magpakatanga eh. Handa akong maging alipin ng pagmamahal ko para sa kanya." Hindi ko na napigilang umamin.

"See? You love her. Talk to her. Confess!"

"How about Dahyun?"

"Alam nating may ibang napupusuan si Dahyun. Alam nating interesado yun kay Mina kahit di niya aminin."

"Natatakot akong masira ang friendship namin ni Momo."

"Aish. Wag ka ngang matakot. Go lang nang go."

"Si--Sige. Pero hindi ngayon. Next time na lang."

"Aish. Sige na. Ikaw ang bahala. Basta sinabihan na kita ah." Tumango na lang ako sa kanya.

Someday, magagawa ko ring umamin kay Momo. Magagawa ko ring tapusin ang sasabihin ko sa kanya. Ano na kayang ginagawa nila ngayon?

Nagpatuloy na lang kami ni Chaeyoung sa paglilinis kahit nakakapagod. Ginusto ko 'to eh. Kailangan kong panindigan. Aish.

💕To Be Continued💕

A/N: Hay Nako, Jeongyeon. Hahahaha. Kawawa naman si Jeongyeon. Hi sa mga JeongMo Shippers.

Don't forget to leave some comments. Saranghaeyo 💕💕💕

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora