27: My Hero

411 20 2
                                    

Mina's Pov:

"Ikaw?" Nasabi ko na lang nang makita ang mukha ng taong humabol sa nagnakaw ng maleta ko.

"Ba--Bakit?" Tanong niya sakin.

"Ikaw yung nakilala ko sa Bar." Sabi ko na nga ba eh. Familiar ang boses niya. Siya 'yun. Di ako pwedeng magkamali. Alalang-alala ko ang mukha niya.

Sinasabi ko na nga ba eh. Magkikita ulit kaming dalawa.

"Hi--Hindi ko alam ang sinasabi mo." Sagot niya sakin.

"Ikaw 'yun. Di ako pwedeng magkamali." Napangiti na lang ako sabay alok ng kamay ko sa kanya para tulungan siyang makatayo.

"Kaya ko na." Hindi niya tinanggap ang tulong ko sabay tayo na nang mag-isa. Napansin ko namang bigla siyang napahawak sa kaliwang braso niya. Hinubad niya ang jacket niya't may inicheck sa braso niya. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng dugo sa kaliwang braso niya.

"Hala. May sugat ka! Ayos ka lang ba? Dalhin na kita sa doctor." Akma sana kong lalapit sa kanya kaso lumayo siya.

"Ka--Kaya ko na 'to. Wala 'to. Maiwan na kita diyan. Mag-iingat ka kasi sa susunod. Wag kang basta magtitiwala sa iba. Wag kang tatambay kung saan-saan." Sagot niya sabay talikod na't lakad paalis.

Ano nang gagawin ko? Aalis na siya? Iiwanan na niya kong mag-isa dito ngayong 4AM palang? Paano ko makakabawi sa kanya sa pagbibigay niya ng gift sakin noon? Paano kung di na ulit kami magkita? Kailangan kong gumawa ng paraan. Paano kaya kung sumama na lang ako sa kanya?

"Pwede ba kong sumama sayo?" Natigilan siya sa initanong ko.

"Anong sinabi mo?"

"Sasama ko sayo."

"At bakit naman?" Seryosong tanong niya.

"Dahil delikado na mag-isa sa labas."

"Tama. Pero di mo man lang ba naisip na baka delikado din na sumama ka sa tulad ko na di mo kilala?" Dagdag niya.

"Ikaw? Delikado? Sa tingin ko, mabuti ka namang tao."

"Paano mo nasabi 'yan? Masama akong tao."

"Dahil iniligtas mo ang buhay at gamit ko."

"Miss, Wag na. Kaya mo na 'yan. Mauna na ko."

"Paano kung may dumating na namang masamang tao?"

"Labanan mo."

"Please, Sasama na lang ako sayo. Wala kasi talaga akong matutuluyan. Tutulong ako sa mga gawain sa bahay mo. Kailangan ko lang talagang magkaroon ng matinong matitirahan."

"Matinong matitirahan? Sa lugar namin, hindi matino. Lalo na sa bahay. Kalat-kalat kaya sa iba ka na lang makiusap." Dagdag niya kaya naman napahawak na ko sa kamay niya.

"Bitawan mo nga ko. Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya sabay layo sakin.

"Please, Kahit ilang araw lang sana."

"Bakit ba kasi nandito ka sa labas nang mag-isa? Bakit may dala kang maleta?" Napakamot sa ulo na tanong niya.

"Mahabang kwento pero isho-shortcut ko na. Lumayas ako. Pinalayas ako."

"Ga--Ganun ba? Ilang araw lang?" Tanong niya.

"Oo. Pangako. Aalis din agad ako."

"Sige na. Ngayon palang sinasabihan na kita, hindi mo magugustuhang tumira sa bahay namin." Agad na niyang kinuha yung maleta ko't hinila.

"Kaya ko na 'yan. Baka mas magdugo pa yang sugat mo kapag nagbuhat ka pa ng maleta ko."

"Ayos nga lang ako. Konting gamot lang dito mamaya. Malapit lang ang bahay namin dito."

"Bahay namin? May kasama ka sa bahay?"

"Oo. Yung dalawang kaibigan ko." Sagot niya sabay lakad na kaya naman sumunod na ko sa kanya.

"Ah. Yung dalawa mong kaibigan na kasama mo bar dati."

"Oo. Sila nga. Binabalaan na kita sa tinitirahan namin."

"Ayos lang. Walang problema sakin. Thank you nga pala sa pagligtas sakin kanina mula sa nagooffer sakin ng illegal na trabaho at pagpayag na sumama sa bahay niyo."

"Huh? Paano mo nalamang ako 'yung kanina?"

"Kasi nakita kita nung hinabol mo yung magnanakaw. Nakasuot ka pa ng shades at mask kanina."

Nakita ko kasi talaga siya kanina. Nagulat nga ko nang bigla na naman siyang sumulpot makalipas ang ilang oras eh.

"Ah. Ganun ba? Wala 'yun. Sadyang sarap lang sapakin ng mga taong 'yun." Dagdag niya.

"You're my hero. Pinulot ko 'tong mask mo kanina. Pero sira na yung salamin kaya hinayaan ko na lang." Nasabi ko na lang sabay akmang ikakabit sa kanya yung mask.

"Teka. Wag. Ako na." Mabilisang sabi niy sabay layo.

"May problema ba?" Para kasing di siya mapakali.

"Wa--Wala naman. Basta ako nang bahala dito." Sagot niya sabay kuha sa mask. Initago niya ito sa bulsa niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa bahay niya. Paano na lang kung hindi siya dumating? Malamang di ko na alam ang gagawin ko.

"Malamig pala talaga sa labas 'pag gabi." Nasabi ko na lang habang kinakaligkig sa ginaw habang naglalakad kasama siya.

"Here." Sabi niya sabay hagis sakin ng jacket niya.

"Huh?"

"Isuot mo. Nagiginaw ka diba." Dagdag niya nang paseryoso.

"O--Oo. Pasensya na. Salamat. Paano ka?"

"Kaya ko na nga 'to. Wala 'to sakin. Maglakad ka na lang nang maglakad diyan. Baka magbago pa isip ko eh." Sabi niya sakin kaya naman inisuot ko na ang jacket niya't nanahimik na lang.

Habang naglalakad kaming dalawa, napansin kong parang may similarity sila nung bantay ko nang makidnap ako.

Pareho pa silang cold at may sugat sa kaliwang pagkatataon. Ay! Baka gunu-guni ko lang 'to. Hayaan na nga. Hahahah.

🌺To Be Continued🌺

MiHyun Shippers, Mag-ingay
Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now