101: Back To You

296 11 2
                                    

Back To You 🎶🎧
- Selena Gomez

"I wanna hold you when I'm not supposed to. When I'm lying close to someone else. You're stuck in my head and I can't get you out of it. If I could do it all again. I know I'd go back to you."

Dahyun's Pov:

Matapos kumain kasama si Tzuyu, bumalik na rin ako sa kwarto't ibinagsak na lang ang katawan ko sa higaan.

"I'm Sorry, Mina." Nasabi ko na lang sabay hawak sa ulo ko. Alam kong mali 'to. Alam kong hindi tamang kahit na nandito ko, gawin ko yung mga bagay na alam kong hindi magugustuhan ni Mina.

Pero anong magagawa ko? Nakasalalay dito ang kaligtasan niya. Pakiramdam ko, pinagtataksilan ko siya. Pakiramdam ko niloloko ko siya. Nakakaguilty na pinapaasa ko siya sa isang bagay na hindi naman ako sigurado.

Hindi ako sigurado kung makakabalik pa ko sa tabi niya. Bakit? Dahil mas mahalaga sakin na mapanatili ang kaligtasan niya. Kung kinakailangan na magsuffer ako, gagawin ko. Kung kinakailangang tiisin ko, gagawin ko.

Si Tzuyu. Hindi ko alam kung ano ba talagang plano niya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang mapabagsak si Mina. Natatakot ako na baka ako ang maging dahilan sa pagbagsak niya. Ayokong mangyari 'yun. Ayokong mapahamak siya nang dahil sa mga desisyon ko.

Yung phone ko, hindi ko parin makuha kay Tzuyu. Ano nang gagawin ko? Malamang nag-aalala na sakin si Mina. Malamang inaabangan parin niya yung text messages ko.

Nagmadali akong tumayo't lumabas ng kwarto para katukin ang pintuan ng kwarto ni Tzuyu.

"Yes?" Tanong niya sabay bukas ng pinto.

"Ibalik mo na yung phone at charger ko."

"Seriously? Hindi ka parin natatahimik dahil dun?"

"Basta, ibalik mo na lang."

"No way. Ibibili na lang kita ng bago. Huwag ka nang makulit." Sagot niya sabay irap pa sakin.

"Please!" Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan siyang bumalik sa loob ng kwarto niya.

"Why are you holding my hand? Gusto mo ng part 2 sa paglalaro natin? Huh?" Tease niya sakin sabay lapit kaya naman napabitaw ako sa kanya.

"Yung phone yung kailangan ko."

"Kapag nagbehave ka, ibabalik ko 'yun sayo pero ---- " Sambit niya sabay paikot ng braso sa leeg ko.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko't tumingin lang ng masama sa kanya.

Inilapit niya ang mukha niya sakin at binigyan ako ng isang halik sa labi bago tuluyang bumitaw.

"Pero hindi ngayon." Tuloy niya sa sinasabi niya.

Napatikhom na lang ako ng kamao dahil hindi ko na alam kung paano makakausap si Mina dahil ayaw paring ibigay ni Tzuyu ang phone ko.

"Sige na. Matulog ka na. May lakad pa ako bukas."

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon