55: I'm Not Dahyun

394 12 10
                                    

Jeongyeon's Pov:

Hinila ko na muna sa labas ng bahay si Momo matapos malaman ang katotohanan sa nangyari kay Sana. Nakakagulat ang katotohanan na nalaman naming lahat.

Akala namin nag-ibang bansa o nagpakalayo-layo lang si Sana. Yun pala patay na siya.

"Ano bang pag-uusapan natin? Dahyun needs me." Sabi ni Momo sakin.

"No. Tumigil ka na nga, Momo. Hindi ka niya kailangan."

Alam kong maaaring masaktan o magalit si Momo sa sinabi ko pero yun ang nakikita kong katotohanan. Masakit ang katotohanan. Pero wala tayong magagawa dun. Masasaktan parin naman si Momo sa huli. Alam ko 'yun.

"How dare you to say that?!" Galit niyang tanong.

"Momo, Hindi ka niya mahal. Hindi mo ba nakikita o napapansin?!"

"Napapansin ko 'yun. Alam ko 'yun. Pero bakit sinasabi mo pa sakin?! Masama bang umasa?!"

"Momo, Wala ka nang inaasahan. Sinasabi ko para tuluyan ka nang magising sa katotohanan na hindi ikaw yung gusto niya." Sagot ko sa kanya kaso bigla niya kong sinampal.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit nangingialam ka pa? Ikaw ba yung nasasaktan? Eh sa gusto ko paring umasa eh. Mahal ko si Dahyun." Naluluhang sabi ni Momo.

"Oo. Nasasaktan din ako sa tuwing masasaktan ka. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita pero hindi ako yung mahal mo kaya mas masakit. At dahil binabalewala mo ko kapag nandiyan si Dahyun, mas sumasakit pa." Nagiging emosyonal na rin ako habang sumasagot sa kanya.

"Ma--Mahal mo ko? Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi?" Tanong niya sakin.

"Dahil hindi mo ko binibigyan ng pagkakataon na sabihin sayo. Dahil binabalewala mo ko para kay Dahyun. Noon pa kita gusto. Hindi lang gusto, mahal kita. Pero kahit naman sabihin ko, wala paring mangyayari dahil hindi ako si Dahyun. Hindi ako yung taong mahal mo."

"Ka--Kaibigan kita, Jeongyeon. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo pero hanggang kaibigan lang talaga eh." Sagot niya sakin.

"Ang sakit-sakit namang maging kaibigan mo. Pero alam mong kahit nasasaktan ako, kaya kong tanggapin ang desisyon mo dahil mahal kita. Kahit nasasaktan ako, mahal padin kita." Sagot ko sa kanya habang tumutulo na ang luha sa mata ko.

"Jeongyeon, I'm sorry."

"Hindi mo kailangan magsorry. Ayoko lang naman na masaktan ka kay Dahyun eh. Ni hindi nga niya alam kung anong nararamdaman mo para sa kanya. Obvious naman na may iba siyang gusto. Yung gusto niyang 'yun, maaari siyang tulungan para makalimot kay Sana. Alam natin 'yan." Dagdag ko.

"Pero kahit ganun, hindi parin magbabago ang nararamdaman ko sa kanya. I'm sorry, Jeongyeon." Sagot niya sabay yakap sakin.

"A--Ayos lang kahit masakit. Basta nandito lang ako para sayo. Akong bahala sayo sa tuwing masasaktan ka kay Dahyun. Papagaanin ko ang kalooban mo kahit sabihin mo pa sakin na siya ang gusto mo at hindi ako. Kaya kong tiisin 'yun maging okay ka lang dahil mahal kita."

"I'm really sorry, Jeongyeon. Let's stay as friends." Sabi niya kaya napatango na lang ako nang lumuluha habang kayakap niya.

Alam kong katangahan na naman 'tong ginagawa ko pero wala akong magagawa. Ganito ko siya kamahal. Kahit sakin pa mapunta yung sakit na nararamdaman niya, ayos lang. Kahit paulit-ulit niyang ipamukha na si Dahyun parin ang gusto niya, kakayanin ko.

I'm not Dahyun. Kaya wala talaga akong pag-asa na magustuhan ni Momo.

Mahal ko siya pero may mahal siyang iba.

Gusto ko siya pero hindi ako ang gusto niya.

Kaya niyang masaktan para kay Dahyun at kaya kong tiisin lahat ng sakit kapag lalapit siya sakin para tumahan. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanya.

Bumitiw na ko sa pagkakayakap kay Momo.

"Umuwi ka na muna sa bahay mo. Gusto ko munang mapag-isa."

"Si--Sigurado ka?" Tanong ni Momo.

"Sasabihin ko na lang sayo kapag ayos na si Dahyun." Tumango na lang siya't pumunta na sa bahay niya.

Naupo na lang ako sa bench sa labas ng bahay. Nang tuluyan nang makapasok sa bahay si Momo, tuluyan na kong nagbreak down.

Bakit? Bakit hindi niya ko magawang mahalin? Bakit hindi ako? Bakit si Dahyun pa?

"Jeongyeon, Iiyak mo lang 'yan." Napalingon ako kay Chaeyoung na nasa tabi lang pala.

"Ka--Kaya ko 'to."

"Alam kong nasasaktan ka. Sige lang, Umiyak ka lang. Hindi ko sasabihin kahit kanino." Sabi niya sakin.

Umiyak na lang ako nang umiyak habang nakatayo lang sa isang gilid si Chaeyoung.

Ayokong umiyak pero masakit talaga eh. Sobra. Parang sinasaksak yung puso ko.

"Nakakagulat yung tungkol kay Sana." Sabi ni Chaeyoung.

"Kailangan nating i-comfort si Dahyun kapag medyo kumalma na siya." Nasabi ko na lang habang pinapahid ang luha ko.

"Saka kapag ayos ka na." Dagdag niya.

"Ayos lang naman ako eh."

"Wag ako, Jeongyeon. Ang tagal na nating magkakasama. Kilala na kita. Hindi ka pa okay. Iiyak mo lang 'yan. Sige na, papasok na muna ko sa bahay para i-check sila Nayeon." Sabi niya sakin sabay pasok na sa loob.

Ang daming ganap ngayong araw. Halos lahat yata kami nasasaktan. Punong-puno ng kalungkutan ang buong paligid. Puno rin ng katahimikan. Paano namin maaayos 'to?

😢To Be Continued😢

A/N: Guys, Damayan natin si Jeongyeon. Kaway-kaway sa mga JeongMo shippers. Haha.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now