34: Invisible

367 15 6
                                    

Momo's Pov:

It hurts like hell to see Dahyun with someone else. It became worser whenever she do sweet stuffs to Mina.

What can I do about it? I'm invisible whenever she's with Mina. When will she notice me? When will she realize that I'm always here for her? When will she love me the way I want?

Habang tumatagal na nakikita kong magkasama si Dahyun at Mina, mas kinakabahan na ako.

Kinakabahan ako na baka isang araw, maisip ni Dahyun na ibaling kay Mina ang pagmamahal niya. Baka isang araw, tuluyan na kong maging hangin sa paningin niya. Baka isang araw, iwanan na niya ko sa ere.

Yung mga nakikita kong ginagawa niyang sweet stuffs kay Mina, pangarap ko 'yun eh. Imagination ko 'yun eh. Wish ko 'yun. Yes. I'm jealous.

Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto nang umalis si Dahyun. Hindi ko maiwasang isipin na kaya lang siya bumisita dito sa bahay ay dahil kay Mina. I'm not the reason. Gusto niyang malaman kung kumusta na si Mina. Hindi ako. Hindi naman siya madalas bumisita dito. Ako nga 'yung halos araw-araw na bumibisita sa kanya sa bahay nila.

Kung di nga ko pupunta sa kanila, di ko siya makikita. Kung di siya mapapadaan sa stall ng paninda ko, di ko siya makikita. Kung di ko siya sasadyain, di ko siya makakasama. Ano pa bang magagawa ko? Wala.

Nang maluto ko na ang hapunan, tinawag ko na si Mina.

"Kakain na tayo, Mina."

"Maraming salamat, Momo." Nakangiting sagot niya.

Inilagay na namin sa table ang mga plato't naupo na.

"Hindi ba natin iimbitahin sila Dahyun?" Tanong niya sakin.

"Tsk. Gusto mo lang siyang makasama eh." Bulong ko.

"Ano 'yun?"

"Sabi ko, malamang kumakain na rin ang mga 'yun sa kanila."

"Ganun ba? Si--Sige. Maraming salamat ulit, Momo."

"Kumain na tayo. Pagpasensyahan mo na. Simple lang ang mga pagkaing kaya ko. Mahirap lang ako."

"No. It's fine. Thank you so much. Wag ka mag-alala, tutulong ako sa mga gawaing bahay at sa pagtitinda mo." Sagot niya.

"Wag na. Nakita mo kanina? Ayaw ni Dahyun na nagpapakapagod ka. Baka ako pa ang pagalitan niya."

"Kakausapin ko siya. Don't worry."

"Ikaw ang bahala." Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Maya-maya, narinig namin ang malakas na sigawan at tawanan nila Dahyun sa kabilang bahay.

Mukhang nag-aasaran na naman sila.

"Matagal na ba silang magkakasama?" Biglang tanong ni Mina.

"Oo. Mga bata palang sila. Magkakasama na sila."

"Wala silang pamilya?"

"Ulila na sila. Sila na ang magkakasamang namuhay hanggang sa paglaki. Ganyan talaga sila ka-close."

"Kaya pala. Mukhang ang saya-saya nila ngayon eh."

"Tama. Masayang-masaya nga ang tatlong 'yan kapag magkakasama."

"How about you?" Tanong niya kaya natigilan ako.

"Wala na rin akong pamilya. Simula nang mamatay ang magulang ko, sila Dahyun na ang nagsilbing pamilya ko. Matagal na kaming magkakapit-bahay." Paliwanag ko kay Mina.

"Ah. Kaya pala mukhang close din kayo."

"And how about you?" Tanong ko kaya naman natigilan siya.

"Matagal nang wala ang Mom ko. Si Dad na lang ang naiwang pamilya ko." Sagot niya sabay smile.

"Bakit hindi kayo magkasama ngayon?"

"Lumayas ako." Bigla siyang naging seryoso.

"Why?"

"Lumaki ako sa mayamang buhay na puno ng kalungkutan. Hindi okay ang relation ko sa Dad ko. Hindi niya ko naiintindihan. Hindi niya ko binibigyan ng freedom. Dumating sa point na hindi ko na kinaya. Lumayas ako. Hinayaan niya lang ako. I ended up walking around the street the whole night. Fortunately, Dahyun came to save me." Pagkukwento niya sakin.

May malungkot na kwento rin pala ang isang 'to. Hindi ko in-expect na ang isang taong galing sa mayamang buhay ay maaari rin palang makaranas ng kalungkutan.

Siguro naaawa si Dahyun sa kanya. Siguro ganun lang kaya isinama siya ni Dahyun dito. Tama. Baka masyado lang akong nagiisip ng kung ano-ano. Baka wala talagang meaning yung mga ginagawa ni Dahyun para sa kanya. Walang dapat ipag-alala.

"Masyado na ata akong madaldal. Sorry." Sabi ni Mina.

"No. It's fine. Kumain na lang tayo."

"Salamat, Momo." Pasasalamat na naman niya.

Siguro magagawa ko namang makisama kay Mina. Walang dapat ikaselos sa kanya kapag kasama siya ni Dahyun. Tulad ng sinabi ni Dahyun, she's nothing. Relax, Momo.

🌺To Be Continued🌺

A/N: DahMo & MiHyun Shippers, Kaway-kaway. Hahahah.

Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now