39: Sadness

397 11 5
                                    

Mina's Pov:

Pangalawang araw ko na 'to sa puder nila Dahyun. Kakakain lang namin nila Dahyun ng lunch nang sabay-sabay.

Masaya akong kasama sila, lalo na si Dahyun. Kaso habang tumatagal, parang nagiging pabigat na ko dito. Sobra-sobra na ang tulong nila para sakin.

Kailangan ko nang makagawa ng paraan kung paano mabubuhay nang hindi bumabalik si mansion.

Kinuha ko na muna ang phone ko. Laking gulat ko nang makitang tadtad ng tawag si Yaya Jihyo. Tadtad din ng text niya siya sakin.

What should I do? Namimiss ko na si Yaya Jihyo. Miss na miss ko na siyang makasama't makausap. Kumusta na kaya siya sa mansion? Kumusta na kaya si Dad? Hinahanap kaya niya ko o hindi? Malamang hindi.

Agad ko nang tinawagan si Yaya Jihyo. Lumabas ako ng bahay ni Momo't naupo sa isang tabi. Agad namang sinagot ni Yaya ang tawag ko.

On The Phone:

"Hello Yaya. Kumusta na? Pasensya na, ngayon lang ako nakatawag."

"Mina~ Ano nang balita sayo? Akala ko napaano ka na. Miss na miss ko na ang alaga ko." Sagot ni Yaya mula sa kabilang linya.

"Yaya. Miss na din naman kita kaso hindi pa ko babalik diyan sa mansion. Baka nga di na ko makabalik diyan dahil malamang 'di naman ako hinahanap ni Dad."

"Hindi niya man aminin. Nararamdaman ko't nakikita sa kilos niyang nag-aalala siya sayo. Bakit di ka na lang bumalik? Delikado sa labas nang walang kasama. Baka mapaano ka pa."

"Yaya. Di pa ko pwedeng bumalik. Gusto ko munang may patunayan kay Dad. Don't worry, I'm safe. Tinulungan ako ng kaibigan ko. Yung kinuwento ko sa iyong nagbigay sakin ng gift sa bar. Ang bait-bait niya sakin. Di niya ko pinababayaan."

"Ganun ba? Mag-iingat ka sa mga di mo kakilala, Mina. Mahirap na. Nag-aalala ko para sayo."

"Kaya ko 'to, Yaya. Sasabihin ko naman sayo kapag kailangan ko ng tulong."

"Sige. Mag-iingat ka ah. May panggastos ka ba diyan? I'll give you some money."

"No need, Yaya. Kaya ko 'to. Nakikitira ako ngayon sa kaibigan na na-meet ko sa bar. They're nice to me. Palagi nila akong pinapakain. Mababait sila."

"Miss na kita, Mina. Miss ko nang yakapin ang alaga ko."

"Miss din naman kita, Yaya. Hayaan mo kapag nakabalik na ko diyan, yakapin mo ko kahit anong oras."

"Gagawin ko talaga, Mina. Come back soon. Fighting!"

"Fighting, Yaya!"

"Kung nabubuhay ang Mom mo ngayon, malamang proud na proud siya sayo."

"Yes, Yaya. Miss ko na rin si Mom. Susubukan kong bisitahin ang puntod niya kapag may time na ko."

"Mabuti pa nga. Pasensya na, Di ako pwedeng umalis ng mansion eh. Ang daming pinagkakaabalahan ng Dad mo. Masyado siyang busy kaya busy rin ang pagtatrabaho namin."

"Kaya mo 'yan, Yaya. Basta sabihin mo lang kapag may problema diyan sa mansion."

"Ingat ka diyan, Mina. Bye na muna ah. Marami pa kasi akong gawain dito."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now