119: Goodbye

281 16 18
                                    

Dahyun's Pov:

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ni Mina sakin. Sandali akong natahimik bago mapansing nakatingin na pala siya sakin.

Ang tagal ko ring pinagisipan 'tong sasabihin ko. Halos araw-araw bumabagabag sakin 'to.

Alam ko sa sarili kong hinding-hindi magiging madali ang mag-move on sa pagkawala ng mga taong mahalaga sakin. Alam kong marami akong pagkukulang bilang kaibigan nila.

Alam kong may pagkukulang din ako sa atensyong naibibigay ko kay Mina nitong mga nakaraang linggo.

Hindi ako galit. Hindi rin nagbago yung pagtingin ko para sa kanya. Kung may bagay man na hindi magbabago, 'yun ay ang pagmamahal ko para sa kanya.

"Hoy Dahyun, Ano yun?"

"Una sa lahat, gusto kong malaman mo na masaya akong nakasama kita sa buong araw na 'to. Na-appreciate ko yung effort mo na imbes magpahinga ka sa dayoff mo, mas pinili mong makasama ko." Sagot ko sa kanya.

"Tapos?"

"Ahm. Alam kong alam mo na hindi naging maganda ang mood ko nitong mga nakaraang linggo."

"Yes. Alam ko 'yun pero naiintindihan naman kita."

"Sobrang sakit parin kasi nung nangyari. Ang dami kong pagkukulang sa bawat isa sa inyo. And I think, hindi enough yung mga bagay-bagay ngayon para makabawi sa lahat."

"Are you breaking up with me?" Seryosong tanong niya.

"Hindi sa ganun, Mina. Pinag-isipan kong mabuti 'to. Gusto kong ayusin yung lahat nang nangyari. Gusto kong ayusin yung sarili ko."

"Ayusin? Maayos ka naman ah."

"I mean, gusto kong mas maging better. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang ayusin yung sarili ko."

"Ayaw mo na ba sakin?"

"Ang pag-ayaw sayo ang pinakatangang bagay na gagawin ko, Mina. Hinding-hindi magbabago yung nararamdaman ko para sayo kahit na magkalayo man tayo."

"May ibang dahilan ba kaya nagkakaganyan ka? May kinalaman na naman ba dito si Dad?"

"Wala, Mina. Ginagawa ko 'to hindi lang para sakin o para sayo kundi para sa lahat. Sana maintindihan mo."

Mahirap para sakin na mahiwalay sa kanya. Mahirap na hindi ko siya makasama dahil mamimiss ko siya nang sobra. Pero alam kong wala namang maidudulot na masama 'to dahil kahit na anong mangyari, buo yung pagmamahal ko para sa kanya.

Bigla siyang tumahimik kaya natahimik na din ako. Alam kong maaari siyang magtampo o magalit sa sinabi ko. Pero alam kong kailangan naming dalawa ayusin ang mga bagay-bagay.

"Sige na." Napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Naiintindihan ko na yung sinasabi mo. Gusto mo munang magfocus tayo sa sarili natin." Sabi niya.

"Galit ka ba?"

"Hindi. Pero nalulungkot ako. Ano pa bang magagawa ko? May punto ka naman. Tama lang na bigyan natin ng panahon na maghilom yung pain na naramdaman natin nang dahil sa mga nangyari." Sagot niya sabay ngiti sakin.

"I'm sorry, Mina. Ngayon pa ko nagkaganito." Napayuko na lang ako.

"It's okay, Dahyun. Naiintindihan ko nang mas mabuting makapagisip-isip muna tayo. Wala namang magbabago diba?"

"Wala. Ikaw parin yung nasa puso ko." Sagot ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya kong yakapin nang mahigpit.

"Mamimiss kita."

"Mamimiss din kita, Mina."

"Masaya parin ako dahil nagawa nating magenjoy bago tayo maghiwalay nang landas sa ngayon." Dagdag niya.

"Maghihiwalay lang naman tayo ng landas pero hinding-hindi maghihiwalay yung puso ko at puso mo. Pangako."

"Sa ngayon, siguro magpofocus na muna ko sa company." Sabi niya sakin. Masaya akong nagagawa na ni Mina na pamunuan yung kompanya nila. I'm so proud of her.

Tulad niya, gusto ko ring may mangyari sa buhay ko. Napagisipan kong mag-aral muna. Gusto kong may marating sa buhay. Gusto kong gawin yung mga bagay na hindi ko nagawa noon.

"Nakapagdesisyon na kong mag-aaral ako." Sabi ko kaya naman nagulat si Mina.

"Ta--Talaga?"

"Yes. Gusto kong makapagtapos kahit na highschool lang." Dagdag ko sa kanya.

"You can do it, Dahyun." Tinapik ako ni Mina sa balikat.

"Paano? Dumidilim na. Uwi na tayo." Yakag niya sakin.

"Mabuti pa nga. Hatid na kita sa inyo."  Tumango na lang siya sakin kaya umalis na kami.

Sumakay na kami sa taxi papunta sa mansion dahil gumagabi na. Nang marating namin ang labas ng mansion, sandali kaming nahinto.

"Paano? Goodbye na muna sa ngayon? Mamimiss kita."

"Dahyun, Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Pakiusap. Alam mo namang wala ako sa tabi mo sa mga panahong dadating." Napansin kong naluluha si Mina kaya naman niyakap ko na siya.

"Pangako. Aalagaan ko ang sarili ko. Alagaan mo rin ang sarili mo. Paano ba yan? Sayo ko na iiwan 'tong bike. Mabuting natuto ka na rin magbike. Habang wala ako, magpractice ka pa. Kaya mo 'yan."

"Hiwalay na ba tayo?" Tanong niya kaya natawa ako.

"Hiwalay? Never. Magpofocus lang tayo sa mga pangarap natin sa ngayon. Pero hindi tayo hiwalay. Someday, ipinapangako ko sayong magkikita ulit tayo. Sa panahong 'yun, makikita mo na yung ngiti kong buong-buo." Sagot ko sa kanya kaya naman napatango siya sakin.

"Ipapakuha ko sa mga tauhan ni Dad yung mga gamit ko sa bahay bukas."

"Sure. Paano? Aalis na ko. Goodbye, Mina."

"Goodbye, Dahyun." Sagot niya sakin kaya ngumiti na lang ako't lumakad paalis.

Habang palayo ako, aminado kong nasasaktan ako. Masakit at mahirap 'tong desisyon na 'to pero kakayanin namin para sa mas matatag na kinabukasan.

Mina, Hanggang sa muling pagkikita.

🎧To Be Continued🎧

A/N: Guys, Ano na? Iuninstall niyo na watty niyo? Hahahaha. Sorry if lame yung ud ngayon. Lol

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now