94: Dahyunie & Minari

325 7 33
                                    

Mina's Pov:

Tanghali na kaming lahat nagising dahil madaling araw na natapos ang movie marathon naming lahat.

Gising na rin pala si Nayeon. Nakita ko siyang nakikinig ng music sa mp3 player na ibinigay ni Dahyun habang nakaheadphones.

"Mahilig pala sa music si Dahyun." Sabi niya sabay tanggal na ng headphones sa tenga niya.

"Ye--Yeah. Ang ganda nga ng mga songs na pinapakinggan niya."

"Ano kayang hilig ni Chaeyoung?" Curious na tanong ni Nayeon.

"Eh di alamin mo. Malalaman mo rin naman 'yun habang mas nagkakakilala kayo. Mas mabuting alamin mo 'yang mga bagay na 'yan kapag nagdedate kayo. Magshare ka din ng tungkol sayo. Ganern!" Advice ko sa kanya sabay punta na sa cr para maghilamos at mag-ayos ng sarili.

Kumuha muna ko ng isang basong tubig bago bumalik sa kwarto.

"Can I ask you something, Mina?" Tanong ni Nayeon sabay tingin sakin nang paseryoso.

"Ano 'yun?" Uminom ako ng tubig.

"Nag-ano na ba kayo ni Dahyun?" Tanong niya kaya bigla kong naibuga yung iniinom kong tubig.

"Mygod, Nayeon! Ba--Bakit natanong mo?"

"Are you okay?" Tanong ulit niya.

"Nakakagulat kasi 'yung tanong mo eh. Bakit nga natanong mo?"

"Wala lang. Naisip ko lang na baka nagawa niyo na 'yun kasi diba naabutan namin kayo ni Chaeyoung na nag--"

"Aish. Hindi pa!" Di ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Wow! Unbelievable. Haha!" Sagot niya sabay palakpak pa.

"Paano matutuloy eh palaging may dumadating sa tuwing papunta na doon." Paliwanag ko sa kanya.

"Haha! So, gusto mong may matuloy?" Natatawang tanong niya.

"Ah--Eh. Wala naman akong sinasabing ganun. Bwisit ka!" Nakakunot-noong sagot ko sa kanya.

"Para kasing nanghihinayang ka sa itsura mo hahaha." Dagdag niya kaya napa-pamewang ako.

"Eh, kayo ba ni Chaeyoung?" Pambawi ko sa kanya.

"Huh?" Natahimik siya.

"Nag-ano na ba kayo?" Tanong ko sabay ngisi sa kanya.

"A--Aba'y hindi pa." Sagot niya sabay kunot-noo sakin.

"Haha! Di parin naman pala kayo nagaano eh. Pareho lang tayo." Dagdag ko.

"Ano bang tungkol sa anong pinaguusapan niyo?" Biglang sumulpot si Momo sabay kamot sa ulo.

"Momo, kayo ni Jeongyeon. Nag-ano na kayo?" Tanong ni Nayeon kay Momo.

"Huh? Anong nag-ano?" Napakamot sa ulo si Momo.

"Muah Muah Chup Chup!" Mapang-asar na sagot ni Nayeon.

"What the hell? Bakit kami mag-aano eh hindi naman kami?!" Kunot-noong sagot ni Momo.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now