93: B r a v e

282 8 11
                                    

Charan! Sat & Sun lang talaga ako nakaka-ud nang maayos kasi yun lang ang araw na wala ko masyadong ginagawa kung minsan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Charan! Sat & Sun lang talaga ako nakaka-ud nang maayos kasi yun lang ang araw na wala ko masyadong ginagawa kung minsan. So heto, gumawa muna ko ng teaser para sa mga susunod na pangyayari bago ko maging busy ulit bukas haha. Yan lang kinaya ko. Sarreh! Sige na, mag-ano na kayo. Magbasa! Char!

Dahyun's Pov:

Hindi ko alam kung paano malulutas ang problemang 'to. Halos ilang araw akong nagmukmok sa kwarto dahil ayokong gumawa ng kahit na anong kilos na pwedeng makapagpalala ng lahat.

Naisip ko kasing baka mas lumalim pa ang pagmamahalan namin ni Mina. Mas masakit 'yun sa oras na kailanganin kong lumayo. Kung aalis man ako, ayokong makaramdam siya nang sobrang pagkalungkot. Mas gugustuhin ko pang kamuhian niya ko kaysa sisihin na naman niya ang sarili niya.

Sinubukan kong umiwas sa kanya kaso hindi ko talaga magawa. Magkakasama silang nanonood ng movie sa bahay ni Momo ngayon. Gustong-gusto ko siyang lapitan para yakapin kanina dahil alam kong nag-aalala siya sakin. Pero hindi ko magawa dahil natatakot akong mas ma-attach pa kami sa isa't-isa.

Ewan ko! Naguguluhan talaga ako. Madalas akong tulala. Madalas din akong mapansin nila Chaeyoung na parang malalim ang iniisip. Ang hirap kasi ng sitwasyong 'to.

Nawawala na ko sa sarili ko. Hindi na ko makapagisip ng tama. Kung dati halos wala akong katakutan, ngayon takot na takot ako. Nasaan na 'yung Dahyun na hindi madaling matakot? Nasaan na yung matapang na Dahyun? Bakit kung kailan kailangan ko siya, saka pa siya nawala? Hindi ko na magawang maging katulad ng dati na walang kinatatakutan.

What should I do? Dapat ba kong matakot sa banta ng Dad ni Tzuyu? May iba pa bang paraan para malusutan 'to? May iba pa ba kong magagawa? What if ipagsawalang bahala ko na muna 'tong problemang 'to? Dahil sa kakaisip ko, napapalayo ang kalooban ko sa mga kaibigan ko. Hindi pwede.

Ayokong masayang ang friendship naming lahat. Ayokong masira ang magandang samahang nabuo namin. Karapatan kong magenjoy kasama sila. Wala naman sigurong masama kung hahayaan ko munang maging masaya ang sarili ko sa ngayon.

Bumangon na ko sa kama't nagmadali nang pumunta sa bahay nila Momo. Sumalubong sakin si Mina na sobrang saya nang malamang hindi ko talaga siya matiis.

Masaya kaming nanood ng movies nang sama-sama. Tawa kami nang tawa. Kitang-kita ang ngiti ng lahat.

"Picture tayo, Guys!" Sabi ni Momo sabay labas ng phone niya.

Masaya kaming nagpicture nang magkakasama. Ito yata ang kauna-unahang picture namin na magkakasama. Yung kaming lahat talaga.

Napatingin ako kay Mina na halata namang nageenjoy sa bonding namin. Napangiti na lang din ako habang pinagmamasdan siya. Wala nang mas sasaya pa sa tuwing makikita ko siyang nakangiti.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now