57: I'm Sorry

348 10 4
                                    

Mina's Pov:

Dumilim na pero hindi parin lumalabas ng kwarto si Dahyun. Kanina pa kinakatok ni Momo ang pinto ng kwarto niya para dalhan siya ng pagkain pero hindi parin siya kumikibo o sumasagot.

"Hindi pa siya kumakain. Malamang nagugutom na siya." Sabi ni Momo.

"Siguro mas gusto muna niyang mapag-isa." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Hindi natin alam kung ano na bang ginagawa ni Dahyun sa loob. Guys, himdi nga kumikibo eh." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Di kaya---- Guys, baka may nangyari nang masama sa kanya sa loob." Nasabi ko na lang sabay tingin kila Jeongyeon.

"Kailangan nating malaman kung ano ba talagang nangyayari sa kanya sa loob." Sabi naman ni Nayeon na hindi parin umaalis hanggang ngayon.

"Guys, ganyan din si Dahyun noong maghiwalay sila ni Sana. Hindi kumikibo. Hindi lumalabas ng kwarto pero hindi naman siya yung tipo na magpapakamatay. Kilala namin ang kaibigan namin. Sa oras na kumalma na siya, kusa siyang lalabas." Sabi ni Jeongyeon.

Alam naming sila Jeongyeon nga ang higit na nakakakilala kay Dahyun pero hindi ko maiwasang mag-alala. Kasalanan ko na naman 'to. Kung hindi ako nagdrama sa harapan niya at kung hindi ko sinabi sa kanyang hindi niya alam ang nararamdaman ko, malamang hindi niya maaalala kung gaano kasakit ang nangyari sa kanya sa nakaraan. It's all my fault.

"Eh, Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Momo.

"Hayaan na muna natin siyang mapag-isa. Magtiwala kayo, hindi siya magpapakamatay." Sabi ni Jeongyeon.

Wala naman kaming nagawa kundi hayaan na lamang si Dahyun. Lumalalim na ang gabi. Alam kong pagod na rin ang lahat.

"Mabuti pa magpahinga na muna tayong lahat." Sabi ni Jeongyeon.

"Aalis na muna ko. Sasama ka ba sakin, Mina? Pwede kang tumuloy muna sa bahay ko" Tanong ni Nayeon sakin.

"Nayeon, Pwede bang dito na muna matulog si Mina?" Tanong ni Momo kay Nayeon.

"Why? Mas makakabuti kung magkaka-agwat muna sila ni Dahyun para pareho silang makapag-isip." Sabi ni Nayeon kay Momo.

"Kailangan ko siyang kausapin." Sabi ni Momo sabay tingin sakin.

"Sige. As long as ayos lang sa kaibigan ko." Sagot ni Nayeon kaya napatango na lang si Momo.

"Ayos lang ako dito, Nayeon. Ingat ka pauwi."

"Are you sure? Just tell me kapag kailangan mo ng tulong." Sagot niya bago sumakay sa kotse niya.

"Thank you."

"Babe, Ako sasama sayo." Extra ni Chaeyoung.

"Gague! Maiwan ka diyan. Landi nito. Bye na, Guys." Sabi ni Nayeon sabay alis na.

"Si Babe naman. Iniwanan ako." Naka-pout na sabi ni Chaeyoung kaya binatukan siya ng slight ni Jeongyeon.

"Chaeyoung! Nagagawa mo pang makipaglandian ngayong nagkakagulo na." Sabi ni Jeongyeon sabay pamewang pa sa harapan ni Chaeyoung.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now