74: M a d

373 11 6
                                    

Mina's Pov:

Nang magising ako, naisipan kong yakagin si Dahyun para kumain sa labas para mag-agahan. Kaso hindi na natuloy ang plano ko dahil sa naabutan ko sa labas ng bahay nila.

Nakita ko ang pinsan ko, si Tzuyu. Yakap-yakap niya si Dahyun. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa nakita ko. Bakit magkasama sila? Anong ginagawa ni Tzuyu dito? Paano niya nalaman kung nasaan kami?

Nandito ba siya para manggulo na naman sa buhay ko o sadyang si Dahyun talaga yung pakay niya? Kahit alin naman diyan sa dalawa, alam kong masasaktan ako.

Aminado kong nasaktan ako nang makita ko silang magkayakap. Hindi ko rin alam eh. Basta ang alam ko, hindi ko gusto yung nakita ko.

Ang taong pinaka-komportable ako at ang taong nanggugulo sa buhay ko simula pa noon, magkasama. 

Hindi ko na hinintay na umalis pa si Tzuyu dahil mukhang kailangan pa nilang mag-enjoy kasama ang isa't-isa. Bumalik na lang ako sa bahay ni Momo't pumasok na lang ulit sa kwarto. Nahiga na akong muli sa kama. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa dingding. 

"Kailan pa sila naging close?" Naitanong ko na lang sa sarili ko habang nagmumuni-muni.

Alam kong wala akong karapatan para pagbawalan sila na maging close sa isa't-isa. Alam ko ring wala akong karapatan para pagpaliwanagin si Dahyun sa nakita ko. Hindi ko siya pagmamay-ari. Magkaibigan lang naman kaming dalawa. Kung may relasyon man sila ni Tzuyu, wala na kong pakialam dun. 

Siguro nai-stress lang ako't nag-aalala na baka may gawin na namang kalokohan si Tzuyu sa buhay ko. Hindi ko talaga magets yung ugali niya eh. Hindi ko alam kung bakit ganun siya sakin. Palagi na lang niyang pinabibigat ang kalooban ko. Simula pa pagkabata, inaaway na niya ko. Sinasabi niyang hindi naman ako mahal ng magulang ko kaya maagang nawala ang Mom ko. 

Wala akong nagawa noon kundi umiyak lang. Hindi ako pinaniniwalaan ni Dad noon na inaaway ako ni Tzuyu. Pinalalabas ni Tzuyu na nagsisinungaling lang ako. Mas naniwala sa kanya si Dad. Simula noon, pinili ko na lang na tiisin lahat ng masasakit na salitang sinasabi niya. 

Maya-maya, biglang kumatok si Momo sa pintuan ng kwarto ko.

"Hey Mina. Gising ka na ba?" Tanong niya sakin.

"Yes. Kanina pa ko gising." Agad na kong lumabas ng kwarto para harapin siya.

"Are you okay? Mukhang malungkot ka." 

"No. I'm fine. Don't worry."

"Sasama ka saking magtinda ngayon?" Tanong niya.

"Oo naman. Tutulong akong magtinda ngayon." Ngumiti ako sa kanya.

"Sige. Mauuna na kong pumunta sa stall ko ah. Sumunod ka na lang dun." Sagot niya kaya tumango na lang ako sa kanya. 

Wake Up, Mina. Hindi mahalaga yung nakita mo kanina. Pabayaan mo na sila. Nagready na ko para sumunod kay Momo sa stall niya.

Habang naglalakad ako sa labas, nakita ko si Dahyun na nakaupo sa bench sa labas ng bahay nila. Dumaan lang ako nang hindi man lang umiimik sa kanya kaso bigla siyang humarang sa harapan ko.

"Good morning, Mina." Bati niya.

"Morning." Cold na bati ko sa kanya. Wala talaga akong gana makipagkwentuhan ngayong araw.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें