42: Secrets

320 8 0
                                    

Yaya Jihyo's Pov:

Ano na kayang kalagayan ng alaga ko? Ilang araw na siyang wala sa tabi ko. Ilang araw na rin akong nag-aalala sa kung ano nang nangyayari sa kanya ngayon.

Paulit-ulit kong ipinagdadasal na sana nasa maayos siyang lugar. Sana inaalagaan nga siya ng kaibigan niya. Sana nakakakain siya nang maayos. Sana hindi siya nagkakasakit o nalulungkot.

Si Mina, bata palang siya ako na ang nag-aalaga sa kanya. Kahit noong maid palang ako sa mansyon nila't di pa niya ko Yaya, nakikita ko nang mabuti siyang bata. Masayang-masaya siya sa piling ng kanyang Mom.

Buong-buo ang mundo niya noong mga panahong kasama niya ang Mom niya pero nang mamatay ito, nakita kong unti-unti na siyang sumisimangot.

Simula nang mawala ang Mom niya, ako na ang nag-alaga sa kanya. Nagsimula na kong maging Yaya niya. Ginawa ko ang lahat para hindi niya maramdamang nag-iisa siya, masaya naman akong tinanggap niya ko. Pero sa totoo, alam kong miss na miss parin niya ang Mom niya.

Sa paglaki niya, nasaksihan ko siyang nagsa-suffer dahil sa kakulangan ng atensyon at pagpapalaya ng Dad niya sa kanya.

Kahit na nag-aalala ako kay Mina noong magdesisyon siyang umalis, nakaramdam ako ng pagka-proud sa alaga ko.

Alam kong pinili na niyang pahalagahan ang nararamdaman niya. Naniniwala ako na balang araw magtatagumpay siya. Magagawa niyang ipakita kung ano ang kakayahan niya. Makakamit na rin niya ang happiness at kalayaan na gusto niya.

Sa tagal kong nagseserbisyo sa Myoui Family, parang pamilya na rin ang turing ko sa kanila. Pero may isang bagay akong pinaghihirapang itago hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang katotohanan kay Mina. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman niya ang sikretong matagal ko nang initatago.

Araw-araw, binabagabag ako ng sikretong 'yun. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito magagawang itago. Natatakot akong baka may masamang mangyari kay Mina.

Alam kong balang araw lalabas din ang katotohanan. Malalaman niya rin sa tamang panahon. Sana kayanin niya sa oras na malaman na niya ang sagot na hinahanap niya.

Pumasok ako sa kwarto ni Mina't inilagay ang isang piraso ng papel sa cabinet niya. Panahon na para harapin ko ang kinatatakutan kong katotohanan na malaman niya. Haharapin ko 'to dahil hindi na kaya ng konsensya ko.

Pasimple akong lumabas ng kwarto ni Mina't lalakad na sana nang matigilan ako sa pagtawag ng Dad ni Mina sakin.

"Manang Jihyo, Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"Ahm. Sir, Inayos ko lang po yung kwarto ni Mina para in case na bumalik na siya."

"Bumalik? Hayaan mo siya. Desisyon niya 'yun! Alam kong magmamakaawa rin ang batang 'yun na tanggapin ko siya ulit." Seryosong sabi niya.

'Sir, Hindi niyo po ba talaga susubukang suyuin si Mina pabalik?"

"Wag kang mangialan dito, Manang Jihyo. Wala kang sasabihin. Wala kang gagawin. Gawin mo lang ang trabaho mo." Seryosong sabi niya.

"Pero hindi ko na po kayang ilihim ang katotohanang ----"

"Tumigil ka, Manang Jihyo. Wag kang magkakamaling gawin ang naiisip mo. Alam mo kung anong mangyayari sayo." Banta niya sakin.

"Pero hindi na po kaya ng konsensya ko. Mahalaga sakin si Mina. Nangako ako sa Mom niyang aalagaan ko siya. Kailangan na niyang malaman ang katotohanan." Sagot ko.

"Binabalaan kita, Manang Jihyo." Umalis na ang Dad ni Mina't naiwanan akong nakatayo sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang matakot sa maaaaring mangyari sakin o kay Mina pero ayoko nang itago ang katotohanan.

Kinabukasan nang tanghali, iniisip ko parin kung anong dapat kong gawin. Halos hindi na ko makatulog dahil sa konsensya ko. Dapat ko nang sabihin ang sikretong dapat malaman ni Mina.

Nagmadali na kong kumuha ng cellphone, tinawagan ko na si Dahyun.

On The Phone:

"Hello, Mina."

"Oh, Yaya. Kumusta na po?" Tanong ni Mina mula sa kabilang linya.

"Ayos naman. Ikaw?"

"Ayos lang po ko. May problema po ba?"

"Mina, Pwede ka bang pumunta dito sa mansion ngayon?"

"Po? Bakit po?"

"May importante akong sasabihin sayo."

"Tungkol po saan?"

"Kailangan mong malaman 'to."

"Sige po. Papunta na po ko diyan sa Mansion. Nandiyan po ba si Dad?"

"Oo. Nagpapahinga pa ang Dad mo sa kwarto niya."

"Sige po. Hintayin niyo po ko. Tamang-tama, nasa biyahe po ko."

"Namiss kita, Mina. Gustong-gusto na kitang makita."

"Ganun din po ko, Yaya. Wag kang mag-alala, yayakapin kita nang mahigpit mamaya." Sagot niya.

"Mina, Maraming Salamat sa lahat. Gusto kong malaman mo na mahal kita. Para na kitang tunay na anak. Pasensya sa mga bagay na initago ko mula sayo."

"Yaya, Bakit parang ang weird ng sinasabi mo? Aalis ka ba? Pupunta ka sa probinsya? Yaya, Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Mina.

"Ayos lang ako. Gusto ko lang malaman mo na nakasuporta ko sa mga desisyon mo. Palagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa. Nandito ako. Siguradong binabantayan ka din ng Mom mo."

"Yaya naman eh. Gusto tuloy kitang yakapin. Miss na kita eh. Sige na, Yaya. Papunta na ko."

"Mag-iingat ka palagi, Mina."

"Ikaw din, Yaya."

End Call

Panahon na siguro para malaman niya ang katotohanan. Alam kong mabibigla siya pero alam ko ring malalaman rin niya ang katotohanan sa huli.

Sa wakas, matatapos na rin ang paghihirap kong itago ang sikretong 'to. Mapapanatag na ko.

💙To Be Continued💙

A/N: Guys, Be Ready 💖

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now