Special Chapter #6

702 22 26
                                    

Farewell

Mina's Pov:

Wala na kong mahihilang pa. Masasabi kong masayang-masaya na ko ngayon sa buhay na meron ako.

Masaya akong nahanap ko na yung kasiyahan at kalayaan ko. Nakakatuwa na naging maayos na ang lahat sa pagitan namin ng pamilya ni Yaya.

Masaya rin ako na nahanap na ni Irene yung para sa kanya. Walang iba kundi si Seulgi. Si Somi? Ayun. Mas masaya daw lumamon kaysa magka-lovelife. Bwahaha.

Inenjoy namin nang todo ang bakasyon kasama ang pamilya ni Yaya. Naranasan naming magtanim ng mga gulay. Namitas din kami ng mga mangga. Siyempre, nakiusisa na rin kami sa pag-aararo ng mga magsasaka sa bukiran.

Nakakatuwa nga si Dahyun at Somi eh. Nagtulakan sa putikan. Ayun! Mukhang mga ewan. Tawa kami nang tawa sa kanila kaya pinaltok nila kami ng mga putik dahilan para madumihan kami. Ang ending, naghilahan at tulakan kami sa putikan na parang mga bata.

Lumipas ang masasayang araw, kinailangan na naming umalis. Masaya kaming nagpaalam sa pamilya ni Yaya. Nangako si Irene na muling magbabalik para kay Seulgi. Nangako rin naman si Seulgi na maghihintay siya kahit gaano katagal.

"Nagenjoy ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo naman. Ang saya ng buhay dito. Simple lang pero masaya!" Ngiting-ngiti na sabi ni Somi.

"Tama. Nakakaenjoy! Sobra." Sabi naman ni Irene.

"And You?" Tanong ko kay Dahyun na nakaupo sa passenger seat habang bumibiyahe kami paalis.

"Nag-eenjoy ako kahit saan. Basta kasama kita." Nakangiting sagot niya kaya naman napangiti na lang rin ako't nagpatuloy sa pagmamaneho.

Sana walang katapusan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Hindi 'yun kayang tumbasan ng kahit na ano.

Sa paglipas ng mahabang oras ng biyahe, nagawa parin naming magsountrip sa kotse. Ang saya talaga kapag kasama ang mga taong mahahalaga sayo. Namiss ko tuloy sila Nayeon. Kumusta na kaya sila sa kung nasaan man sila?

Medyo maulan ngayon kaya nagiingat ako sa pagmamaneho. Pero mapaglaro pala ang tadhana, kahit anong iwas mo---kung mangyayari, mangyayari talaga.

Nang malapit na kami, bigla kong nawalan ng kontrol sa kotse. Nakaramdam ako ng sobrang kaba nang masyadong madulas ang kalsada.

"What's happening?" Tanong nila Somi at Irene.

"Mina! Anong nangyayari?" Tanong ni Dahyun.

"Kumapit kayo!" Sigaw ko habang sinusubukang kontrolin ang kotse. Makakabangga kami ng ibang sasakyan na dadaan kaya naman pinilit kong iliko ang andar ng kotse. Nanlaki na lang ang mata ko nang makitang  tatama kami sa isang malaking puno.

Sa mabilis na segundo, sumalpok ang kotse sa malaking puno dahilan para mawalan ako ng malay.

Nang imulat ko ang mata ko, nasa isang 'di pangkaraniwang lugar ako. Maraming paru-paro. Maraming ibong nag-aawitan. Payapa. Maraming magagandang halaman. Mala-paraisong lugar.

Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako? Nasaan sila Dahyun? Biglang pumasok sa isip ko ang huling nangyari. O m g ! Patay na ba ko? Nasa langit na ba ko?

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now