51: Leave Me Alone

321 12 16
                                    

Dahyun's Pov:

Hindi ko akalain na magugulat ako sa kalagayan ni Mina nang pasukin namin ang kwarto niya.

"Mi--Mina." Nasabi ko na lang habang nakatayo't nakatingin sa kanya na mahahalata mong halos wala nang saya.

Nakaupo lang siya sa sahig sa gilid ng kanyang kama. Magulo ang buhok. Namamaga na ang mata. Kalat-kalat ang gamit niya sa paligid. Hindi nakaayos ang unan at kumot. Napanis na rin ang pagkaing nakalagay sa table niya. Ang daming kalat na nilukot na papel sa sahig. Ang daming kalat. Mukhang napabayaan na ang kwarto niya pati na rin siya. Medyo pumayat siya ngayon. Halata ring puyat siya.

"What happened to you, Mina? What's wrong?" Tanong ni Nayeon sabay lapit kay Mina na para bang hindi kami nakikita o napapansin.

Tahimik lang siya't nakatulala. Mukhang masama talaga ang naging epekto sa kanya ng pagkawala ng Yaya niya. She lost her Mom and now, wala na rin ang inituturing niyang pangalawang Ina.

"Mina, Are you okay? We're here to help you." Nasabi ko na lang sabay lapit rin sa kanya.

"Oh, Mina. Tell us what's wrong. Bakit hindi ka namin macontact?" Tanong ni Nayeon sabay yakap kay Mina na wala paring imik.

"Mina, Sinaktan ka ba ng Dad mo? Bakit gwardiyadong-gwardiyado ka? Nakakalabas ka ba ng kwarto?" She looked at me.

"I deserve it 'cause I'm just a waste of space. I'm just a weak and coward person. Because I'm too greedy for my freedom, I lost another special person in my life." Seryosong sagot niya sabay yuko na lang.

No, Mina. Hindi siya dapat mag-isip ng ganun sa sarili niya. Kasalanan ko rin 'to eh. Kung di ko ipinaramdam sa kanya na hindi siya kagusto-gusto eh di hindi niya basta-basta sisisihin ang sarili niya sa lahat ng bagay.

"Mina, It was an accident. Wala kang kasalanan sa pagkamatay ng Yaya mo."

"Wala ako nung kinalaingan niya ko. Nahuli na naman ako. Bakit? Kasi mas importante sakin yung sariling kagustuhan ko!"

"Don't say that, Mina. We're here for you. Everything will be okay." Sabi naman ni Nayeon habang kayakap si Mina.

"Leave." Sabi ni Mina samin ni Nayeon.

"Hindi kami aalis hangga't di ka nagiging okay." Paninindigan ko.

"Umalis na lang kayo. Mapapahamak lang kayo kapag lumapit kayo sakin. Malas ako. Lahat ng taong nasa paligid ko, namamatay. Hindi ko rin kayo mapoprotektahan sa huli. Please leave me alone."

"Mina, Huwag kang sumuko. Magiging ayos din ang lahat." Sabi ni Nayeon.

"Huwag akong susuko? Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi mo ko naiintindihan. Hindi madali 'to. Hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko. Pwede ba? Iwanan niyo na lang ako!" Initulak ni Mina si Nayeon palayo.

"Sinasabi ko 'to dahil naniniwala ako sa kakayahan mo. Magagawa mong lagpasan 'to, Myoui Mina. Maniwala ka sa sarili mo." Dagdag ni Mina.

"Mina, Relax. Nandito kami para tumulong."

"Isa ka pa!" Sigaw niya sakin kaya natigilan ako. Nakita kong nagsisimula nang lumigid ang luha niya.

"Bakit mo pa ko nilapitan noon kung pagtitripan mo lang naman pala ako? Ano ba ko sayo? Isang dare lang? Ay oo nga pala! I'm nothing. Ni hindi mo nga ko kaibigan diba. Stranger lang ako para sayo. Ayaw mo kong maging kaibigan. Kasalanan ko naman dahil nag-assume ako na karapatan kong maging masaya! Sinungaling ka!" Dagdag niya. Tuluyan nang bumagsak ang luha niya.

"Mi--Mina, Let me explain. Nagkamali ako. Akala ko wala ka lang sakin. Pero napamahal ka na sakin eh. You're my friend. Lahat ng kaibigan ko, sinisigurado kong poprotektahan ko. I'll protect you no matter what." Pagpapaliwanag ko sa kanya pero mukhang sarado ang pang-unawa niya ngayon.

Naiintindihan ko siya. Kahit na sabihan niya ko ng masasakit na salita, hindi ako susuko sa pagtulong sa kanya. Kung kinakailangan na bumalik ako, gagawin ko.

"Fine. Hahayaan ka muna naming kumalma. Lilinisin muna namin ang mga kalat sa kwarto mo." Sabi ni Nayeon sabay tingin sakin kaya naman tumulong na ko sa pag-aayos ng kwarto ni Mina.

Nanatiling nakaupo sa isang sulok si Mina habang umiiyak.

Inayos namin ang salansan ng mga gamit niya't pinulot ang mga nagkalat na papel. Mabuti na lang may trashcan sa gilid ng pinto ng kwarto niya.

Inibalik na ni Nayeon ang salansan ng damit ni Mina sa drawer. Ibinalik ko naman sa cabinet ang ilang gamit niya. Natigilan ako nang makakita ako ng envelope. Mukhang letter 'yun ah.

Agad ko itong kinuha't nabasa na may nakalagay na "To: Mina  From: Yaya Jihyo".

Alam kong masamang mangialam ng hindi kanya pero naku-curious ako kung nabasa na ba 'yun ni Mina. Nilapitan ko siya bitbit ang sulat ni Yaya Jihyo para sa kanya.

"Mina, Nabasa mo na ba 'to? Nakita ko sa cabinet mo. Galing kay Yaya Jihyo."

"Umalis na kayo!" Sigaw niya samin sabay kuha sa sulat.

Nagkatinginan naman kami ni Nayeon.

"Si--Sige. Hahayaan ka na muna namin na mapag-isa ngayon pero asahan mong babalik kami para sayo. Paalam na muna, Mina." Sabi ni Nayeon.

"Mina, Palagi mong tandaan na nandito lang kami. Nandito lang ako para sayo." Sabi ko. Sumunod na ko kay Nayeon palabas. Ihinatid na kami ng tauhan ni Mr. Myoui sa labas ng Mansion.

Babalik ako. Ayokong makita siyang patuloy na magkaganun. Ayokong lumala ang depression na nararamdaman niya.

"Hayaan na muna natin siyang mapag-isa." Sabi ni Nayeon sakin.

"Ta--Tama. Sige na, Mauna ka nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako."

"Saan ka pupunta? Ihatid na kita." Sabi ni Nayeon sakin.

"No need. Kaya ko na ang sarili ko. Thank you, Nayeon. Salamat din sa pagsama sakin para makausap at makita si Mina."

"You're welcome. Sige na. Ingat ka. Mauna na ko." Sagot niya kaya tumango na lang ako. Nauna nang umalis si Nayeon sakay ng kotse niya.

💕To Be Continued💕

A/N: Happy Birthday Dahyun 💖 Dahil bday ni Dahyun, nag-ud ulit ako.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now