19: Risk

443 18 2
                                    

Dahyun's Pov:

Nang magising ako, agad na kong kumilos para gawin ang plano ko. Habang abala pa sa pagtulog ang babaeng binabantayan ko, lumabas na muna ko ng kwarto.

Nakita kong ilan lang ang nagbabantay sa abandonadong lugar na 'to, nilapitan ko na sila.

"Nasaan si Mister X at ang ibang tauhan niya?"

"Umalis. Sinusubukan pading contact-in ang tatay ng bihag nating Prinsesa." Sagot ng isa sa kanila.

"Bakit nandito ka? Bumalik ka nga dun sa loob ng kwarto!" Sabi ng isa pa sa kanila.

"Hindi naman ako bihag ah. May karapatan akong lumabas sa lugar na 'to."

"Mahirap na. Baka ikaw pa ang sumira sa planong 'to. Kailangan naming makuha ang pera sa tatay ng babaeng 'yun!" Sagot nila sakin. Mga mukha talagang pera eh. Asa pa silang ma-contact nila ang walang kwentang tatay ng babaeng 'yun. Mukhang wala ngang pakialam eh.

Sa pakikipagusap sa kanila, napansin kong nakalagay sa table sa sulok ang phone ko na noon ay kinuha ni Mister X.

"Sige. Lalabas muna ko para magpahangin."

"Sandali. Bakit ka naman namin hahayaang lumabas?"

"Dahil hindi ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ng mga kaibigan ko."

Nagkatinginan na lang sila't napatango na lang sa isa't-isa. Lumapit ako sa isa sa kanila't tinapik ito sa balikat.

Ni hindi niya napansin na nakuha ko na ang baril niya. Sanay ako sa ganitong bagay. Bakit? Dahil masama akong tao.

Lumakad na ko palabas pero bago 'yun, sinimplehan ko munang kunin yung phone sa isang sulok.

Nang makalabas ako, nagmadali na kong tumakbo't kumilos para maghanap ng taong mapagtatanungan kung nasaan kaming lugar. Kahit na mainit, kahit na nakakapagod, at kahit na delikado---gagawin ko 'to.

Di para sa babaeng 'yun kundi para sa mga kaibigan ko. Gusto kong turuan ng leksyon ang mga buwisit na yun sa pananakit nila sa mga kaibigan ko. Saka, gusto ko na ring makalaya mula sa kamay ng masamang Mister X na 'yun.

Sinabi ko namang hindi ako papayag na masaktan na naman ang mga kaibigan ko. Kaya bago pa ulit sila masaktan, gagawin ko ang lahat para mawala sa landas namin ang mga taong 'yun. Kahit na gumamit pa ko ng dahas ngayon. Kahit na makipagpatayan pa ko sa kanila. Kahit na makapatay ako sa unang pagkakataon. Wala na kong pakialam.

Nabuo ang desisyon kong tulungan ang babaeng binabantayan ko, di dahil may pakialam ako sa kanya o naaawa ako. Kundi dahil ayokong sumabit sa kalokohang 'to.

Alam kong ngayon ang huling araw kung saan pagdedesisyonan ang kapalaran ng babaeng 'yun. Mukhang hindi na talaga mako-contact ang Dad ng babaeng 'yun. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may makita na kong tao. Agad kong tinanong kung nasaan kaming lugar. Nang malaman ko, binuksan ko na ang phone ko.

Mabuti na lang at di pa lowbat at may load pa ko.

"It's me, Dahyun. Jeongyeon, alerto kayo diyan. Kung sakaling makaramdam kayo ng kakaiba, umalis na muna kayo. Kailangan ko lang tapusin ang misyon na 'to. I'll be back soon.  Don't worry about me. I'm fine." Agad na kong nagtext kay Jeongyeon.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now