About "GLY"

384 13 45
                                    

1. Sa totoo "Steal My Heart" talaga dapat ang title nito pero naisip ko na medyo nalalapit siya sa SaiDaTzu "Steal Her Heart" ff na gagawin ko sa future. Matagal pa 'yon!

2. "Goodnight Like Yesterday" 'yung naisip kong title niya. Wala lang, gustong-gusto ko lang kasi yung song ng Lovelyz. Punong-puno ng feelings. And naisip ko lang 'yung concept na isang gabi magkasama pa kayong dalawa, nageenjoy tapos kinabukasan---wala na siya sa tabi mo. Yung iniisip mo na sana palaging ganun kasaya. Charot! Andrama. Lol

3. Dapat may pa-comeback talaga si Sana dito eh. Yun tipong pinalabas lang ng parents niya na wala na siya pero yung totoo, nag-ibang bansa lang siya.

4. Naisip ko rin yung plot na sa galit ni Dahyun sa Dad ni Tzuyu para sa pagpatay nito sa mga kaibigan niya. Maghihiganti siya sa pamamagitan ng paggamit kay Tzuyu.

5. Naisip ko rin yung plot na lagyan dapat ng MiChaeng 'to simula dun sa part na kila Tzuyu tumira si Dahyun. Dapat talaga magiging closer sila Chaeyoung at Mina doon. Pero di ko na tinuloy, kawawa naman si Nayeon.

6. And naisip ko rin na lagyan noon ng 2Yeon since one sided love pa yung sa JeongMo. Balak ko sanang maging way 'yun para magselos si Momo sa 2Yeon. Pero hindi ko na rin inituloy dahil mas maganda yung tragic moment na kung kailan mo narealize na love mo siya, dun pa siya mawawala sayo. Bad ko, diba? Haha.

7. Yung mga tula na ginawa ni Mina dito sa story. Sariling tula ko 'yun sa "The Poem Of Life" poems ko dito sa watty. Kung gusto niyong i-check, lakad. Hahaha.

8. Yung mga songs na nasama dito sa story. Fav ko 'yung mga 'yun. Hahaha.

9. Dapat talaga hanggang 50 chapters lang 'to. Pero dahil sa cuteness at support niyo, 100+ na.

10. Ito yung Twice FF ko na may pinakamadaming chapters.

11. Sa totoo, wala talaga akong balak na lagyan 'to ng spg parts pero dahil makulit kayo --- hmm! Sige na. Pagpasensyahan niyo na 'yung mga parts na yun. Hindi ako sanay. Kasi dapat talaga mananatiling inosente ang lovestory ng MiHyun dito. Haha. (Kaway-kaway sa anohan squad na nagpapasabog ng notif ko haha)

12. Masasabi kong na-challenge ako sa story na 'to sa iba-ibang paraan.

13. Mahilig akong magpajama. Sa totoo, si mama yung palaging bumibili ng pajama ko kaya kung mapapansin niyo, may pajama parts din dito. Ini-relate ko na din siya lol.

14. Isa pa! Nandito rin si Lolang Tindera ng Bracelet. Napasama rin yung anak niyang driver na madaldal (Alam ng mga readers ng "Who Owns Kim Dahyun's Heart?" yung tungkol kay Lola hahaha)

15. 3 months ko 'tong ginawa. Ginugol ko ang bakasyon ko para dito. 👏😂

Kung may mga tanong pa kayo tungkol sa story *hindi tungkol sakin* haha, comment niyo lang. Sasagutin ko. Fighting!

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now