110: Rewrite The Stars

336 16 13
                                    

Momo's Pov:

Ang dami nang nangyari. Ang daming buhay na ang nawala. Masaya akong sa wakas, matatapos na ang lahat.

Mabuti na lang nairecord ni Mina ang pag-amin ng Dad niya sa mga kasalanang nagawa nito.

Masaya rin akong nagkaayos na sila ng pinsan niyang si Tzuyu. Siyempre, hindi mawawala ang kasiyahan kong malaman na nasa maayos na kalagayan si Dahyun.

Finally, makakamit na ng mga nagbuwis ng buhay nila ang hustisyang karapat-dapat nilang makuha.

Alam kong hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay. Pero alam ko namang nagbuwis sila ng buhay para makasagip ng iba. Hindi namin sasayangin ang pagsasakripisyo nila Nayeon at Chaeyoung. Ang kailangan naming gawin ay manatiling matatag.

Dapat na manatili kaming lumalaban hanggang sa huli. Walang iwanan. Walang bibitaw. Kung mauwi rin sa kamatayan ang buhay ko, ang mahalaga ginawa ko yung tama. In-enjoy ko yung buhay na meron ako.

Napalingon ako kay Jeongyeon na malungkot parin. Minabuti ko nang lumapit sa kanya. Ayokong nakikita siyang nagkakaganyan.

Kung noon, siya yung palaging nagsasabi samin na huwag sumuko. Ngayon, panahon na para kami naman ang magsabi sa kanya nun.

Naiintindihan ko kung gaano kasakit para sa kanya ang mawalan ng kaibigan na simula pagkabata ay kasama na niya.

Sa lahat, si Jeongyeon 'yung nanatiling hindi umaalis sa tabi ko. Kahit na ipagtabuyan ko pa siya o sabihing hindi siya yung gusto ko, hindi parin siya lumalayo.

Patuloy parin niyang ipinapakita kung gaano ko ka-importante sa buhay niya. Kahit pilitin niya yung sarili niyang ngumiti para sakin, ginagawa niya.

Napaisip tuloy ako, Imposible ba talagang magustuhan ko siya katulad ng pagkagusto niya sakin?

Para sakin, hindi ko kayang mawala ang isang Jeongyeon sa tabi ko. Sa dami ng pinagsamahan naming dalawa, hindi ko makakalimutan ang lahat ng 'yun.

Ang tagal ko nang pinagiisipan 'to. Si Dahyun parin ba ang nasa puso ko o may isang tao na palang pumalit sa pwesto niya?

Tumabi ako kay Jeongyeon na tahimik lang. Pinagmasdan ko siya. Halata yung kalungkutan sa mata niya. Gusto ko siyang yakapin.

Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga. Gusto kong makita yung ngiti niyang nakakahawa. Ayoko nang nasasaktan siya. Nasasaktan din ako eh.

Si Jeongyeon yung taong hinding-hindi ako iiwan. Siya yung nagsisilbing shoulder to cry on ko. Siya yung palaging nandiyan sa tuwing umiiyak ako. Siya yung nandiyan kahit iba yung hinahanap ko.

Ayos lang sa kanya na protektahan ko yung taong gusto ko habang pinoprotektahan niya ko. Narealize ko na ang unfair nun. Habang pinoprotektahan niya ko, sinong magpoprotekta sa kanya? Wala.

Dahil masyado kong nabulag sa kagustuhan kong ipilit yung sarili ko sa taong hinding-hindi naman ako magugustuhan. For some reasons, naiinis ako sa sarili ko.

Bakit nga ba hindi ko siya pinoprotektahan? Naging selfish ako. Umasa akong pwede 'yung mamahalin ko parin si Dahyun kahit may mahal siyang iba. Umasa akong pwedeng manatiling ganun. Pero hindi pala.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now