103: Piano

283 9 23
                                    

Tzuyu's Pov:

Nang magising ako, bumangon na ko sa kama't nag-ayos na muna ng sarili bago pumunta sa balcony para mag-tea.

Habang pinagmamasdan ang magandang view sa labas, biglang bumalik sa isipan ko kung paano lumuhod si Dahyun sa harapan ko para lang makiusap na huwag kong saktan si Mina.

Gaano ba niya kamahal si Mina? Hindi ko inaasahang hanggang ganun ang kaya niyang gawin para lang sa Mina na 'yun. Ganun ba kaimportante si Mina sa buhay niya?

Ni minsan, wala pa kong nakilala na katulad ni Dahyun. Isang tao na kayang gawin ang lahat para lang sa taong mahal niya. Nung sinundan ko siya kahapon, nakita ko kung paano siya tumanaw sa malayo kay Mina.

Bakit hindi niya ini-grab ang chance na yun para lapitan si Mina? Dahil ba sa alam niyang mas manganganib ang buhay nito? Kaya niyang magtiis para lang kay Mina?

Aish. Bakit ba iniisip ko ang tungkol dun? Eh, wala naman sakin kung talagang mahal ni Dahyun si Mina. Ang mahalaga, mapabagsak ko si Mina.

Hindi ko rin talaga inakala na makakatiis si Dahyun sa pangti-tease ko sa kanya. Akala ko mahuhulog na siya sa plano ko. Akala ko madadalian akong kunin ang atensyon niya. Akala ko katulad siya ng iba na ibang bagay naman ang gustong makuha sa tuwing lalapit sila sakin.

Ni isa sa kanila, wala talagang nakahawak man sa kamay ko. Pero si Dahyun, hindi niya pinakitang isa siya sa kanila.

Ewan ko ba. Basta may thought na pumapasok na isip ko na, buti pa si Mina. May nagmamahal sa kanya nang totoo.

"Aish. Nababaliw na yata ako!" Napatayo na lang ako sa kinauupuan at naupo na lang sa harapan ng piano.

Nag-aaral talaga ako ng piano pero hindi naman ako ganun kasanay dahil hindi ko binibigyan ng atensyon 'to. Diba nga, wala akong ginawa kundi sundin ang sariling kagustuhan ko. Sa tuwing may piano lesson ako noon, tumatakas ako para gumala.

Sa muli kong pagsubok sa pagtugtog ng piano, hindi ko na nga masyadong maalala yung mga natutunan ko dati.

"Teka, pano nga ba 'to?" Natanong ko na lang habang inaalala.

"Marunong ka pala magpiano." Napalingon na lang ako kay Dahyun na nakatayo lang sa likuran ko.

"Matagal na kong hindi nakakapagpractice. Nakalimutan ko na nga eh."

"Try and try until you succeed." Biglang sabi niya kaya naman napatango na lang ako't nagsimula nang tumugtog kaso marami akong mali.

"Watch and Learn." Sabi niya sabay tabi sa kinauupuan ko. Anong ginagawa niya?

Marunong siya magpiano? Nagulat na lang ako nang marinig yung pagtugtog niya ng piano. Marunong nga siyang magpiano.

"Paano ka natutong magpiano?" Tanong ko sa kanya.

"Noong nasa bahay-ampunan ako, tinuturuan kami dun magplay ng musical instruments. Pagplay ng piano yung natutunan ko." Paliwanag niya nang paseryoso.

"Hindi ko inexpect na marami ka palang kayang gawin."

"Magpractice ka lang nang magpractice. Magagawa mo rin 'yan." Kalmadong sabi niya kaya naman napatango na lang ulit ako.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now