89: Remember That

309 10 4
                                    

Dahyun's Pov:

Isang maulan na umaga ang bumungad sakin nang magising ako. Sayang! Gusto ko pa naman sanang ituloy ang pagtuturo kay Mina sa pagbabike. Wrong timing.

Bumangon na ko't naghilamos ng mukha. Matapos mag-ayos ng sarili, naabutan ko si Jeongyeon at Chaeyoung na umiinom ng kape.

"May lakad ka ba?" Tanong ni Chaeyoung.

"Balak ko sanang turuan pang magbike si Mina."

"Umuulan eh." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Sayang nga eh. Di bale, next time." Napakamot na lang ako ng ulo.

"Bwisit yung panahon ngayon. Balak ko nga sanang lumabas kasama si Nayeon kaso hindi na namin inituloy." Dagdag ni Chaeyoung.

"Eh, kayo ni Momo?" Tanong ko kay Jeongyeon.

"Anong kami? We're just friends." Sagot niya sakin.

"Ganun ba? Di naman kasi talaga totoong friends lang." Pang-aasar ko sa kanya.

"Itapon ko sayo 'tong kape ko." Sabi ni Jeongyeon sakin.

"Sige na! Puntahan ko muna si Mina sa bahay ni Momo." Paalam ko sa kanila kaya naman hinayaan na nila ko.

Kumuha na ko ng payong at lumabas para pumunta sa kabilang bahay. Kumatok ako sa pintuan. Agad naman akong pinagbuksan ni Momo.

"Oh, Dahyun. Tuloy ka." Sabi ni Momo kaya naman pumasok na ko sa loob.

"Nasaan si Mina?"

"Huh? Nag--Nagpapahinga."

"Sige. Puntahan ko muna siya." Pupunta na sana ko sa kwarto ni Mina kaso humarang si Momo.

"Wag na! Ha--Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga."

"Huh? Okay. Hahayaan ko siyang makapagpahinga. Pero gusto ko lang naman siyang mabisita." Papasok na sana ulit ako kaso humarang na naman si Momo.

"Magkape ka muna!" Sabi niya kaya napakunot-noo na lang ako sa kanya.

"May initatago ka ba? Pupuntahan ko lang naman si Mina. Hindi ko naman siya gigisingin."

"Ka--Kahit na. Wag na!"

"Aish. Ano bang problema? May inililihim ba kayo ni Mina? Tell me!" Nagsisimula na kong macurious sa weird na inikikilos ni Momo.

"Fine! Nangako kasi ako kay Mina na hindi ko sasabihin sayo o hindi ko hahayaang malaman mo." Pag-amin niya.

"Na ano?"

"Masama yung pakiramdam ni Mina kanina pang 4am. Nakiusap siyang wag sabihin sayo. Baka daw mag-alala ka pa sa kanya."

"What? Natural na mag-aalala talaga ako sa kanya. Aish. Ang kulit talaga." Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Momo. Tumuloy na ko sa loob ng kwarto ni Mina.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama. Lumapit na ko sa kanya. May lagnat nga siya. Aish. Siguro naambunan o nalamigan siya sa pagbabike namin kahapon.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now