36: Happy Memories

364 16 1
                                    

Dahyun's Pov:

Dahil hindi pa ko inaantok, napagdesisyonan kong lumabas na muna ng bahay. Tulog na kasi si Chaeyoung. Si Jeongyeon naman mukhang wala sa mood makipagkwentuhan sakin ngayon.

Habang naglalakad-lakad sa labas, nakita ko si Mina sa labas ng bahay ni Momo.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi pa ko inaantok eh." Sagot niya sakin.

Naupo na muna ko sa upuan sa labas ng bahay namin. Sinenyasan ko si Mina para lumapit sakin. Nagets naman niya kaya agad siyang lumapit.

"Ba--Bakit?"

"Sit here." Sagot ko sa kanya kaya naupo siya sa tabi ko.

"May problema ba?" Tanong niya sakin.

"Nothing. May gusto lang akong itanong sayo."

"About what?"

"About yourself."

"Huh?"

"Hindi naman sa nakikichismis ako.  Wala ka bang balak bumalik sa Dad mo?"

"Ahm. Sa ngayon, kailangan ko munang patunayan ang sarili ko." Kalmadong sagot niya.

"Patunayan na ano?"

"Patunayan na kaya kong tumayo sa sarili kong paa."

"Ah. Kapag nakahanap ka na ng trabaho, di ka parin babalik sa kanya?"

"Malalaman ko. Kailangan kong maging matatag ngayon. Ayokong mauwi sa wala ang mga paghihirap ko. Magpupursigi ako hanggang sa mapatunayan ko na ang sarili ko sa Dad ko. Siguro kapag nangyari 'yun, ibibigay na niya ang freedom ko." Dagdag niya sakin.

Freedom. Gusto talaga ng babaeng 'to na maging malaya sa mga bagay na gusto niyang gawin. Naiintindihan ko na. Siguro masyadong mahigpit ang Dad niya sa kanya.

Naalala ko tuloy nung nakidnapped siya. Ni hindi man lang macontact yung Dad niya. Muntikan na siyang mapahamak nun. Mabuti na rin palang desisyon na isinama ko siya sa pagtakas.

Napansin kong mukhang lumungkot na naman ang mukha niya. Bakit nararamdaman ko rin yung pain na nakikita ko sa mata ni Mina? Aish. What's going on with me? I hate it.

"Ahm. Enough with those sad stuffs. Instead, tell some of your happy memories."

"Happy memories? Marami ako nun kapag si Mom ang kasama ko. But now, she's gone." Kwento niya sabay yuko.

"Does it mean na wala ka nang happy memories ngayong wala na siya? Ganun ba?"

"Meron akong yaya. Si Yaya Jihyo. Simula nang mamatay si Mom, siya na ang nag-alaga sakin. She's my second mother. I have to no choice but to leave her in our mansion." Dagdag niya sabay simangot.

"Ganun ba? Oh. Bakit nakikita ko na naman yang malungkot mong mukha. Diba sabi ko, happy memories."

"Ta--Tama. Pasensya na, di ko kasi mapigilan ang emosyon ko."

"Magagawa mo ring kontrolin 'yang emosyon mo. Tiwala lang. Tiyaga lang. Smile ka lang."

"Salamat sa lahat, Dahyun."

"Huh? Wala naman akong ginagawa ah."

"Di mo man pansin, nabibigyan mo ko ng lakas ng loob na magpatuloy na lumaban at ngumiti. Maraming salamat." Sagot niya sabay ngiti na ulit sakin.

"You're welcome."

"How about you?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Me?"

"Yes. Tell some of your happy memories." Sagot niya sabay abang sa isasagot ko.

Ano bang dapat kong isagot sa kanya? Happy memories? Wala naman ako 'nun eh. Napuno na lang ng sad memories ang buhay ko simula nang masaktan ako kay Sana.

"Wa--Wala eh."

"Wala? Anong wala? Hindi ka ba masaya?" Gulat na tanong niya.

"Masaya naman."

"Your happy memories, narinig namin kayo ni Momo kanina na nagtatawanan. Halatang masayang-masaya kayo." Sabi niya. Narinig pala nila yung tawanan namin kanina.

Tama. Yung mahahalagang tao sa buhay ko ngayon. Sina Jeongyeon, Momo at Chaeyoung. Marami akong masasayang alaala kasama sila. Muntik na naman akong mawala sa katinuan ko. Thanks to Mina. Pinaalala niya saking hindi ako naging mag-isa noong panahong iniwanan ako ni Sana.

I smiled at her. Unti-unti ko nang nagegets kung anong pag-uugali ang meron si Mina. She's a kindheadted person who wants to be free and happy.

"Gabi na. Matulog na tayo." Sambit ko sa kanya.

"Mabuti pa nga. Haha. See you tomorrow, Dahyun. Goodnight." Sagot niya sabay tayo na.

"Goodnight din." Lumakad na siya pabalik sa bahay ni Momo. Bigla ko namang nakita si Jeongyeon sa labas ng bahay ni Momo.

Tinawag ko na siya't isinama pabalik sa bahay. Masaya akong nagkausap kami ni Mina tungkol sa buhay namin.

Pero naiisip ko parin na kahit mabuting tao, hindi matatanggap kung anong buhay ang meron kami tulad ni Sana.

Akala ko kayang tanggapin ni Sana ang buhay na meron ako dahil mahal niya ko. Hindi pala. Nagawa parin niya kong iwanan at saktan.

Minatozaki Sana, Kailan ba kita makakalimutan? Kailan ba ko makaka-move on sayo?

🤗To be Continued🤗

A/N: Guys, Fighting lang. Don't forget to smile.

Don't forget to leave some comments. Thanks. 💗

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon