4: Inner Circle

509 19 1
                                    

Dahyun's Pov:

Nang marating ko ang pinakamalapit na bahay-ampunan, agad ko nang iniwanan ang briefcase ko. Nagtago na muna ko sa isang sulok para makita kung makakarating ba sa namamahala ng bahay-ampunan ang mga perang iniwanan ko.

Nang makuha nila, halata sa mukha nila ang pagkabigla. Sino ba namang hindi magugulat kapag may kung sinong magbigay ng malaking halaga ng pera sayo? Well, deserve nila 'yun. Deserve yun ng mga batang nangangailangan.

Lumakad na lang ako paalis para bumalik sa bahay namin. Habang naglalakad pauwi, may nadaanan akong batang lalaki na nagtitinda ng bulaklak.

"Bili na po kayo. Pakiusap po, kahit isa lang." Alok niya sakin. Bakas sa mukha niya ang pagkadesperadong maibenta ang bulaklak.

"Sige na. Pabili na ko ng isa." Agad namang napangiti ang bata sabay abot agad sakin ng isang bulaklak.

Ni hindi ko nga alam ang gagawin ko sa bulaklak na 'to. Basta binili ko na lang para may bumawas naman sa paninda niya.

"Salamat po. Bili po kayo ulit next time." Nakangiting sabi ng bata. Agad ko rin namang inihagis sa basurahan ang bulaklak na binili ko.

"Bakit po initapon niyo?" Gulat na tanong ng bata sabay kuha ng bulaklak mula sa basurahan.

"Bakit kinuha mo pa?"

"Sayang po eh. Ang ganda po nito eh. Wala po ba kayong pagbibigyan? Bakit binili niyo pa po?"

"Natural. Pinagbentahan mo ko. Binili ko kasi kaawa-awa kang bata. Wala kong pagbibigyan kaya initapon ko."

"Itago niyo na lang po sa bahay niyo. Sayang naman po."

"Bakit ba nanghihinayang ka sa bulaklak na 'yan? Binili ko na naman 'yan sayo. Karapatan kong itapon na 'yan."

"Pakiusap po. Wag niyo pong itapon. Kung itatapon niyo po, ibabalik ko ang bayad. Inayos pa po yan ng nanay ko bago tuluyang ibenta. Pinaghirapan niyang pagandahin 'yan." Dagdag ng bata. Ang kulit naman ng batang 'to. Siya na nga 'tong pinagbilhan eh. Dapat nga magpasalamat pa siya. Dahil sa kakulitan niya, napagpasyahan kong kunin na nang tuluyan ang bulaklak. Dapal pala di na ko bumili eh.

"Oh, galing-galingan mo nga ang pagbebenta!" Paalis na sana ko nang marinig kong may isang lalaking may hawak na bote ng alak habang sinesermonan ang batang lalaki.

"Tay, pasensya na po. Wa---Wag po kayo mag-alala. Mas gagalingan ko po ang pagbebenta." Rinig kong sagot ng bata sa kanyang ama na halata namang napapabayaan siya.

"Tama nang satsat. Malilintikan ka sakin!" Nanlaki ang mata ko nang akmang pagbubuhatan ng kamay ng ama ang batang lalaki na ngayon ay kabadong-kabado.

"Ta---Tay. Pasensya na po." Malungkot na sagot ng bata.

"Wag kang gumaya sa nanay mong pag-aayos lang ng bulaklak ang kaya! Walang kwenta." Mukhang lasing na rin 'tong lalaki na 'to eh. Di ba niya nahahalatang siya ang walang kwenta dahil pinagtatrabaho niya ang anak niya?

Napailing na lang ako't lumakad paauwi sa bahay dala ang isang bulaklak. Nagtataka kayo kung bakit hindi ako gumawa ng kahit na anong paraan para ipagtanggol ang batang 'yun?

Kaya na niya 'yun. Saka, hindi ko na problema ang problema nila. Tanging ipagtatanggol ko lang ay yung mga taong malalapit lang talaga sakin. Kung hindi ka malapit sakin, wala akong pakialam sayo. Kung wala ka sa inner circle ko, wag mo kong aasahan na magkakaroon ng pakialam sayo.

Nang mapadaan ako sa stall ng repolyo ni Momo, naabutan ko siyang nagbebenta pa din.

"Saan ka galing? Nakipagdate ka? Bakit may flower kang dala?" Tanong niya sakin.

"Sayo na lang 'yan." Iniabot ko na kay Momo ang isang piraso ng red rose. Bigla naman niya kong hinawakan sa kamay nang paalis na ko.

"Para sakin 'to?" Parang namamangha pang tanong niya sakin.

"Bakit? Ayaw mo? Tapon mo na lang."

"Gusto!" Mabilis niyang sagot sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"I mean, sige ba. Maganda naman 'to. Sayang kung itatapon lang." Dagdag niya.

"Whatever. Ikaw nang bahala diyan. Magpapahinga na ko sa bahay namin." Lumakad na ko't umuwi sa bahay. Nang dumating ako, wala na sila Jeongyeon at Chaeyoung.

"Dahyun, maggagala lang kami ni Chaeyoung. Alam mo na. Party Party!" May iniwan silang note sa table.

Wala talagang ginawang matino. Nagpaparty na naman ang dalawa. Bahala na nga sila sa buhay nila.

Kasi naman, kahit anong gawin ko----para ko na rin silang pamilya kahit na gusto ko na talaga silang bugbugin minsan.

Tulad ng sinabi ko, kung nasa inner circle kita---I'll do my best just to protect you pero kung hindi, bahala ka sa buhay mo at baka ako pa ang magpahirap sa buhay mo.

💞To Be Continued💞

A/N: Guys, How's my new update?

Don't forget to leave some comments. Fighting!

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now