3: Pajama

620 22 0
                                    

Mina's Pov:

Sa bawat sulok ng mansion na 'to, naaalala ko ang lahat ng masasayang bagay na pinagsamahan namin ng Mom ko.

Nilibot ko ang paligid ng mansion na para bang mas mabilis pa sa pagong ang bawat paggalaw ko.

Nakuha ng picture frames ang atensyon ko. Picture frames kung saan nakakaramdam pa ko ng kalayaan at tunay na kasiyahan.

Kinuha ko ang isa sa picture frame kung saan kayakap ko si Mom. Miss na miss ko na siya. Siguro kung buhay pa siya, hindi niya hahayaang makulong ako sa mansion na 'to.

"Mina, what did I tell you?!" Nagulat ako sa pasigaw na tanong ni Dad kaya aksidente kong nabitawan ang hawak kong picture frame. Dumating na pala siya galing sa mga appointment niya.

"Da--Dad. Nandito ka na pala."

"Diba sinabihan na kitang ayusin mo ang pananamit mo. Bakit naka-pajama ka padin? Anong kalokohan 'yan? Kailan ka ba susunod sakin?!" Lumapit siya sakin na nakakunot-noo.

"So--Sorry Dad, mas komportable kasi talaga ako dito."

"Mas komportable? Mina naman! Wake up. Mas piliin mo kung saan ka magmumukhang maayos at hindi katawa-tawa! Mas mukha ka pang katulong sa maids natin dahil diyan sa lumang pajama na suot mo! Magpalit ka na ng damit." Sermon niya sa harapan ko.

"Sorry Dad."

"Kahiya-hiya ka. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sayo? Baka isipin ng iba na pinababayaan na kita. Umayos ka, Mina." Lumakad na siya palayo sakin.

Napabuntong-hininga na lang ako nang makitang nabasag yung picture frame na hawak ko. Pabagsak na sana ang luha ko pero nagawa ko namang pigilan dahil ayaw rin ni Dad na makikitang umiiyak ako. Di dahil nasasaktan siya na makitang umiiyak ako, kundi dahil iniisip niya na kahinaan ang pag-iyak.

"Ouch!" Pinulot ko ang mga bubog kaya naman nasugatan ako.

"Ma'am Mina! Anong nangyari?" Sa pagsulpot ni Yaya Jihyo, hindi ko na napigilang maluha.

"Wala 'to. Maliit na sugat lang, Yaya."

"Bakit umiiyak ang alaga ko?" Pinunasan ni Yaya ang luha ko.

"Wala 'to, Yaya. Okay lang po ko."

"Sinermonan ka na naman ng Dad mo noh. Wag mo na siyang intindihin. Malamang stressed lang yun sa trabaho. Gamutin na natin yang sugat mo." Kumuha si Yaya ng first-aid kit. Ginamot niya ang sugat ko. Paano na lang ako kung wala si Yaya sa tabi ko?

"Thank you, Yaya. Palagi kang nandiyan para sakin."

"Siyempre. Alaga kita. Para na rin kitang anak." Inayos niya ang buhok ko.

"Yaya, Pwede bang i-frame mo ulit yung picture namin ni Mom? Nabasag ko kasi yung picture frame eh."

"Oo naman. Wait, lilinisin ko lang ang mga kumalat na bubog." Kumilos na siya at agad ring bumalik sa tabi ko.

"Miss mo na ang Mom mo noh."

"Sobra. Iniisip ko nga na kung buhay pa siya, di ako makakaramdam ng sobrang lungkot."

"Sigurado na miss ka na rin niya. Kung nasaan man siya ngayon, binabantayan ka niya. Saka, ipinangako ko sa Mom mong aalagaan kita kahit na anong mangyari." Niyakap ako ni Yaya.

"Kung di lang sana siya namatay. Kung di lang sana ko nagyaya noon na mag-mall. Kung nanatili na lang sana ko dito sa mansion noon eh di sana naprotektahan ko siya." Naiiyak ko na namang sabi kay Yaya.

"Don't cry. Ayaw ng Mom mong umiiyak ka. Magsmile ka na lang para masaya din ang Mom mo." Nakangiting sabi ni Yaya kaya tumango ako sa kanya.

"Ipagready niyo na po ng makakain si Dad. Mukhang pagod siya."

"Ipaghahanda ko na kayo pareho para makakain kayo nang sabay."

"Wag na, Yaya. Baka mawalan ng gana si Dad kumain kapag sumabay ako sa kanya. Palagi niyang hindi kinakain ang pagkain niya sa tuwing sesermonan niya ko sa hapagkainan. Mamaya na ko kakain kapag nakakain na siya."

"Pagpasensyahan mo na ang Dad mo. Balang araw, hindi ka na nun sesermonan. Sa ngayon, kailangan nating sumunod sa kanya." Sabi ni Yaya sabay pat sa balikat ko.

"Mas komportable kasi talaga kong mag-pajama na lang, Yaya."

"Mina, wala tayong magagawa sa ngayon kundi sumunod sa nais ng Dad mo."

"Pero mas gusto ko talagang mag-pajama."

"Ganito na lang. Bumili tayo ng mga bagong pajama kasi luma na yung mga pajama mo. Baka dahil dun kaya ayaw ng Dad mong suot-suot mo 'yan." Dagdag niya.

"No. Hindi ko ipagpapalit 'to kahit gaano na 'to katagal o kakupas. Ito na lang ang naiiwang ala-ala sakin ni Mom."

"I see, miss na miss mo na nga talaga siya."

"Pakiramdam ko kasama ko siya sa tuwing suot-suot ko ang mga pajama niya. Naaalala ko yung mga panahong nakapajama siya habang nagbabasa sakin ng kwentong pambata." Napangiti na lang ako kay Yaya.

"Sige na. Bumalik ka na muna sa kwarto mo para magpahinga. Magluluto na ko ng pagkain."

Tumango na lang ako kay Yaya at bumalik na sa kwarto. Nahiga na muna ko sa kama. Hindi ko mapigilang alalahanin yung masasayang alaala kasama si Mom lalo na kapag binabasahan niya ko ng mga kwento bago matulog.

Flashback

"Minari, handa ka na bang makinig sa isa pang kwento?" Tanong ni Mom habang nakahiga sa tabi ko.

"Yes, Mom. Ano pong next na story?"

"Ang next story ay tungkol sa isang prinsesa at sa Mom niyang bibigyan siya ng mahigpit na yakap." Bigla akong niyakap ni Mom nang sobrang higpit.

"Gusto ko po ang kwentong 'yan."

"Biglang kiniliti ang prinsesa ng Mom niya. Waaaaah!" Sinimulan akong kilitiin ni Mom hanggang sa tawa na ko nang tawa.

"Gaganti ang prinsesa ng kiss na puno ng pagmamahal sa kanyang Mom." I came closer to kiss her in the cheeks.

"Ang sweet-sweet naman ng anak ko. Muah!" She kissed me too.

End Of Flashback

Isa 'yun sa masasayang ala-ala na meron kami ni Mom. Nasasaktan padin ako sa pagkawala niya, pero mas nasasaktan ako sa fact na alam kong hindi na ulit mangyayari ang masasayang ala-ala na yun dahil wala na siya.

Hindi na niya ko magagawang basahan ng mga kwento. Hindi na rin niya ko magagawang kilitiin, yakapin o halikan sa pisnge. I'm all alone in this lonely mansion.

Nagtaklubong na lang ako sa sobrang kalungkutan kasabay ng pagbagsak na naman ng luha ko.

💕To Be Continued💕

A/N: Ramdam niyo ba si Mina? 😢 She's suffering. Huhuhu. Sorry kung lame yung ud ko.

Don't forget to leave some comments para malaman ko naman kung anong reaction niyo or masasabi. Saranghaeyo.



Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now