46: F R I E N D

329 8 1
                                    

Momo's Pov :

Hindi ko gusto yung mga sinasabi ni Dahyun ngayon tungkol kay Mina. Parang si Mina na lang ang nasa isip niya. How about us? How about me?

Sa bawat salita na sinasabi niya tungkol kay Mina, nasasaktan ako.

Pakiramdam ko huli na ang lahat. Ang daya naman eh. Bakit ganun? Ilang araw lang silang nagsama ni Mina pero parang gustong-gusto niya 'tong muling makita. Samantalang ang tagal ko nang nasa tabi niya pero hindi man lang niya ko napapansin.

Ano bang meron si Mina na wala ako? Ano bang dahilan bakit hindi niya ko mapansin-pansin? Dahil ba mukha akong losyang sa kakatrabaho ko sa stall ko ng mga repolyo? Dahil mahirap lang ako? Dahil hindi ako masayang kasama? Ano?!

Hindi ko talaga kinaya yung mga sinabi ni Dahyun kagabi. Imposibleng in-love na agad siya kay Mina. Hindi pwede. Baka confused lang siya o guilty sa nangyari.

Ngayong araw, nagsdesisyon akong huwag na muna magtinda. Kailangan ko munang magmuni-muni dahil sa nangyari kagabi.

Nakaupo lang ako sa labas ng bahay ko't nagiisip-isip nang makita ko si Jeongyeon na palapit sakin.

"Momo, Are you okay?" Tanong sakin ni Jeongyeon.

"Oo naman."

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Kulit nito."

"Di ka magtitinda ngayon?" Tanong niya sakin.

"Pagod ako. Bukas na lang."

"Pagod o nasasaktan?" Napatingin ako dahil sa tanong niya.

"Pagod masaktan."

"What?" Gulat niyang tanong sa isinagot ko.

"Just kidding. Don't worry, I'm fine."

"Momo, Always remember that I'm here for you." Tinapik niya ko sa balikat.

"Salamat."

"Saka nga pala, kumain ka na ba?"

"Hindi pa eh."

"Kain ta---" Hindi na naipagpatuloy ni Jeongyeon ang sasabihin nang makita ko si Dahyun.

"Dahyun!" Tumayo na ko't nagmadaling lumapit kay Dahyun na mukhang may pupuntahan.

"Oh, Bakit?" Seryosong tanong niya sakin.

"Saan ka pupunta?"

"Maggagala-gala lang sa tabi-tabi."

"Sama ko!"

"Sure ka? Kung saan-saan lang ako pupunta." Sagot niya sakin.

"Sure. Ayos lang sakin. Ikaw naman ang kasama ko eh." Ngumiti na lang ako sa kanya. Chance ko na 'to para mapa-realize kay Dahyun na wala talaga siyang feelings kay Mina.

"Sama din ako!" Biglang umextra si Chaeyoung.

"Kayong bahala." Sabi ni Dahyun.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt