53: I'll Protect You

355 13 8
                                    

Dahyun's Pov:

Nagpaiwan ako kay Nayeon sa labas ng mansion nila Mina. Sinabi kong poprotektahan ko siya kaya naman tinutupad at ginagawa ko.

Gusto siyang bantayan. Gusto ko siyang pangitiin. Matapos makita ang kalagayan niya kanina, mas naging desidido akong tulungan siyang makabangong muli.

Hindi ko maintindihan yung sarili. I know it's weird. Parang kailan lang kami nagkakilala tapos parang ang lapit-lapit na niya sakin. Parang pasok na pasok na siya sa inner circle ko. I can't help it. I just wanna see her smile.

Habang nakatambay ako sa labas ng mansion, biglang dumating ang kotse ng Dad niya. Napaaga naman ata ang pagbalik niya. Mabuti na lang nakalabas na kami ni Nayeon. Palihim akong nag-abang sa labas hanggang sa makita ko si Mina na naglalakad na palabas dala-dala ang mga gamit niya.

Oh my god. She's crying. Agad na kong lumapit sa kanya habang umiiyak siya. Napaupo na lang siya sa isang tabi kaya naman nilapitan ko na siya.

"Iiyak mo lang" Sabi ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sakin.

Ipinagtabuyan niya ko pero hindi ako aalis sa tabi niya ngayon. I'll protect her no matter what.

Habang nagbe-break down siya, bigla siyang humarang sa kalsada. Mabuti na lang at naagapan ko't naitulak siya sa kabilang part. Natumba kami sa kabilang part ng kalsada. Nagtamo ako ng gasgas at sugat sa tuhod at braso pero ayos lang ako. Si Mina ang inaalala ko.

"Magpapakamatay ba kayo?!" Galit na tanong ng driver ng dumaang kotse.

"Pasensya na." Ako na mismo ang humingi ng pasensya sa kanya pero mukhang magkakilala pala sila ni Mina.

Nang magkausap sila, magkakilala nga sila pero mukhang hindi maganda ang samahan nila. Mukhang maldita yung kausap ni Mina. Sinusubukan pa kong idamay sa trip niya. She's not my ideal type. Poor Brat.

Nang umalis yung babae, agad din namang lumakad paalis si Mina. Maya-maya, bigla siyang natumba. Sinusubukan kong alamin kung ayos lang siya pero bigla siyang nawalan ng malay kaya naman tumawag na ko ng taxi't binuhat siya papasok dito at ang gamit niya.

Habang bumibiyahe papunta sa bahay namin, ipinaalam ko na kila Chaeyoung ang nangyari. Siyempre, pati na rin si Nayeon. Papunta na rin si Nayeon sa bahay namin. Sana ayos lang si Mina.

Nang dumating kami, tinulungan na ko nila Jeongyeon para dalhin ang gamit ni Mina sa bahay. Binuhat ko na siya nang pa-bridal style habang wala parin siyang malay.

Ihiniga ko na siya sa kama ko't sinimulan na siyang alagaan. Mukhang puyat na puyat siya.

"Hayaan muna natin siyang magpahinga." Sabi ko kila Chaeyoung sabay labas na muna ng bahay.

Naupo na muna ko sa bench sa labas ng bahay. Nilapitan naman ako nila Momo.

"What happened to her?" Tanong ni Momo.

"Nawalan ng malay. Siguro sa sobrang pagod at puyat. Malamang dahil na rin sa nalilipasan siya ng gutom dahil naabutan naming napanis na yung pagkain niya sa kwarto niya."

"Ayos lang ba si Mina?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"No, she's not okay. Nawawalan na siya ng ganang mabuhay kaya sana tulungan natin siyang makabangon ulit."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Место, где живут истории. Откройте их для себя