67: I'll Be That Person

366 10 1
                                    

Dahyun's Pov:

Nang magising ako, naabutan ko si Chaeyoung na nag-aayos ng sarili. Mukhang may lakad ang baliw na 'to.

"Saan ang punta mo?"

"May date ako. Hulaan mo kung sinong kasama ko." Proud na sagot niya sabay ayos ng buhok sa harapan ng salamin.

"Talaga? Omg! Alam ko kung sino."

"Sino?" Nakangiting tanong niya.

"Sarili mo. Diba?" Nawala yung ngiti sa mukha niya dahil sa isinagot ko.

"Kalokohan!" Sagot niya sabay irap pa sakin.

"Eh sino? Wala ka namang lovelife."

"Gague. Malapit na kong magka-lovelife. Ikaw nga, nasa tabi mo na lovelife ayaw mo pang kumilos." Dagdag niya.

"Huh?"

"Myoui Mina." Sagot niya sabay grin sakin.

"Ikaw nga, naghahabol kay Nayeon." Heto na naman siya. Palagi niyang idinadamay si Mina.

"Shet. Ansakit! Sapukan na lang?" Tanong niya sakin.

"Tumigil nga kayo. Agang-aga nagbabangayan." Extra ni Jeongyeon na mukhang may lakad din.

"Oh, Saan ka din pupunta? Ka-date mo din sarili mo?"

"Wag mo kong igaya kay Chaeyoung! Wala akong date. Tutulungan ko lang sa pagtitinda si Momo." Sagot niya.

"Aba. Ano na namang kinalaman ko? Hindi ko nga ka-date ang sarili ko. Si Nayeon ang ka-date ko ngayon. Diyan na nga kayo." Sabi ni Chaeyoung samin.

"Alam ba ni Nayeon na date 'yun? Haha. Baka naman niyaya mo lang siya kung saan tapos inimagine mo na date niyo 'yun." Dagdag ko kaya mas kumunot ang noo niya.

"Ewan sayo. Inggit ka lang!" Sagot niya sakin.

"Ang cute mo kasi. Ang liit pa. Parang may kasamang bata si Nayeon mamaya siguro 'yan. Haha." Pang-asar ko sa kanya.

"Kim Dahyun, Maliit ka din naman!"

"Mas maliit ka naman." Nakangiting sagot ko.

"Jusko naman! Pareho kayong maliit. Lakad na, Liit. Ay este Chaeyoung." Extra ni Chaeyoung sabay alis na.

"Dahyun, Mukhang maganda ang gising mo't trip mo si Chaeyoung." Sabi ni Jeongyeon sakin.

"Hindi ko din alam eh. Basta nararamdaman kong magandang magsaya ngayon."

"Dahil ba kay Mina?" Nakagrin na tanong niya.

"Aasarin mo din ako sa kanya?"

"Relax. Bagay kasi talaga kayo. Trust me. Balang araw magiging kayo." Sagot niya sabay tapik sa balikat ko.

"But we're just friends."

"Sa ngayon, friends. Sa future, lovers." Confident na sabi niya kaya napakamot-ulo na lang ako.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα