37: City Lights

368 15 3
                                    

Mina's Pov:

Nagising ako ng 4AM ng madaling araw. Napagdesisyonan kong lumabas na muna ng kwarto. Siguro tulog pa si Momo. Mabuti pa, lalabas na muna ko ng bahay para magpahangin kaysa naman magising ko pa si Momo.

Sa paglabas ko ng bahay ni Momo, natigilan ako nang makitang may taong naka-hoody jacket sa labas ng bahay ni Dahyun.

"Hey! Who are you?" Sabi ko kaya nagulat siya. Nang tanggalin niya ang hoody ng jacket niya, nagulat ako na si Dahyun lang pala. Akala ko kung sino na.

Mukhang may lakad siya. Saan kaya siya pupunta nang ganitong oras?

"Dahyun?" Nagulat siya nang makita ako.

"Mina. Gising ka na kaagad." Gulat niyang sabi sabay tingin sa paligid.

"Oo. Maaga kong nagising. Ikaw? Saan ka pupunta?"

"Wa--Wala naman." Sagot niya sabay lapit sakin.

"Akala ko kung sino ka eh."

"Haha. Nagpapahangin lang ako." Sagot niya sabay smile pa.

"Ganun ba? Ako din eh. Lumabas muna ko kasi natutulog pa si Momo sa loob. Baka magising ko siya."

"Nagumagahan ka na ba?" Tanong niya.

"Hindi pa. Pero, ayos lang ako."

"Let's go." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Hindi na ko nakaangal nang hilahin na niya ko paalis.

Saan naman kami pupunta sa ganitong oras? Binitawan na niya ko nang kusa na kong maglakad para sumunod sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Kakain na tayo." Sagot niya sabay smile.

"Ngayon na?"

"Oo naman. Nagugutom ako eh. Don't worry, ililibre kita."

"No need. May natitira pa kong pera sa wallet ko. Let me get it." Akma na sana akong babalik kaso hinawakan niya ulit ako sa kamay.

"Gusto kitang ilibre. Wag ka nang umangal. Tara na." Sabi niya kaya wala na kong nagawa.

Habang naglalakad, nakaramdam ako ng sobrang lamig.

"Sandali." Sabi ni Dahyun kaya naman natigilan ako sa paglalakad. Bigla niyang hinubad ang suot niyang hoody jacket at inipatong ito sakin.

"No need, Dahyun."

"Malamig ngayon. Sagutin kita kapag nagkasakit ka." Ngumiti siya sakin.

"Sa--Salamat." Nasabi ko na lang. Naglakad na ulit siya kaya naman sumunod na ko.

Sobra-sobrang kabutihan na ang ipinakikita ni Dahyun sakin. Hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sa kanya. Nahihiya na ko dahil wala man lang akong maibigay sa kanya.

May nadaan kaming city lights. Bigla na lang nagsalita si Dahyun.

"Wag kang dadaan sa mga lugar na walang city lights. Okay? It's too dangerous." Paalala niya sakin.

"Salamat sa paalala."

"Delikado ngayon. Delikado sa lugar namin." Dagdag niya.

"Paano kung no choice ako kundi dumaan sa walang city lights?"

"Then I'll come to guide you, I'll be your city lights." Sagot niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang ganitong feeling sa sinabi niya.

Para akong kinikiliti. Natatawa ba ko o kung ano? Para akong nakakain ng maasim na kung ano. Para akong mababaliw. Parang gusto kong sumigaw sa sobrang feels sa sinabi niya. Aish. Baka nagugutom na din ako.

"Ta--Talaga?"

"Oo. Baka naman sadyain mong dumaan sa lugar na walang city lights ah. Haha." Biro niya sakin sabay tawa.

"Hindi ah. Bakit naman kita ipapahamak? Haha. Wag kang mag-alala, mag-iingat ako." Napatawa na lang din ako sa kanya. Ngayon lang siya nagbiro sakin. Nagiging komportable na kaya siya sakin? Nagiging closer na ba kami?

Masaya ako na makitang tumatawa siya ngayon. Masaya ako na unti-unti ko na talaga siyang mas nakikilala. Dahil sa mga sinasabi't ginagawa niya, parang gusto ko pa tuloy magstay sa tabi niya. Pero alam kong hindi pwede. Bakit? Dahil may misyon akong dapat gawin.

Nang marating namin ang store na open 24 hours, hinila na ko ni Dahyun papasok sa loob. Pinaupo niya ko sa isang tabi't bumili na ng makakain.

Bumili siya ng 2 cup noodles at 2 coffee. Naupo na siya sa upuan sa harap ko.

"Let's eat."

"Salamat, Dahyun."

"You're Welcome."

"Di ko na alam paano ko makakabawi sayo. Wag kang mag-alala, makakabawi din ako."

"Wag na. Di ako humihingi ng kapalit. Gusto ko lang na gawin 'to." Sagot niya kaya naman napangiti na lang ako.

Habang kumakain kami, di ko mapigilang isipin na may naaalala ko sa hoody jacket niya. Ewan ko kung bakit ang weird.

Pero naaalala ko yung snob kong bantay nang makidnapped ako. Marami pala talaga silang pagkakapareho. As in marami talaga. Yun nga lang, hindi takot magpakita ng mukha 'tong si Dahyun. Hindi pa nagsusungit. Aish. Guni-guni ko na naman 'to.

Kumain na lang kami nang magkasabay. Naalala ko, dito kami unang nagkita. Naalala ko na naman tuloy nang iligtas niya ko nang dalawang beses sa iisang araw.

"Salamat nga pala sa pagligtas sakin nung isang araw." Sabi ko sa kanya.

"Wala 'yun. Next time, mag-iingat ka na sa mga taong makakasalamuha mo." Paalala niya.

"Tatandaan ko 'yan."

"Mabuti naman. Kumain na tayo't bumalik na agad sa bahay. Baka hanapin nila tayo kapag nagising na sila."

"Mabuti pa nga." Nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

💖To Be Continued💖

A/N: Think Positive, Guys.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now