33: Closer

381 15 0
                                    

Dahyun's Pov:

I can feel her pain just by looking into her eyes. Is it possible? For me, she's a total stranget even though I know her name. How can someone like her make me feel this way?

"Dahyun, Anong pinagusapan niyo ng bebe mo?" Nakangising tanong ni Chaeyoung nang pumasok sila ni Jeongyeon sa loob matapos umalis ni Mina.

"Bebe? Pinagsasabi mo?!"

"Nakita namin eh. Ayieh." Dagdag na pang-asar ni Jeongyeon.

"Ano namang nakita niyo?"

"Sumilip kami sa pinto kanina habang magkatabi kayo dito sa loob. Tapos, nilagay mo na naman yung headphones sa kanya. Ayieh. Pinapagaan mo ba ang kalooban ng bebe mo?" Sagot ni Chaeyoung na kala mong kiti-kiti sa kinikilos niya.

"Kiti-kiti ka ba?!"

"Kinikilig lang talaga ako nang sobra. Ang sweet niyo kasi. Ngayon lang talaga kita nakita na ganun ka-sweet." Dagdag ni Chaeyoung.

"Kung sapakin kaya kita diyan?!"

"Sinasabi ko lang naman ang katotohanan. And this time, hindi na dare 'yun. Ikaw na mismo ang umaksyon nang ganun sa kanya." Nagthumbs up pa sakin si Chaeyoung.

"Sira ulo! Napansin ko lang naman na may iniisip siyang malalim. Napansin ko lang naman na para na siyang iiyak kaya naman ni-destruct ko siya. Ganun lang 'yun."

"Talaga ba? Kailan ka pa nag-alala sa ibang taong wala naman sa inner circle mo? Pakiramdam ko, nasa inner circle mo na si Mina eh." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Guys, wala lang 'yun. She's nothing. She's a total stranger for me. Walang meaning 'yun. Saka, baka pagkamalan pang kasalanan ko kapag umiyak siya."

"Nako, Dahyun. Aminin mo na kasi. There's something about her na nakakapagpalabas sa sweet and caring side mo." Nagpatuloy sila sa pang-aasar sakin kaya naman lumabas na lang ako ng bahay.

Mga gague talaga. Ayaw akong tigilan. Ako talaga yung paborito nilang asarin. Baka nga masuntok ko na ang dalawang 'yun.

Nagpunta na muna ko sa bahay ni Momo. Kumatok ako sa pintuan. Si Mina ang nagbukas.

Nang pumasok ako, nakita ko siyang nagma-mop ng sahig.

"Are you cleaning the entire house?"

"I can do it, Dahyun." Nakangiting sagot niya habang nagma-mop.

"Stop. You don't have to do that. Nasaan ba si Momo?"

"Oh, Dahyun. Bakit nandito ka?" Tanong ni Momo sakin habang may suot na apron at hawak na spatula.

"Bumibisita lang. Bakit pinaglilinis mo si Mina ng buong bahay?"

"Hi--Hindi ko siya pinilit. Sinabihan ko nga siyang wag na kaso mapilit siya." Sagot ni Momo sakin.

"Mina, Stop it. Okay? Maupo ka na lang diyan."

"Kaya ko naman 'to, Dahyun. Let me. Gusto kong makatulong kay Momo." Sagot niya kaya naman kinuha ko na ang mop sa kanya't hinila na siya paupo sa sofa.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now