117: Father-Daughter Bonding

277 14 2
                                    

Mina's Pov:

Nang dumating ako sa labas ng mansion, hindi ko maiwasang kabahan bago tuluyang pumasok sa loob.

Kinakabahan akong muling makita si Dad. Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari. Hindi ko rin alam kung matutupad yung pangako niya sakin.

Pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na ko eh. Wala nang atrasan 'to. Huminga muna ko nang malalim bago pumasok sa loob.

Naabutan ko si Dad na naghihintay sa living room. May mga nakaready na pagkain sa table.

"Long time no see, Dad."

"Kumusta ka na, Mina?" Tanong niya sakin.

"Ayos naman po."

"Maupo ka muna." Naupo na ko sofa bago kami tuluyang iwanan ng mga tauhan at maid para makapagusap.

"Thank you po sa pagtulong para mahuli yung mga tauhan ni Tito."

"Responsibilidad kong protektahan ang anak ko. Gusto kong masiguradong hindi mapapahamak yung pinakamagandang bagay na meron ako sa mundong 'to." Kalmadong sagot niya sakin.

Ngayon ko lang narinig ang mga salitang 'yun mula kay Dad. Ganito pala yung pakiramdam. Masaya. Nakakagaan sa kalooban.

"Salamat po." Hindi ko alam kung ano bang dapat na salitang sabihin ko sa mga bagay na sinasabi niya ngayon. Naninibago pa siguro ako.

"Naiintindihan kong hindi madaling magpatawad. Huwag mong ipressure yung sarili mo, Mina. Gusto ko lang talagang bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Kumain na muna tayo. Malamang gutom ka na. Saluhan mo ko. Ako mismo ang nagluto ng adobong manok na 'yan." Napatingin ako kay Dad na inaayos na yung mga pagkain sa table.

"Po?"

"Saluhan mo kong kumain, Anak. Niluto ko talaga yan para sayo. Pasensya ka na kung hindi masarap ang pagkakaluto ko. Sobrang tagal ko na kasing hindi nakakapagluto."

Nang malasahan ko yung niluto ni Dad, hindi ko maiwasang maging emosyonal.

"Oh. Bakit parang naluluha ka? Masama ba ang lasa? Pasensya na, Mina."

"Hindi po. Masarap po yung pagkakaluto niyo. Hindi ko lang po talaga akalain na magagawa kong maranasan 'to ngayon. Itong moment na kasama ko kayong kumain nang walang halong gulo. First time ko rin pong matikman ang luto niyo." Pinigilan ko yung luha ko dahil alam kong dapat masaya ako. Sa totoo, naluluha ako dahil sa saya.

"Huwag kang mag-alala. Kapag nakalaya ako, ipagluluto kita araw-araw. Masaya akong bago ko manatili sa kulungan ay nagawa ko pang ipatikim sayo ang luto ko." Sagot ni Dad sakin kaya natigilan ako.

Tutuparin na talaga ni Dad yung pangako niya?

"Po? Ta--Talaga po? Paano po yung kompanya?" Tanong ko sa kanya.

"Handa akong magbayad sa mga kasalanan ko. Dapat lang sakin 'to. Yung kompanya, ayos lang sakin kung hindi mo gugustuhing mamahala sa kompanya natin. Meron naman akong businesspartners na maaaring humalili sa pwesto ko."

This time, nakikita ko na yung sincerity ni Dad. Nararamdaman ko na yung mga sinasabi niya. Hinayaan na niya kong magdesisyon para sa sarili ko. Siguro tama lang na hayaan ko rin siyang makaramdam ng tunay na saya dahil sa sayang ipinaramdam niya sakin ngayon.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon