45: Concerned

335 11 2
                                    

Dahyun's Pov:

Nang umalis si Mina, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong hayaan siya.

"Are you okay?" Tanong ni Momo sakin.

"Yes. Don't worry."

"Just tell me if there's something bothering you."

"Momo, Can I ask you something?"

"Ano yun?" She looked at me.

"Tama ba ang desisyon kong hayaan si Mina na umalis?"

"Huh? What do you mean?"

"Tama bang hinayaan ko siyang umalis nang di man lang nakakapagpaliwanag sa kanya ng maayos? Kasi alam kong hindi enough yung ginawa ko para di niya isiping wala siyang kwenta."

"Dahyun, you did your best. Nasa sa kanya na 'yun kung paniniwalaan niya ang paliwanag mo. Saka, aalis din naman siya kahit di niya narinig yung pinagusapan niyo nila Chaeyoung." Sagot ni Momo sakin.

Hindi ko kasi alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilt. Siguro matapos malaman kung ano bang kwento ng buhay niya kaya nagkakaganito ako.

Dahil sakin, inisip niyang wala talagang may gustong makipagkaibigan sa kanya.

"Nasaktan ko ang feelings niya."

"Dahyun, it's not your fault. Nagpakatotoo ka lang naman ah. Ang mahalaga, alam na niya ang katotohanan na dare 'yun. Tulad ng sinabi mo, she's nothing for you." Tinapik ni Momo ang balikat ko.

"Yun din ang akala ko."

"What?"

"I thought she's nothing for me. Pero naisip ko na kaibigan ko na pala siya."

"Paano mo naman nasabi 'yan? You're Dahyun? What happened to your inner circle?"

"She became a part of my inner circle. She's a nice person. Her pain hurts me. I can't understand myself."

"Dahyun, Baka pagod ka lang. Magpahinga ka pa."

"If we happen to meet again, I'll make everything right."

"What do you mean?"

"Kakaibiganin ko siya."

"Ma---May gusto ka ba sa kanya?" Napalingon ako kay Momo na nakatitig sakin.

"I don't know." Nasagot ko na lang sabay tayo na sa kinauupuan ko.

"Baka magulo lang ang utak mo ngayon kaya ganyan ka."

"Hindi ako sigurado sa kung ano ba talagang nangyayari sakin ngayon. Pero alam kong nag-aalala ako para kay Mina. Inaalala ko kung ayos lang ba siya. Nakita ko na siyang umiyak. Naramdaman ko yung pain niya. Ayoko na ulit makita na umiiyak siya. Deserve niyang ngumiti."

"Dahyun, I think you're in love with Mina." Extra ni Chaeyoung.

"Shut Up, Chaeyoung." Saway ni Momo.

"Anong nangyari sa cold naming kaibigan?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Aish. Andiyan pala kayo! Bakit di kayo nagsasalita diyan?!" Nakakunot-noo kong sabi sa dalawang buwisit na 'to habang nagtatago sa isang sulok.

"Dahyun, Nahanap mo na ang susi para makapagmove on ka kay Sa---"

"Jeongyeon, Don't mention her name!" Saway ni Momo.

"Sorry. Sinasabi ko lang naman na baka si Mina na ang solusyon sa problema ni Dahyun na hindi niya malusutan." Paliwanag ni Jeongyeon.

"I'm fine. Don't worry."

"Why don't you try to find Mina?" Tanong naman ni Chaeyoung.

"Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Cause you love her."

"Love agad?!" Extra ni Momo.

"I don't know. Baka nagi-guilty lang ako sa nangyari kaya ganito ko. Pero seryoso ko, gusto kong maging kaibigan si Mina. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi siya mag-isa."

"She's in love." Confident na sabi ni Chaeyoung kay Momo.

"Aish. Diyan na nga muna kayo." Sabi ni Momo sabay alis na.

Napayuko na lang ako habang inaalala kung mapagkakatiwalaan ba ang kasama niya ngayon.

"Dahyun, miss mo na siya?" Tanong ni Jeongyeon.

"Hindi."

"Sinungaling! Pwede na ngang pang-drama yung mga sinabi mo kanina eh. Concerned ka sa kanya eh." Pang-aasar niya sakin.

"Pwede ba? Aish. Kalimutan niyong narinig niyo 'yun." Naiinis talaga ako kapag inaasar ako ng dalawang 'to. Kaya hindi ko ipinakilala si Sana nang personal sa kanila eh. Aish. Inaasar kasi nila ako.

"Gusto mong kumustahin si Mina? May phone number ako nung magandang kasama niya." Sabi ni Chaeyoung.

"Wag na." Lumakad na lang ako papasok ng bahay.

Pumasok na muna ako sa kwarto. Naupo ako sa gilid ng kama't napalingon sa mp3 player at headphones na nakalapag sa table.

Dare nga lang ang paglagay ko ng headphones kay Mina noon. Pero hindi dare yung ibigay ko ang mp3 player ko sa kanya. Aminado kong ibinigay ko yun ng kusa. Aish. Ewan. Ano ba, Dahyun?! Umayos ka.

Nasaan na kaya siya ngayon? Safe kaya siya? May matitirhan kaya siya? Nakakain na kaya siya? May kasama pa ba siyang magpoprotekta sa kanya ngayon?

Kinuha ko na lang ang mp3 player at headphones. Akma na sana akong makikinig sa music pero di ko na inituloy dahil baka mas maalala ko lang si Mina.

Nahiga na lang ako't nagpahinga. Mina, Sana ayos ka lang.

💖To be Continued💖

A/N: Guys, Musta na?

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now