90: Goodnight

303 11 20
                                    

Mina's Pov:

Kinabukasan na bumuti ang pakiramdam ko. Salamat sa tulong ng mga kaibigan ko lalong-lalo na si Dahyun. Nalaman ko na sumugod pala siya sa malakas na ulan para lang mabili ang mga gamot ko.

Hindi ko rin alam kung bakit sobrang emosyonal niya kahapon. Pakiramdam ko tuloy may problema siya. Umiiyak kasi siya eh. Nag-aalala daw siya sa kalusugan ko.

Ngayon, tatandaan ko nang kailangan kong alagaan ang health ko para hindi na ulit umiyak si Dahyun. Ayokong nakikita siyang umiiyak eh. Nalulungkot ako sa tuwing malungkot siya.

"Good Morning, Mina. Kumusta ka na?" Tanong ni Momo.

"Heto. Bumubuti na naman ang kondisyon ko. Salamat sa pag-aalaga niyong lahat."

"Kay Dahyun ka magpasalamat. Sobrang lakas talaga ng ulan kahapon pero sumugod padin siya. Basang-basa nga siya nung umuwi." Sagot ni Momo.

"Ayos lang ba talaga si Dahyun kahapon?" Nag-aalalang tanong ko.

"Oo. Ayos naman siya. Nasaktuhan lang daw talagang may ipinagtanggol siya sa nakasalubong niyang adik sa daan kaya napaaway siya."

"Lahat talaga gagawin ni Dahyun para sa mga taong nangangailangan."

"Tama ka. Kaya palagi mong alagaan ang health mo, dahil hindi magdadalawang isip 'yun na gawin ang lahat para sayo." Dagdag ni Momo sabay tapik sa balikat ko.

"Saan ka pupunta?"

"Magtitinda na. Maganda-ganda na ang panahon ngayon, di tulad kahapon."

"Magtitinda din ako."

"Nako. Wag na muna, Mina. Magpagaling ka muna. Baka mabenat ka eh. Malalagot pa ko kay Dahyun." Sabi niya sabay alis na.

Wala na kong nagawa kundi pumayag sa gusto ni Momo. Naupo na lang muna ko sa table para mag-agahan. Matapos kumain, nag-ayos na muna ko ng sarili't bumisita sa bahay nila Dahyun.

"Oh! Magaling ka na?" Tanong ni Jeongyeon.

"Yes. Nagiging better na naman ang kalagayan ko."

"Mabuti naman kung ganun. Nag-aalala kasi sayo nang sobra si Dahyun." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Nasaan ba si Dahyun?"

"Nasa kwarto niya. Hindi pa lumalabas eh."

"Sige, Puntahan ko lang siya." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Sige. Puntahan ko din muna si Momo sa stall." Sagot ni Jeongyeon sabay lakad na.

"Sama ko, Jeongyeon!" Nagtatakbo na si Chaeyoung para sumunod kay Jeongyeon.

Agad din naman akong kumatok sa kwarto ni Dahyun pero walang sumasagot.

"Dahyun?" Hindi parin siya sumasagot. Minabuti ko nang buksan ang pintuan ng kwarto niya. Nakita ko siyang nakasandal lang sa headboard ng kama't nakatulala lang.

"Dahyun, May problema ba?"

"Oh! Mina, Kanina ka pa diyan?" Tanong niya na halatang nawawala sa focus.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now