97: Before You Go

272 9 16
                                    

Dahyun's Pov:

Nang imulat ko ang mata ko, umaga na pala. Nagmadali na kong kumilos para ayusin ang mga gamit na kailangan kong dalhin sa desisyon ko.

Kung hindi ko 'to gagawin, sino ang gagawa ng paraan para walang masaktan?

Dahan-dahan na kong lumabas ng kwarto sakbit ang bag ko na naglalaman ng mga damit ko.

"Saan ka pupunta?" Napahinto ako nang marinig ko si Jeongyeon.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya na nakatitig lang sakin. Jusko! Ang bilis namang magising ng isang 'to samantalang si Chaeyoung tulog parin.

"Ah. May aasikasuhin lang."

"Really? Bakit may dala kang bag? Saan ka ba talaga pupunta? Maglalayas ka ba?" Dagdag niya sabay lapit na sakin.

"I told you, may aasikasuhin lang ako."

"Patingin nga ng bag mo!" Sagot niya sabay hablot na sa bag ko bago pa ko makatanggi. Binuksan niya ang bag at nakita ang mga laman nito.

"Oh! Bakit ang dami mong dalang damit?" Tanong niya sabay balik na sakin ng bag.

"Ka--Kasi matatagalan ako sa pupuntahan ko."

"Huh? Matatagalan ka? As in doon ka muna titira? Tell me the truth, may problema ka ba? Alam ba 'to ni Mina? Bakit hindi mo sinasabi samin?"

"Okay! Okay! Okay! Relax. Sorry kung hindi ko sinabi kaagad. Pero kasi importante 'to. Ba--Babalik din naman ako sa oras na maging maayos na ang lahat."

"Bakit? Hindi ba maayos ang lahat? Nagkakagulo ba tayo? Yah! Dahyun, Are you hiding something?" Tanong niya sabay pamewang sa harapan ko.

"Basta. Tama na muna ang tanong, Jeongyeon. Kailangan ko nang umalis." Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ko sa kamay.

"Aalis ka talaga nang hindi nagsasabi kay Mina? O kila Chaeyoung?"

"Mas mabuti nang hindi nila ako abutan dahil mas mahirap umalis kapag ganun."

"Mas mahirap? Hindi mo ba ginustong umalis? Naguguluhan ako, Dahyun. Pakiramdam ko may hindi tamang nangyayari. Kaya ka ba nagpaparty kagabi kasi aalis ka ngayon? Ano?" Seryosong tanong niya.

"Sabihin na nating, Oo." Pag-amin ko sa kanya. Tama siya. Kaya nagpaparty ako kagabi, para i-enjoy ang moment na 'yun kasama sila dahil baka 'yun na ang huli. Isa pa, naisipan kong umalis habang tulog pa sila.

Mas mahirap umalis habang nakikitang nakatingin sayo yung taong mahal mo habang papalayo ka.

"Ginagague mo ba kami? What's wrong, Dahyun? Ano ba talagang importanteng bagay ang gagawin mo?"

"Importante 'to dahil dito nakasalalay ang lahat. Maniwala ka!" Sagot ko sabay kawala mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Huh? Nakasalalay?"

"Don't ask too much questions. I'm leaving." Sagot ko sabay labas na ng bahay.

"Yah! Kim Dahyun!" Sigaw ni Jeongyeon sakin.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now