92: In Your Eyes

236 8 11
                                    

Mina's Pov:

Lumipas pa ang ilang araw na halos napapansin kong malalim ang iniisip ni Dahyun.

Pakiramdam ko talaga may problema siya eh. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sakin.

Pakiramdam ko nga lang ba talaga 'yun o sadyang may hindi lang ako nalalaman?

Masama ba ang pakiramdam niya? Ilang beses ko naman siyang tinanong kung masama ba ang pakiramdam niya kaso hindi naman daw.

Ayaw naman niyang magsabi kung anong iniisip niya. Sadyang nag-alala lang daw siya nung magkasakit ako. Baka nga masyado lang siyang nago-overthink.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang kausapin tungkol doon o hayaan na munang makapag-isip. Naiintindihan ko naman kasi na mahirap para sa kanya yung mga nangyari sa nakaraan.

Minabuti ko na lang na huwag na munang pag-usapan 'yun dahil baka kailangan niya ng space.

Sakto namang bumisita ngayon dito si Nayeon.

"Kumusta na kayong lahat? Balita ko, nagkasakit ka daw." Sabi ni Nayeon sabay akbay sa balikat ko.

"Oo. Pero magaling na naman ako. Salamat kila Dahyun na hindi ako pinabayaan."

"Mabuti kung ganun. Tamang-tama pala ang pagbisita ko. Bonding tayo ngayon." Yakag ni Nayeon.

"Movie Marathon tayo sa bahay." Sabi ni Momo.

"Good Idea! Tapos maraming pagkain." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Omg! Masaya 'yun. Tara! Tara!" Excited na sabi naman ni Chaeyoung.

"Mas masaya kung tayong lahat." Sabi ni Nayeon.

"Tawagin ko lang si Dahyun sa kwarto niya." Sagot ko kaya tumango na lang sila Nayeon.
Agad na kong pumunta sa kwarto ni Dahyun. Naabutan ko siyang nakahiga lang at nakatitig sa kisame.

"Hey Dahyun, Tara!" Yakag ko sa kanya.

"Saan?" Napatingin siya sakin.

"Movie Marathon with matching food trip sa bahay ni Momo."

"Pass na muna ko. Kayo na lang muna." Malamyang sagot niya.

"Bakit naman? Tara na, masaya 'yun eh. Kumpleto tayo ngayon."

"Next time na lang talaga ako, Mina. Sorry."

"May problema ba?"

"Wa--Wala. It's just----gusto ko munang magpahinga ngayon." Dagdag niya kaya naman hindi na ko tumuloy sa pangungulit. Mukhang gusto niyang mapag-isa.

"Sige. Ikaw ang bahala. Basta kapag nakapagpahinga ka na, sunod ka dun sa bahay ni Momo ah."

"Sige. Salamat."

"I love you." Sabi ko habang nakatayo lang at nakatingin sa kanya na wala paring kagana-ganang tumayo sa higaan niya.

"See you later." Sagot niya sabay pikit na lang ng mata kaya lumabas na ko ng kwarto niya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now