52: A Letter From Yaya

393 14 11
                                    

Mina's Pov:

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko. Wala na kong nararamdamang saya at pag-asa simula nang makulong ako sa kwartong 'to.

Tinanggap ko nang wala na talaga akong magagawa. Tinanggap ko nang wala talaga akong kwenta. Tanggap ko nang duwag talaga ako.

Mahina ka, Mina. Ni sarili mo hindi mo magawang iencourage na wag sumuko. Wala kang kwentang anak sa Mom mo at sa Yaya mo. Wala kang kwentang anak sa Dad mo kaya ikinukulong ka niya.

Nang dumating si Nayeon at Dahyun, ni hindi ko sila magawang ngitian. Bakit? Dahil sagabal lang naman ako sa buhay nila. Si Dahyun, hindi naman talaga niya ko gustong maging kaibigan. Si Nayeon, madadamay lang siya sa gulong 'to kapag nakialam pa siya.

Kaya naman ginawa ko ang lahat para ipagtabuyan sila. Bago ko sila tuluyang mapaalis, naiabot muna sakin ni Dahyun ang isang sulat mula kay Yaya. Bakit may ganito sa kwarto ko?

Anong ibig sabihin nito? Ni hindi man lang sinabi ni Yaya na may iniwan siyang sulat sa cabinet ko. Ang daya. Iniwanan na nga ko, di pa ko nainform sa sulat niya.

Nanatili akong nakaupo sa isang sulok habang binubuksan ang sulat ni Yaya na nakatiklop sa loob ng envelope.

"To Mina,
Una sa lahat nais kong humingi ng tawad sa paglilihim ko ng isang sikreto sayo. Ang tagal kong kinimkim at sinubukang hindi sabihin ang katotohanan pero hindi na talaga kaya ng konsensya ko. Ayoko nang maglihim sayo dahil alam kong nahihirapan ka paring intindihin ang nangyari sa Mom mo noon. Oo, may kinalaman ang sasabihin ko sayo sa pagkamatay ng Mom mo. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Sana maintindihan mo. Ayos lang kung magalit ka sakin. Naiintindihan ko. Dapat naman talagang magalit ka sakin dahil hindi ko sinabi ang katotohanan kung bakit namatay ang Mom mo. Noong panahong nagmo-mall ka, namatay ang Mom mo sa Mansion. Nasaksihan ko ang pagkamatay niya. Pinatay siya, Mina. Nagtatalo sila ng Dad mo sa iba't-ibang bagay hanggang sa humantong na sa nagkasakitan na sila. Hindi sinasadyang mabaril ng Dad mo ang iyong Mom. Alam kong nakakagulat. Alam kong mahirap para sayo ngayong alam mo na ang lahat sa oras na mabasa mo 'to. Nagawang lusutan ng Dad mo ang nangyaring aksidente't naipalabas na may namasok ng mansion. Sa tulong ng pera, nakaligtas ang Dad mo sa nangyari. Sinabihan niya kong wag na wag sasabihin sa kahit na sino. Natakot ako na baka may mangyaring masama sa pamilya ko sa probinsya't natakot ako sa maaaring mangyari sayo kaya naman inilihim ko ang katotohanan. Ayokong malayo sayo kaya hindi ako nagsalita ng kahit na ano laban sa Dad mo. Nangako ako sa Mom mo noong nabubuhay pa siya na poprotektahan kita. Wag kang mag-alala. Ayos lang ako. Kaya mo 'yan. Patunayan mo ang kakayahan mo, Mina. Wag kang matakot. Lumaban ka lang. Maniwala ka sa sarili mo. Sa oras na mabasa mo 'to pero wala na ko, gusto kong malaman mo na nakabantay lang ako sayo. Smile. Fighting. I love you, Alaga ko."

Nang matapos kong basahin ang sulat ni Yaya para sakin. Parang namanhid ang buong katawan ko. Unti-unting namuo ang luha sa mata ko.

Ang katotohanan na matagal ko nang gustong malaman, nasagot na ni Yaya.

Si Dad, hindi ko akalain na kaya niyang gawin 'yun. Hindi ko alam na kaya niyang piliin ang sariling kalayaan kaysa panagutan ang nangyari kay Mom.

Sa nalaman ko, puno ng galit ang puso ko kay Dad. Sino siya para patayin si Mom?! Siya pala yung pumatay sa Mom ko. Ang sariling Dad ko. Parang walang nangyari kung makaasta siya. Kaya pala ayaw niyang pinaguusapan ang nangyari kay Mom noon.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Kde žijí příběhy. Začni objevovat