102: Wish You Were Here

257 12 2
                                    

Wish You Were Here 🎧🎶
Avril Lavigne

Damn. Damn. Damn.
What I'd do to have you
here, here, here.
I wish you were here.

Mina's Pov:

Habang nagtitinda kami ni Momo sa stall, ni hindi ko magawang ngumiti. Hindi parin nagrereply si Dahyun sa text ko.

Nasaan na kaya siya? Nasa maayos na kalagayan ba siya? Naiisip rin ba niya ko?

Sa dami ng tanong na pumapasok sa isipan ko, hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

"Hoy Mina!" Natauhan lang ako sa pagtawag sakin ni Momo.

"Ba--Bakit?"

"Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo magpahinga ka na muna sa bahay?" Umiling na lang ako sa tanong niya.

"Sigurado ka?" Dagdag niya pero tumango lang ako.

Anong magagawa ko? Miss ko na talaga si Dahyun. Sa lahat na lang yata ng bagay naaalala ko siya. Kahit sa mga oras na 'to na nagtitinda kami, naalala ko nung panahong niyaya niya kong kumain ng agahan dahil nagtitiis ako ng gutom nang panahon na 'yun.

Maya-maya, dumating sina Jeongyeon, Nayeon at Chaeyoung. May mga dala silang pagkain.

"Guys! Kain muna tayo." Ayaya ni Chaeyoung samin.

"Tamang-tama. May dalang cup noodles si Nayeon." Sambit naman ni Jeongyeon.

"Aba. Siyempre! Kayo pa? Malakas kayo sakin eh." Sabi naman ni Nayeon sabay pwesto na rin sa upuan para kumain.

Napatingin ako sa cup noodles. Naalala ko na naman si Dahyun. Naalala ko na naman yung mga moments na kumakain kami sa store ng cup noodles.

"Mina, Kain ka na rin." Yakag ni Nayeon sakin.

"Busog pa ko."

"Talaga ba? Eh, hindi ka nga nag-almusal kanina." Sabi naman ni Momo.

"Aish. Mina, parang hindi ka naman barkada eh. Tara na!" Sabi naman ni Jeongyeon.

"Oo nga! Sige ka. Magtatampo ang Nayeon ko. Nageffort pa naman siyang magdala nito satin." Dagdag ni Chaeyoung kaya naman wala na kong nagawa kundi makisalo sa kanila.

Bago tuluyang makitabi sa kanila, napalingon ako sa di kalayuan. Natigilan ako sa naaninagan ko. Parang may kung sinong nakamanman. Si Dahyun ba 'yun? Kinusot ko ang mata ko. Pagtingin ko, wala nang tao dun sa pwesto kanina.

Mukhang namamalik-mata lang ako. Baka dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya, naiimagine ko na talagang nandito siya sa tabi ko.

"So, wala bang sinabing date si Dahyun kung kailan siya babalik?" Biglang tanong ni Nayeon sakin.

"Wala eh." Malungkot kong sagot.

"Pero nangako naman siyang babalik siya." Sambit ni Jeongyeon.

"Magtiwala lang tayo kay Dahyun." Sagot naman ni Chaeyoung.

"Guys! Mabuti pa kumain na lang tayo. Baka mabilaukan na si Dahyun kakakwento natin tungkol sa kanya." Extra ni Momo.

"Ma--Mabuti pa nga." Sabi ko na lang sa kanila't kumain na rin.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, biglang nagshare ng kwento si Chaeyoung.

"Nanaginip ako kagabi. Ikinasal na daw kami ni Nayeon." Kwento niya samin.

"Sabi nila, hindi daw nagkakatotoo yung panaginip." Extra ni Nayeon.

"Weeeeeh? Wala kong pakialam. Basta yung kasal natin matutuloy balang araw." Sagot ni Chaeyoung kaya natawa na lang sila Nayeon.

Mygod. Naalala ko yung panaginip ko tungkol samin ni Dahyun. Ginawan ko pa nga 'yun ng poem eh. Nakakamiss na talaga siya.

"Magbabike kami ni Chaeyoung mamaya. Sama kayo?" Tanong ni Nayeon.

"Magtitinda ako." Sagot ni Momo.

"Tutulong na kong magtinda kila Momo." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Magtitinda rin ako." Malungkot na sagot ko sa kanila.

Naalala ko nung tinuruan ako ni Dahyun magbike. Ang saya ko nun. Worth it kahit na nagkasakit ako. Kaso, umulan nga that time. Matuloy pa kaya yung pangako ni Dahyun na itutuloy niya ang pagtuturo sakin magbike?

Nang umalis na sina Nayeon at Chaeyoung para magbike, tinabihan naman ako ni Jeongyeon.

"Are you okay?"

"Yes."

"Nako! Hindi 'yan okay. Tulala kanina pa." Extra ni Momo habang naglilikom ng mga kalat namin kanina.

"Alam naming mahirap. Alam naming namimiss mo na siya. Pero ---- gusto ko lang sanang sabihin sayo na huwag kang susuko. Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay magtiwala sa kanya at maghintay." Advice ni Jeongyeon sakin kaya naman napatango na lang ako.

"I'll wait for Dahyun."

"Yan! Ganyan dapat. Fighting!" Pagcheer ni Jeongyeon sakin.

"Makinig ka lang sa mga advice niyang si Jeongyeon. Haha." Sabi ni Momo sabay tawa.

"So, kumusta na kayong dalawa? Wala parin bang official na balita na nagdedate na kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa kaya natigil sa pagtawa si Momo.

"Eh?" Nakatingin lang si Momo sakin.

"Ano na?" Tumingin naman ako kay Jeongyeon.

"We're just friends." Sabay nilang sagot kaya natawa na lang ako bigla.

"Haha! Ganyan din kami ni Da----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin kasi naalala ko na naman yung mga panahong ipinagpipilitan lang namin ni Dahyun na magkaibigan lang kami.

"Oh. Bakit natigilan ka?" Tanong nila.

"Wa--Wala naman. Sige na nga. Magtinda na lang ulit tayo." Sagot ko sa kanila sabay kamot sa ulo.

Ano ba 'yan? Dahyun, maya't-maya kita naaalala. Baka mabaliw na ko nito kakaisip sayo. Sana naman bumalik na siya.

Gustong-gusto ko na siyang makita eh. Miss na miss ko na talaga ang Dahyunie ko. Kainis naman. Parang kahapon tinatawag niya ko ng Minari tapos ngayon wala na siya sa tabi ko. Kahit sana reply eh, kaso ni hindi rin siya nagtetext sakin.

💖To Be Continued💖

A/N: Guys! Magiging busy na talaga ako. August 6 na pasukan namin. Goodluck sa college life ko hahaha. Fighting!

Don't forget to leave some comments.



Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now