79: Crescent Moon Bracelet

361 10 9
                                    

Mina's Pov:

Hindi ko mai-explain kung gaanong saya ang naramdaman ko ngayong araw kasama si Dahyun.

Pakiramdam ko na-achieve ko na yung kalayaan na hinahanap ko. Pakiramdam ko malaya ako kapag kasama ko siya. Dahil kay Dahyun, nagawa ko na yung mga bagay na pangarap ko lang gawin noon.

Ang tagal bumalik ni Dahyun. Saan na kaya yun nagpunta? Dahil wala pa si Dahyun, naisipan ko munang maglibot sa Park. Naglakad-lakad ako hanggang sa may makita akong masayang pamilya.

Makikita mo talaga yung happiness sa pagngiti palang nila. Buti pa sila kumpleto. Buti pa sila buo. Masayang kumakain ng lollipop yung bata habang akay-akay ng Mom at Dad niya.

Ni hindi ako pinapayagan ni Dad kumain ng lollilop noong bata pa ko. Kung minsan, patago pa kong binibigyan ni Yaya Jihyo ng candy. Ganun din si Mom noong nabubuhay pa siya.

Miss ko na sila. Miss ko na silang mayakap at makasama. Kailan ko kaya mabibisita si Yaya Jihyo sa probinsya? Baka isipin ng pamilya niya na wala akong pakialam kay Yaya. Wala pa kong sapat na pera ngayon pamasahe eh. Nag-iipon pa ko sa pamamagitan nang pagtitinda sa stall ni Momo.

Bigla kong naalala na plano ko nga palang magbigay ng regalo kay Dahyun dahil sa dami ng tulong na ibinigay niya sakin. Gusto kong magbigay sa kanya ng bagay na kahit hindi niya ko kasama, maaalala padin niya ko.

Alam ko namang sinabi na niyang sapat nang makita niya kong nakangiti. Na-appreciate ko yun. Pero gusto ko talaga siya bilhan ng kung ano. Kaya naman naglibot-libot pa ko hanggang sa maikot ko na ang buong Park.

Napadaan ako sa isang tindahan ng nakangiting Lola. Bigla kong naalala yung sinabi ng taxi driver kanina. Malamang ito yung tinutukoy niyang tindahan ng nanay niya.

"Ahm. Hello po." Bati ko kay Lola.

"Anong maitutulong ko?" Masayang tanong niya.

"Gusto ko po sanang tumingin ng paninda niyo."

"Oh sige. Mamili ka na, Iha. Ano bang gusto mong bilhin? Para sayo ba o para sa ibang tao?"

"Para po sana sa kasama ko ngayon dito sa Park"

"Kasama? Kasintahan mo?" Tanong ni Lola.

"Po? Hi--Hindi po. Hehehe. Nagde-date palang po kami. Fi--First date daw po namin ngayon." Nahihiyang sagot ko.

"First Date? Eh, Nasaan ang kasama mo?"

"Nagpaalam po kasi siya kanina na may bibilhin lang daw po. Naisipan ko po munang bumili ng something special para sa kanya."

"Ganun ba? Haha. Ano bang hanap mo? Bracelet?"

"Gu--Gusto ko po sana siyang bigyan ng bagay na maaalala niya ko."

"Bakit 'di mo siya bigyan ng crescent moon na bracelet? Maganda 'to." Sabi ni Lola sabay pakita sakin ng crescent moon na bracelet.

"Ang ganda po nito, Lola." Napangiti ako dahil maganda naman talaga yung bracelet. Sigurado kong magugustuhan ni Dahyun 'to.

"Sigurado kong maaalala ka niya palagi kapag binigay mo sa kanya 'yan. Maaalala mo rin siya palagi dahil diyan." Nakangiting sabi ni Lola.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now