15: Dahyun's Pain

483 22 0
                                    

Jeongyeon's Pov:

Hindi ko inakalang aabot sa ganito ang lahat. Bakit kailangang sumama ni Dahyun sa masasamang 'yun? Ano nang gagawin namin ngayon?

Alam namin na sa oras na magkamali kami ng desisyon, maaaring masaktan si Dahyun.

Sobra-sobra na ang pain na dinanas niya simula pagkabata. Nasaksihan namin ni Chaeyoung kung paano siya lumaban sa mga pagsubok na hinarap niya. Hindi siya nagpapakita ng kahinaan sa harapan ng mga taong mahal niya. Kilala namin siya. Magkakasabay kaming lumaki. Pamilya na ang turing namin sa isa't-isa.

"Kukuha lang ako ng first-aid kit sa bahay. Gagamutin ko yang mga sugat niyo." Sabi ni Momo sabay tayo na.

"Jeo-Jeongyeon, anong plano natin ngayon? Paano na si Dahyun?" Nag-aalalang tanong ni Chaeng sakin.

"Kilala natin siya, kailangan lang nating magtiwala sa kanya sa ngayon. Di pwedeng basta na lang tayo kumilos dahil baka mapahamak lang siya kung nasaan man siya ngayon."

"Nandito na ulit ako." Agad na lumapit samin si Momo. Inuna niya kong gamutin.

"Bakit sumugod ka pa kanina, Momo? Alam mong mapapahamak ka't madadamay!" Sabi ko sa kanya dahil alam kong nasaktan din si Momo sa gulong nangyari kanina.

"Dahil pamilya na ang turing ko sa inyo. Ang pamilya, hindi nagiiwanan." Sagot niya sakin.

"Kahit alam mong ganito ang buhay namin? Kahit alam mong pwedeng may mangyari ulit na gulo?" Tanong ni Chaeyoung.

"Oo."

"Kahit na sumugod ulit sila dito?" Dagdag ni Chaeng.

"Oo."

"Kahit na di ka na talaga mapansin ni Dahyun kahit kailan?" Tanong ulit ni Chaeng.

"O--- Bat ba tanong ka nang tanong? Shut Up, Chaeyoung. Or else gamutin mo mag-isa sugat mo." Sagot ni Momo sabay kunot-noo.

"I see, patay na patay ka parin sa kaibigan namin." Dagdag ni Chaeng na may halo nang pang-aasar kay Momo.

"Di ah! Sadyang parang pamilua na talaga turing ko sa inyo." Sagot ni Momo sabay irap kay Chaeyoung.

"Chaeng. Stop it. Di 'to ang tamang oras para mag-asaran." Sabi ko naman sa kanya.

"Seriously? Pinagtatanggol mo na naman si Momo? Bet mo si Momo noh." Pang-aasar naman ni Chaeng sakin.

"Dapat pala ikaw na lang yung pinasama namin kanina sa mga sigang sumugod dito." Sagot ko kay Chaeyoung dahilan para mag-peace sign na lang ito.

"Naaawa ako kay Dahyun. Nag-aalala ko para sa kaligtasan niya." Sabi ni Momo sabay punta naman kay Chaeyoung para gamutin ang sugat nito.

"Tama. Ang dami na niyang pinagdaanan. Isali niyo pa yung lint*k na pagmamahal niya para kay Sana." Sagot ni Chaeyoung na halatang nabi-beastmode na.

"Wala tayong alam sa tunay na nangyari sa kanila. Ni hindi nga nagkukuwento si Dahyun satin tungkol sa kanya."

"Tell me, sino ba talaga 'yang si Sana sa buhay ni Dahyun? Basta, alam ko lang ay naging sila tapos may di magandang nangyari. Pwede niyo bang sabihin? Kasi nung maging magkakapit-bahay tayo, ang alam ko lang ay may nagugustuhan nang iba si Dahyun. So it's Sana?" Sambit ni Momo samin kaya nagkatinginan kami ni Chaeng. Wala naman sigurong masama kung sasabihin namin kay Momo ang nalalaman namin.

"May nagugustuhang iba? Hindi ikaw?" Pang-asar ni Chaeng sa kanya.

"G*go! Sagutin niyo na lang ang tanong ko." Sabi ni Momo kay Chaeyoung.

"Oo. Naging sila nga ni Sana noon. Masaya. Nagmamahalan. Walang nakakasagabal sa kung anong ipinaglalaban nila. Pero, hindi agad nasabi ni Dahyun kay Sana kung ano talaga ang trabaho namin. Akala ni Sana, mahirap nga si Dahyun pero siya yung tipong hindi gagawa ng kung anong masama."

"Tapos?" Nakikinig na tanong ni Momo.

"Nung malaman ni Sana ang katotohanan, iniwanan siya nito. Yun lang talaga ang alam namin eh. Hindi kasi makwento si Dahyun tungkol kay Sana. Kahit nung mga panahong brokenhearted siya kay Sana, wala siyang ibinabahaging kwento samin." Dagdag naman ni Chaeyoung.

"Hindi man siya nagpapakita ng kalungkutan sa harap namin noon, alam naming nasasaktan siya deep inside. Kitang-kita namin kung paano nabigyan ni Sana ng kulay ang mundo ni Dahyun at nakita rin namin kung paano mas dumilim ang mundo nito.  Dumating sa puntong na-depressed na siya. Ni hindi niya na kami kinakausap pero sa isang iglap, nang matauhan siya--nagsimula siyang magmove on."

"I see, siguro yung masasayang times nila yung nakikita ko siyang palaging nakangiti noon. At yung naghiwalay na sila, yun yung times na halos hangin lang ako kapag nakakasalubong siya. Naka-move on na ba siya kay Sana? Bakit ayaw parin niyang maririnig ang pangalan nito?" Tanong ni Momo.

"We don't know. Tulad ng sinabi namin, di namin alam ang buong istorya. Basta alam namin, sinaktan ng Sana na 'yun ang kaibigan namin. Ni hindi nga namin alam kung saan na nagpunta si Sana simula noong iwanan niya si Dahyun. That's it." Sagot naman ni Chaeyoung.

"Ka-Kaya pala, ayaw niyang maririnig ang pangalan ni Sana."

"Kaya kung ako sayo, don't mention her name in front of Dahyun." Sabi namin kay Momo.

"Naiintindihan ko. I won't. I know it'll hurt her." Sagot ni Momo sabay tayo na.

"Saan ka pupunta?"

"Magpapahinga na sa bahay." Sagot ni Momo sakin.

"Why don't you stay here? Mahirap na. Baka balikan nila tayo."

"Kaya ko na ang sarili ko. Kayo ang mag-iingat. Sige na. Magpahinga na tayong lahat at magdasal sa kaligtasan ni Dahyun." Sagot niya sabay lakad na.

"Crush mo si Momo noh?" Pang-aasar sakin ni Chaeyoung kaya binato ko na lang siya ng unan.

"Joke lang. Beastmode agad 'to. Haha." Sabi niya sakin kaya napakunot-noo na lang ako.

Dahyun, kung nasaan ka man sana ligtas ka.

💖To Be Continued💖

A/N : Guys, Ano na ? Sorry if lame yung ud ko HAHAHAHA. May JeongMo shippers ba dito? Kaway-kaway hahaha. Lol. Any SaiDa Shippers?

Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now