72: Reasons

370 9 1
                                    

Mina's Pov:

Matapos kumain nang sama-sama, nagkwentuhan muna si Nayeon at Chaeyoung sa loob ng bahay. Habang abala naman sa pagliligpit ng plato sina Jeongyeon at Momo.

Lumakad ako sa buong bahay pero hindi ko makita si Dahyun. Maya-maya, lumabas siya sa kwarto niya. Bigla niya kong hinawakan sa kamay at dinala sa labas.

"Oy, Ano 'yan ah?" Pang-aasar ni Chaeyoung sakin.

"Shut Up, Chaeyoung." Sagot ni Dahyun sabay labas na ng bahay habang hawak-hawak ako sa kamay.

Pinaupo niya ko sa bench saka siya umupo sa tabi ko. Ano kayang nasa isip niya? Ilang segundo rin siyang nanahimik.

Sa totoo, hindi ko alam kung anong meron sa pagitan namin ni Dahyun. Hindi ako sigurado kung ano ba talaga kami para sa isa't-isa.


Aminado naman akong nagulat and at the same time, kinilig ako sa ginawa niya kanina.

"Ahm, Mina. Gusto ko lang mag-apologize sa ginawa ko kanina." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Bakit nagso-sorry ka?"

"Hi--Hindi kasi maganda yung ginawa ko. Pakiramdam ko nabastos kita. Sorry. Hindi ko sinasadya." Dagdag niya.

Bakit nagso-sorry siya? Hindi ba niya gusto yung ginawa niya? Hindi ba niya ko gusto?

"Pero bakit ginawa mo 'yun?"

"Hindi ko alam. Basta naramdaman ko lang na gusto kitang----"

"Ano?"

"Gusto kitang halikan." Pag-amin niya kaya napalunok ako. Heto na naman 'yung puso ko.

"Bakit mo naman ako gustong halikan?" Kalmadong tanong ko sa kanya.

"Kasi----hindi ko din alam eh." Sagot niya kaya naman mas naguluhan ako.

Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang gawin 'yun? Paano naman ako? Paano yung nararamdam ko na hindi ko din malaman dahil sa ginawa niya? Naguguluhan ako eh.

"Tell me. Ano bang meron sa pagitan nating dalawa?"

"We're friends." Sagot niya kaya medyo nakaramdam ako ng disappointment.

Ginagawa ba ng magkaibigan 'yun? Hindi naman ah. So magkaibigan lang pala talaga kami.

"Hindi naman ginagawa 'yun ng magkaibigan." Dagdag ko sa kanya.

"Hi--Hindi nga. Hindi ko rin alam eh. Mina, I'm so sorry. Ayokong magkaroon ng misunderstanding sa pagitan nating dalawa." Paliwanag niya.

"Alam mo bang first kiss ko 'yun?" Nagulat siya sa initanong ko.

"What? Oh my god. I'm really really sorry, Mina. Mas naguilty tuloy ako."

"Walang dapat ika-guilty kasi aminado kong masaya akong ikaw yung first kiss ko." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin ang mga bagay na 'yun. Basta ang alam ko lang ay kailangan niyang malaman na hindi ako nagagalit sa nangyari.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt