64: It's You

360 10 1
                                    

Mina's Pov:

Nang umuwi ako sa bahay, nakita ko si Chaeyoung na nakaupo sa bench sa labas ng bahay nila.

Nakangiti siya habang nakafocus sa phone niya. Mukhang may ka-chat.

"Chaeyoung, Mukhang masaya ka ah." Naupo ako sa tabi niya para alamin kung sino ang kachat niya.

Si Nayeon pala. Mukhang close na nga silang dalawa ng kaibigan ko. Sila na kaya?

"Kachat ko kasi yung kaibigan mo." Nakangiting sagot niya sakin.

"Kayo na ba ng kaibigan ko?"

"Hindi pa. Pero malapit na." Confident na sagot niya.

"Siguradong-sigurado ka na ah. Ano bang nagustugan mo sa kaibigan ko?"

"Di ko din alam eh. Basta nung nagkakilala kami sa Bar noong araw ding nagkakilala kayo ni Dahyun. Nakaramdam ako ng kung ano. Dare lang talaga yung pagkuha ko ng phone number ng iba't-ibang babae sa Bar. After nun, ini-delete ko na rin naman sa contacts ko yung mga nakuha kong phone numbers pero hindi ko tinanggal yung kay Nayeon." Sagot niya sakin sabay ngiti pa.

"Sana huwag mong saktan ang kaibigan ko kung sakaling maging kayo."

"Mina, Hindi ko sasaktan si Nayeon. Ako'ng bahala sa kanya. Kung kinakailangan kong magpatawa nang magpatawa para sa kanya, gagawin ko. Makikita mo, magiging kami rin ng kaibigan mo. Hahaha." Proud na proud niyang dagdag.

"Talaga lang huh? Sabi mo 'yan ah. Tuparin mo. Wag mo siyang paiiyakin."

"Wag mo ring paiiyakin ang kaibigan ko." Sabi niya kaya natigilan ako. Sinong sinasabi niya? Si Dahyun?

"Sino?"

"Dahyun." Matipid niyang sagot.

"Hi--Hindi ko siya paiiyakin. Pangako 'yan."

"Wag mo rin siyang iiwan." Dagdag pa niya.

"Pa--Pangako. Sasabayan ko siya sa muling pagbangon niya."

"Mabuti kung ganun. Kung di mo kayang tuparin ang mga sinabi mo, layuan mo na lang siya." Seryoso niyang sabi.

"Pangako, Mananatili ako sa tabi niya kahit na anong mangyari. Kahit na sino siya o kahit na ano pa siya. Tatanggapin ko siya nang buong-buo."

"Good. Mabuti na't nagkakaintindihan tayo. Marami nang napagdaanan si Dahyun. Ayaw na naming masaktan na naman siya." Tumango na lang ako sa kanya.

"Sige na. Magchachat pa kami ni Nayeon eh." Sabi niya kaya naman tumayo na ko.

"Pwede ba kong pumasok sa kwarto ni Dahyun?" Tanong ko sa kanya.

"Ba--Bakit?"

"Gusto ko lang linisin yung kwarto niya."

"Sige, Ikaw ang bahala." Tumango na lang ako't pumasok na sa kwarto ni Dahyun.

Nagsimula na kong maglinis ulit ng kwarto niya hanggang sa makita ko yung headphone at mp3 player niyang nakalapag sa table.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now