9: Disgrace

428 17 3
                                    

Mina's Pov:

Nang bumaba ako sa kotse, sinalubong na kaagad ako ni Yaya Jihyo.

"Mina, Saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa hinahanap ng Dad mo. Pumunta ka na sa kwarto mo bago ka pa sermonan ng Dad mo." Sabi ni Yaya Jihyo sabay hawak sa kamay ko.

Bago pa ko makapasok sa loob, nakasalubong na namin ni Yaya Jihyo si Dad at ang kanyang mga business partners. Agad na pumunta sa gilid si Jihyo Unnie. Natigilan naman ako sa aking kinatatayuan. Napatitig sakin ang mga bisita ni Dad.

"Siya ba ang kaisa-isa mong anak?" Tanong nila kay Dad.

"Yes. She's my one and only daughter, Mina." Nakangiting sagot ni Dad sa kanila.

"So, siya pala ang tagapagmana ng iyong kompanya. Mabuting turuan siya nang mas maaga sa pagha-handle ng kompanya." Dagdag nila sabay ngiti sakin.

"Good evening po." Bati ko sa kanila sabay ngiti bilang pagrespeto.

"Hindi na masama. Mukhang inaalagaan at dinidisiplina mo naman ng maayos kaya walang problema sa pagiging tagapagmana niya ng business mo." Sabi nila kay Dad.

"Sa totoo, baka kumuha na lang ako ng ibang tagapaghandle ng business sa future." Sabi ni Dad kaya naman nawala ang ngiti sa labi ko.

"Bakit naman? Mukhang maayos naman ang anak mo ah." Sambit nila kay Dad.

"Oo, maayos dahil sa pagdidisiplina ko pero talagang matigas ang ulo. Pasaway talaga minsan pero dahil responsableng ama ko, nagagawa ko namang ibigay lahat ng pangangailangan at disiplina na dapat sa kanya." Sagot ni Dad sabay ngiti pa sa kanila.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Papuri ba 'yun o pang-iinsulto sakin? Mukhang sarili na naman niya ang pinupuri niya.

"Mag-iingat kayo sa pag-alis." Nakangiting sabi ni Dad sa business partners niyang nagsialisan na.

Ni minsan, hindi niya sinabi sakin 'yan. Kahit kapag papasok ako sa school, ni ngiti hindi niya magawa.

"Let's go, Mina. Ipaghahanda na kita ng makakain." Sabi ni Yaya Jihyo sakin kaya sumunod na ko sa kanya kaso palakad na sana ko papasok nang biglang magsalita si Dad.

"Manang Jihyo, Iwanan mo na muna kaming mag-ama. Kailangan naming mag-usap." Utos ni Dad kay Yaya Jihyo kaya wala na itong nagawa kundi hayaan kaming makapag-isa.

"Wait, Yaya." Tawag ko sa kanya.

"Ano 'yun, Mada'am Mina?"

"Pakilagay naman sa kwarto ko nito. Salamat, Yaya." Iniabot ko na kay Yaya yung headphones at mp3 player na gift sakin nung mabait na nakilala ko sa bar.

Lumakad na si Yaya Jihyo para hayaan kaming makapagusap ni Dad.

"Ilang beses ba kitang dapat pagsabihan?" Seryosong tanong ni Dad sakin.

"So--Sorry Dad. Ginabi lang po. Traffic eh."

"Traffic? Wag mo kong gawing hibang katulad mo, Mina. Nagreport sakin yung mga kasama mong tauhan ko. Tumakas ka daw sa kanila. Saan ka nagpunta? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo? Ano? Sumagot ka!" Sermon niya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now