Special Chapter #5

304 11 8
                                    

FINALLY

Dahyun's Pov:

Ito ang unang gabi ng pagistay namin sa bahay bakasyunan dito sa bukiran ng Yaya ni Mina. Napagdesisyonan muna naming lahat na matulog muna.

Magkatabi kami ni Mina na natulog sa banig dito sa loob ng bahay-kubo. Natutuwa ako dahil hindi mareklamo si Mina kahit na hindi siya sanay sa buhay na ganito. Kakaiba talaga siya.

Huwag kayong mag-alala. Walang kalokohang nangyari sa pagitan naming dalawa. Gusto ko man siyang kalambingan, alam kong kailangan niyang magpahinga. Pagod siya sa kakadrive sa kotse kanina eh. And alam kong nalulungkot din siya dahil hindi parin siya mapatawad ng pamilya ng yaya niya.

Sa kabilang kwarto naman sa loob ng bahay kubo sina Somi at Irene.

Nang imulat ko ang mata ko, wala na sa tabi ko si Mina. Siguro nauna siyang magising. Madilim na ang paligid ngayon. Medyo malamig na din talaga sa labas.

Tumayo na ko't sumilip sa kwarto nila Somi. Nakita kong tulog na tulog parin si Somi. Wala rin si Irene sa higaan niya.

Nagmadali na kong lumabas para hanapin sila. Saan naman kaya nagpunta si Mina at Irene? Gabi na eh.

Napatago ako sa isang tabi nang makita ko si Mina na kausap si Mang Jinyoung. Pinakinggan ko ang usapan nila.

"Alam ko pong mahirap magbigay ng kapatawaran sa taong naging dahilan ng pagkawala ng mahal niyo sa buhay.  Nakakulong na po ang Dad ko. Pinagbabayaran na niya ang kasalanan niya. Sana po mapatawad niyo na ang pamilya namin." Sabi ni Mina.

"Alam mo naman palang mahirap. Bakit ipinagpipilitan mo pa? Wala kang mapapala kahit ilang beses ka pang bumalik dito." Sagot ni Mang Jinyoung.

"Dahil alam ko pong mas nananaig ang kabutihan sa puso niyo. Palagi po kayong naikukwento ni Yaya Jihyo sakin. Alam ko pong parang nawalan na rin kayo ng buhay sa pagkapabaya namin sa kaligtasan niya. Patawad po. Pangako, gagawa ako ng paraan para matulungan kayo. Tatanggapin ko po ang anak niyo na si Seulgi sa kompanya namin. Pwede siyang magsimulang magtrabaho sa Myoui Mall."

"Tapos ano? Papatayin niyo din ang anak ko?" Tanong ni Mang Jinyoung.

"Hindi po. Hindi na mauulit ang nangyari noon. Gusto ko lang pong humingi ng tawad. Maghihintay po ko kahit gaano katagal. Kahit paulit-ulit akong bumalik dito. Naiintindihan ko po ang pakiramdam nang mawalan nang mahal sa buhay. Sobrang-sakit. Si Yaya Jihyo, para na siyang tunay na nanay ko. Siya na ang gumabay sakin sa paglaki ko. Please, Gusto ko lang naman pong mabisita ang puntod niya." Paliwanag ni Mina.

"Lumalalim na ang gabi. Magpahinga ka na." Sabi ni Mang Jinyoung sabay lakad na paalis.

Naupo na lang si Mina sa isang pwesto. Nang maiwan nang mag-isa si Mina, napansin kong umiiyak na siya kaya agad na kong lumapit para yakapin siya mula sa likuran.

"It's okay. Hindi tayo susuko." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Magawa ko pa kayang mabisita ang puntod ni Yaya? Gusto ko lang naman siyang mabisita eh. Gusto kong makabawi sa lahat ng nagawa ni Dad sa kanya.  Di bale, hindi ako susuko. Lalaban ako!" Sagot ni Mina sabay pahid sa luha niya.

"Magiging maayos din ang lahat." Sabi ko sa kanya sabay ayos sa buhok niyang magulo.

Maya-maya, narinig naming may paparating kaya agad kaming kumilos para magtago sa isang tabi.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now