107: Yourself

254 12 4
                                    

Tzuyu's Pov:

Hindi ko inaasahan na maikukwento ko pala kay Dahyun kung ano ba talagang problema ko.

Yung araw na nalasing ako, naidaldal ko pala sa kanya yung mga bagay-bagay na ako lang ang dapat makaalam.

Hindi ko tuloy magawang mangulit sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ko nung nalasing ako.

Lumipas ang ilang araw na tahimik lang ako sa tuwing makakasalubong siya sa bahay.

Nakaupo ako ngayon sa sofa't nagsecellphone lang nang biglang lumapit si Dahyun.

"Ahm. Tzuyu, Ayos ka na ba?"

"Huh?"

"Alam ko naman na hindi maganda ang pinagdadaanan mo kaya hindi muna kita kinulit sa bagay na 'to. Pero --- kailangan ko na talaga yung phone ko." Bungad niya sakin sabay kamot sa ulo.

"Bakit ibabalik ko sayo? Tsk. Ibibili na lang kita ng bago." Pagtataray ko sa kanya.

"Ayan ka na naman."

"Huh?"

"Huwag mo na kasing i-push yung sarili mo na maging masama sa paningin ng iba. Hindi maganda 'yan. Mas mabuti kung magpapakatotoo ka na lang." Paliwanag niya.

"Aish. Tungkol sa mga sinabi ko nung malasing ako, kalimutan ko na 'yun!"

"Bakit kakalimutan ko? Eh, yun yung totoong nararamdaman mo. Alam ko nang hindi ka talaga masamang tao. Hindi mo naman kailangang siraan yung sarili mo para lang hindi maghiwalay ang parents mo. Magpakatotoo ka lang. Ipakita mo sa kanila na magiging maayos ang lahat." Dagdag niya sakin kaya naman napakunot noo ako sa kanya.

"Bakit ba ganyan ka sakin?!"

"Huh? Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Sagot niya.

"I mean, bakit ang bait mo parin sakin kahit na alam mong ginulo ko ang buhay niyo  ni Mina?!"

"Dahil mabait ka rin naman talaga. Tzuyu, Ayos na. Nandito ko bilang kaibigan mo. Tunay na kaibigan. Wala akong pakialam sa kayamanan mo pero may pakialam ako sa kung anong makakapagpasaya sayo. Deserve nating lahat na maging malaya at masaya. Huwag mong ikulong yung sarili mo sa mundong alam mong itatakwil ka rin someday." Sambit niya kaya naman nagiging emotional na naman ako.

"Anong alam mo sa kalayaan at kasiyahan?!" Depensa ko mula sa kanya.

"Marami. Bakit? Kasi naranasan ko na ring makulong sa mundong hindi naman para sakin." Sagot niya kaya naman natigilan ako.

"Kung hindi ka enough para sa ibang tao, maging enough ka para sa sarili mo." Dagdag niya kaya naman napayuko na lang ako.

"Magagawa bang mapagbati ng mga sinasabi mo ang parents ko?"

"Hindi ko alam. Nasa sa kanila parin ang desisyon na 'yun. Ang tanging paraan na dapat mong gawin ay suportahan sila sa kung ano mang desisyon na 'yun kahit masakit dahil hindi lahat ng kwento nagtatapos sa happy ending. Kung maghiwalay man sila, walang magbabago. Anak ka parin nila. Magulang mo parin sila. Pamilya parin kayo." Hindi ko na napigilan ang luha ko sa mga sinabi niya.

Tumayo na ko para magtago sa kwarto ko pero bigla akong hinawakan ni Dahyun sa kamay.

"Isa pa. Huwag kang matakot umiyak. Hindi kahinaan ang pag-iyak. Isang sign 'yan na totoo ka talagang tao. May emosyon. Nasasaktan din. Just be yourself, Tzuyu." Dagdag niya bago tuluyang bumitaw sakin.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sa nararamdaman ko. Siguro nga tama siya. Hindi ko na kailangang siraan ang sarili ko sa paningin ng ibang tao.

"Sorry. Nakita mo pa tuloy 'tong side ko na 'to." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"No need to apologize. Nagpapakatotoo ka lang." Sagot niya sabay smile pa sakin.

"Kahit na ginulo ko kayo ni Mina, naging mabait ka parin sakin."

"Sa totoo, pareho lang naman kayo ni Mina na nahihirapan sa kung ano mang gulo sa pagitan niyo. Si Mina, gusto niya lang na maging masaya at malaya. Ikaw, gusto mo lang din na magkaroon ng masayang pamilya."

"Ang swerte ni Mina. Naunahan niya ko." Nasabi ko na lang habang nakatingin kay Dahyun.

"Sa ano?"

"Nevermind." Sagot ko sa kanya.

"Palagi mo lang tatandaan na magkaibigan na tayo. You can tell me everything. Sana magkaayos na rin kayo ni Mina. Mas mabuti kung magkakausap kayo nang masinsinan. Intindihin niyo ang isa't-isa."

Napatango na lang ako sa kanya bago siya pumasok sa kwarto. Napaisip na lang ako.

Siguro panahon na rin para makausap ko si Mina nang maayos. Panahon na para bigyang linaw ang mga bagay-bagay.

And, I don't deserve Kim Dahyun. Alam ko 'yun. Maswerte si Mina dahil nakakilala siya ng isang tulad ni Dahyun.

Panahon na rin siguro para itama ang mga nagawa kong mali. Panahon na para managot ang dapat na managot.

💖To Be Continued💖

A/N: Guys, Sorry sa slow ud. Busy na ko eh. Fighting.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now