50: Myoui's Mansion

308 10 8
                                    

Nayeon's Pov:

Ilang araw na kong nakikipagcooperate kila Dahyun para malaman ang address ni Mina. Oo, ihinatid ko nga noon si Mina pero hindi sa eksaktong mansion nila. Alam ko lang ay malapit yun doon.

Nang malaman na ang address ng mansion nila dahil na rin sa tulong ng pagse-search ni Jeongyeon ng information online, agad na kaming nag-isip ng paraan.

Kasalukuyan kaming nagpaplano sa bahay nila Dahyun nang magkakasama. Hindi ko alam kung bakit nakikipag-ugnayan pa ko sa kanila matapos saktan ni Dahyun ang feelings ng kaibigan ko pero alam kong sincere sila sa pagtulong lalo na si Dahyun. Ilang araw na siyang focus sa pagpaplano.

"Magmiryenda muna kayo." Sabi ni Momo sabay lapag na ng mga tinapay at juice.

"Thanks, Momo." Pasasalamat namin.

"Kala niyo namang nasa panganib si Mina sa ginagawa niyo." Sagot ni Momo.

"Nasa panganib man o hindi, dapat parin tayong kumilos. She's our friend. Come on, Guys." Sagot ni Dahyun.

"Tama si Dahyun. Mabuting tao naman si Mina eh. Malay natin kung ano na palang nangyari dun kaya hindi ma-contact." Sabi ni Chaeyoung.

"Ang laking tulong ng huling sinabi mo, Chaeyoung. Nakakagaan ng kalooban. Nabawasan ang pag-aalala ng lahat." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan. Panahon na para iligtas si Dahyun mula sa Dad niya." Sabi ni Dahyun.

"Iligtas mula sa Dad niya? Hindi naman siguro sasaktan ni Mr. Myoui si Mina. Anak niya 'yun eh. Alam kong overprotective at strikto si Mr. Myoui. Ganun na siya kay Mina kahit nung nag-aaral pa kami."

"Anong plano natin? Hahayaan na lang natin na hindi natin alam ang kalagayan ni Mina?" Tanong ni Dahyun.

"Relax. Ako nang bahala. Ako na muna ang pupunta sa bahay nila."

"Sasama ko." Dagdag ni Dahyun.

"Kami din." Extra nila Chaeyoung.

"Tulad ng sinabi ko, strikto ang Dad ni Mina. Hindi tayo papayagan nung makita si Mina kapag marami tayo."

"Tayong dalawa na lang." Sagot ni Dahyun sakin sabay tayo na.

"Hoy Dahyun. Wag mong popormahan 'yan." Saway ni Chaeyoung kay Dahyun sabay turo sakin. Like what the hell? Ikino-consider na ba ko ni Chaeyoung na pagmamay-ari niya ngayong textmate lang naman kami? Gosh.

"Let's Go, Dahyun."

"Mabuti pa nga." Agad na kaming sumakay ni Dahyun sa kotse ko. Nagmadali na kong magmaneho papunta sa mansion nila Mina.

"Sana ayos lang siya." Sabi ni Dahyun.

"Dahyun, Behave ka lang mamaya ah. Hindi basta-basta nagtitiwala si Mr.Myoui sa ibang tao lalo na kapag si Mina ang pinaguusapan. May plano ko."

"Ano ?"

"Businessman din ang magulang ko. Siguro naman hahayaan niya kong mabisita si Mina."

"How about me?"

"Bodyguard kita kunwari." Wala na kong maisip na ibang paraan eh.

"Seriously? Paano kung di rin ako papasukin?" Gulat na tanong ni Dahyun.

"Sasabihin ko, kailangang nasa tabi ko palagi ang bodyguard ko."

"Sabi mo 'yan ah. Gusto ko kasi talaga siyang makausap." Sagot niya sakin.

"Ano ba talagang issue niyo ni Mina?"

"Nagkamali ako. Akala ko hindi ko siya inituturing na kaibigan. Akala ko stranger lang talaga siya para sakin pero hindi. Narealize ko na napalapit na ko sa kanya't ayokong patuloy niyang isipin na wala siyang kwenta. Gusto kong baguhin ang thoughts niyang 'yun." Paliwanag ni Dahyun.

"Pwes siguraduhin mong hindi mo na sasaktan o mamaliitin ang kaibigan ko."

"Pangako." Sagot niya kaya tumango na lang ako.

"Nayeon, Kayo ba ni Chaeyoung?" Biglang tanong ni Dahyun sakin.

"What? Hindi. Bakit?"

"Akala ko kasi kayo. Haha. Para kasing kayo na kung makaasta ang kaibigan ko."

"Nako. Hayaan mo 'yun. Textmate palang kami eh. Aba. Ang bilis niya naman ata."

"Pagpasensyahan mo na. Haha. Ganun lang talaga yun pero mabait 'yun." Dagdag ni Dahyun.

"Alam ko naman kaya nga natutuwa ako sa kanya."

Nagpatuloy na lang kami sa pagbiyahe hanggang sa tuluyan na naming marating ang mansion nila Mina. May mga security guard nakapalibot sa mansion.

Naabutan naming palabas na ang isang kotse. Huminto ito sa gilid namin. Lumabas sa kotse ang isang lalaki. Malamang Dad ni Mina.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo?" Tanong niya.

"Si Mina po."

"Ah. Si Mina. Anong kailangan niyo sa anak ko?" Tanong niya sabay tingin samin nang paseryoso.

"Gusto po sana namin siyang bisitahin matapos malaman ang nangyari. Kaibigan niya po ako. Kasama ko po ang bodyguard ko."

"Hindi ako basta-basta nagpapapasok sa mansion. Pasensya na." Sagot niya samin.

"Sandali po. Mapagkakatiwalaan po kami. Negosyante din po ang parents ko. Im po ang apelyido ko." Sagot ko.

"Im? Magulang mo ang may-ari ng Im Cosmetics?" Tanong niya sakin.

"Opo. Yun po ang business ng family ko."

"Sige. Hahayaan kitang bisitahin si Mina total kilala ko naman ang magulang mo. Minsan ko na silang nakasama sa isang meeting." Sagot niya kaya naman napangiti ako.

"Maraming salamat po."

"Nasa kwarto si Mina."

"Isasama ko po yung bodyguard ko sa kwarto ni Mina." Sabi ko sabay turo kay Dahyun.

"Bakit? Pwede namang sa labas na lang ang bodyguard mo."

"Kailangan po kasi na nakabantay sakin ang bodyguard ko." Palusot ko.

"Sige na. Sumama kayo sa isa sa tauhan ko para dalhin kayo sa kwarto ni Mina. Kailangan ko nang umalis." Sagot niya bago tuluyang bumalik sa kotse sabay alis na muna.

Yes. Ang galing ko talagang mag-imbento. Pero totoong business namin ay cosmetics kaya ganito ko kaganda. Hahaha.

Pasimple akong nag-thumbs up kay Dahyun. Sumunod na kami sa tauhan ni Mr.Myoui. Ihinatid niya kami papunta sa kwarto ni Mina.  Pinapasok na kami bago saraduhang muli ang pintuan.

Natigilan kami ni Dahyun nang makita si Mina. What happened to her?

💕To Be Continued💕

A/N: Guys, May clue ba kayo sa kung anong nangyari kay Mina? Sino dito mga NaChaeng shippers? Haha. Magsikaway kayo. Lol

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon