73: Chocolates

349 8 3
                                    

Dahyun's Pov:

Kinabukasan, nagising ako dahil sa panggigising ni Chaeyoung at Jeongyeon.

"Dahyun! Gising diyan!" Pangungulit ni Chaeyoung.

"Ano ba?!"

"May naghahanap sayo sa labas."

"Sino? Inaantok pa ko!"

"Hindi namin alam. Tinanong ni Jeongyeon kung anong kailangan, ikaw daw."

"Aish. Sino ba 'yun?!" Napakusot na lang ako ng mata.

"Hindi nga namin alam. Maganda, makinis, mabuti siya." Napatingin ako kay Chaeyoung.

"Huh?"

"Matangkad na babae." Dagdag niya sakin.

"Matangkad? Wala naman akong kilalang matangkad na babae ah. Baka naman maliit ka lang kaya napagkamalan mong matangkad."

"Tang*namo!" Bigla akong natawa sa reaction niya. Biglang nabeastmode sakin hahaha.

"Joke lang. Sige na nga. Lalabas na ko. Maghihilamos lang at magtu-toothbrush muna ko."

"Basta, tumayo ka na diyan! Baka makita pa yun ni Mina. Hala ka." Wala na kong nagawa kundi tumayo.

Sino kaya yun? Wala naman akong kilalang ganun. Nag-ayos na ko ng sarili't lumabas na para malaman kung sino yung naghahanap sakin.

Natigilan ako nang makita kung sino siya. Bakit nandito siya? Paano niya ko natunton? Anong pakay niya sakin?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Long time no see, Dahyun." Bati niya sakin nang may ngiti sa mukha.

"Ano bang kailangan mo?!"

"Relax. Gusto lang kitang bisitahin." Sagot niya sabay lapit sakin.

"Ah. Hayaan na muna namin kayong mag-usap." Sabi ni Jeongyeon sabay hila kay Chaeyoung pabalik sa loob ng bahay.

"Ano bang pakay mo sakin?!"

"Tulad ng sinabi ko, binibisita lang kita."

"Eh, Bakit nga? Close ba tayo?"

"Hindi pa. Pero alam kong malapit na."

"Kung hinahanap mo sakin si Mina, nandun siya sa kapitbahay. Wala dito."

"Hindi siya ang pakay ko kundi ikaw. Gusto kitang maging kaibigan." Sagot niya sakin.

"Inaantok pa ko. Balakajan." Babalik na sana ako sa loob ng bahay kaso hinawakan niya ko sa kamay kaya napahinto ako.

"Here. Nagdala ako ng chocolates para sayo." Inilapag niya sa tabi ko ang isang basket na puno ng chocolates.

"Anong gagawin ko diyan? Salamat na lang. Umalis ka na."

"Who are you to refuse me?" Bigla siyang naging maldita.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now