30: Her Magic

403 16 2
                                    

Dahyun's Pov:

Nang mabitbit ko na ang maleta ni Mina sa kabilang kwarto ng bahay ni Momo, bumalik na ko sa bahay para magpahinga. Napuyat kasi ako sa kakabantay kay Mina kaninang madaling araw.

"Ano nang nangyari, Dahyun?" Tanong ni Jeongyeon.

"Ayun. Nagpapahinga na si Mina sa bahay ni Momo."

"Magkakasundo kaya sila?"

"Oo naman. Bakit naman sila hindi magkakasundo?"

"Dahil sayo." Biglang umextra si Chaeyoung.

"Bakit ako?"

"Haha. Kim Dahyun. Kawawa ka naman. Di mo man lang nahahalata." Dagdag ni Chaeyoung.

"Pinagsasabi mo, Chaeyoung?" Minsan talaga gusto ko nang palayasin ang isang 'to eh. Muntikan na kong ipahamak kay Mina kanina. Sasabihin pa na dare yung ginawa ko dati.

"Gusto ka ni Mo--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang umextra si Jeongyeon.

"Mukhang dahil kay Mina, nawawala na ang pagka-cold mo." Extra ni Jeongyeon.

"Huh? Isa ka pa, Jeongyeon. Pinagsasabi niyo? Tinutulungan ko lang siya. Walang meaning yung ginagawa ko para sa kanya."

"Talaga ba? Para sa kanya? Kailan ka pa gumawa ng espesyal na bagay para sa ibang tao na wala sa inner circle mo? Pwera na lang kung nasa inner circle mo na si Mina?" Sambit ni Jeongyeon sabay ngisi sakin.

"Tama. Sinong mag-aakala na ang cold na si Dahyun ay magpapatuloy ng taong hindi niya man lang kilala sa bahay? Sinong mag-aakala na ililigtas ni Dahyun na walang pakialam sa ibang tao ang isang stranger? Sinong mag-aakala na kayang i-risk ni Dahyun ang kaligtasan niya para sa isang babae? Sinong mag-aakala na masyadong pahahalagahan ni Dahyun ang punit na puting tela ng isang babae? See? There's something about her na nakakapagpa-warm sa cold na ugali mo." Paliwanag ni Chaeyoung nang nakangisi din.

Sinisimulan na naman ako ng dalawang 'to sa mga kalokohan nila. Nakakainis. Bakit ba kasi ayaw nilang maniwala na wala saking meaning yung mga ginagawa kong tulong para kay Mina?

"Shut Up, Guys. Wala ngang meaning 'yun. Kayo ang may kasalanan nito eh. Kung di niyo ko isinali sa dare noon, hindi na sana kami nagkakilala ng Mina na 'yun. Inutusan niyo pa ko na maging nice sa kanya kaya ngayon kailangan kong ipagpatuloy 'yun dahil yun ang akala niyang ugali ko. Paano na lang kung magpaka-natural na cold ako? Eh di mahahalata niya na ako yung taong kasama niya nang makidnapped siya? Ano? Aish. Kasalanan niyo talaga 'to. Naistress ako."

"Relax, Dahyun. Baka ito na yung sign para muli kang magmahal." Dagdag naman ni Jeongyeon.

"Magmahal? Wala na kong pakialam sa pagmamahal."

"Let's see kung matitiis mo ang magic ng babaeng 'yun." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Anong magic?!"

"Para siyang may magic. Nakikita namin yung caring at masayahing Dahyun kapag kasama mo siya." Sagot nila.

"Whatever. Bahala na kayo diyan. Magpapahinga na muna ko." Pumasok na lang ako sa kwarto ko't nahiga na muna sa kama.

Ano bang pinagsasabi nila? Ang weird nila ngayon eh. Sige, inaamin ko na medyo weird din ako ngayon. Bakit ba kasi nagdesisyon pa kong pumayag na isama ang babaeng 'yun dito? Paano na lang kapag nalaman niya ang paraan namin ng pamumuhay? Paano na lang kung malaman niyang ako yung bantay niya nang makidnapped siya? Paano na lang kapag isinumbong niya kami sa pulis? Aish. Kim Dahyun, Ano ba naman kasing pumasok sa isipan mo't tinulungan mo pa siya? Siya na wala sa inner circle mo!

Saka, magmahal ulit? Aish. Wala na talaga akong balak magmahal ulit. Matapos nang ginawa ni Sana sakin? Matapos niya kong paasahin at iwanan? Matapos niya kong saktan? Matapos niya kong paniwalain na kaya niya kong tanggapin? Ayoko na.

Napabuntong-hininga na lang ako't napalingon sa mp3 player na naka-charge. Bakit kasi grabe kung pahalagahan ni Mina ang bigay kong mp3 player at headphones? Pakiramdam ko tuloy masama yung ginawa kong dare sa kanya. Aish. Kim Dahyun, nakakaramdam ka ba talaga ng pagka-guilty dahil dun? Wag! Wala kang ginawang masama. Dare lang 'yun. Di mo naman sinabi kay Mina na paniwalaan ka niya eh. Tama. Tama. Tama. Walang dapat ikabahala. Kalma lang, Dahyun.

Ilang araw lang naman si Mina dito. Aalis din siya kaagad. Magtitiis na lang ako hanggang sa umalis na siya. Kakayanin ko 'to. Kakayanin kong magkunwaring nice sa kanya. Fighting!

Pumikit na lang ako't nagpahinga. Bahala na. Kakayanin ko 'to.

🌺To Be Continued🌺

A/N: Guys, Gagawin ko ang best ko para maihandog sa inyo ang magandang FF. Sana magustuhan niyo. Sorry sa slow-update kasi nagbabakasyon din ako. Tapos wala pa kaming wifi. Pero soon magkakaroon na. Ang hirap magpaload ngayon 😢 Taghirap ako. Walang pera. HAHAHA. I'll do my best.

Don't forget to leave some comments. Magcomment lang kayo nang magcomment 😂 Saka nga pala, tulungan niyo na rin akong maishare sa iba ang FF na 'to. Saranghaeyo. Fighting!

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now