23: Turn Back Time

419 11 2
                                    

Mina's Pov:

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa sa living room suot-suot ang pajama na pinaglumaan ng Mom ko.

Miss na miss ko na talaga si Mom. Yung pajama niyang sobrang laki sakin noong bata ako, kasyang-kasya na sakin ngayon.

"What do you think you're doing?" Napalingon ako kay Dad na seryosong nakatayo sa gilid ko.

"What's wrong, Dad?"

"Change your clothes. Ayoko nang makikita yang mukhang basahan na pajama mo. Di ko malaman kung saang basurahan mo 'yan nakuha. My god, Myoui Mina. Mas matino pa damit ng mga maid sayo." Sagot niya.

Kung alam mo lang, Dad. Kung alam mo lang. Palibhasa kasi wala siyang oras samin ni Mom noon. Palibhasa hindi niya binibigyang pansin ang Mom ko noon kaya ni hindi niya alam na kay Mom 'tong pajama na suot ko.

"I don't want to change my clothes. Dito ko komportable, Dad."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"

"Bakit ba ang tigas ng puso mo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman nanlaki ang mata niya sa galit.

"Anong sinabi mo?! Lalaban ka na?! Ano?! Nakalabas ka lang, kala mo kung sino ka na?! Kung di kita inalagaan, malamang napariwara na ang buhay mo ngayon."

"Kung di niyo ko tinatrato nang ganito, malamang masaya ako. Malamang malaya ako. Malamang di ako nasasaktan nang ganito."

"Aba. Talaga namang ----- Sino ka para pagsalitaaan ako nang ganyan?! Anak lang kita. Tandaan mo 'yan. Wala kang utang na loob. Dapat hindi ka na nailigtas nang makidnapped ka eh. Bakit? Dahil puro kalokohan lang ang alam mo."

"Bakit, Dad? Ginawa mo ba talaga ang best mo para mailigtas ako? Ni hindi mo nga tinanong kung ayos lang ako. Sinermonan mo lang ako. Ni hindi mo nga sinasagot yung tawag ng kidnappers dahil diyan sa buwisit na business trip mo. Siguro kung walang nagtip sa mga pulis, patay na siguro ko. Saka, puro kalokohan lang po ang alam ko? Ikaw, Dad? Alam mo bang kay Mom 'yung mga pajamas na sinusuot ko? Alam mo man lang ba na sa ganitong paraan ko nababawasan ang pagkamiss sa kanya." Naluluhang sabi ko sa Dad ko.

Ayokong magsalita nang ganito pero hindi ko na talaga kaya.

"My God, Mina! Matagal nang wala ang Mom mo. Wala na siya. Ako 'yung nandito. Ako yung kasama mo. Ako yung natitirang pamilya mo kaya matuto kang sumunod sa mga sinasabi ko."

"Yun nga eh. Ang malas ko. Ang malas-malas ko! Dahil ikaw ang naging tatay ko. Pamilya? Pamilya ba talaga turing mo sakin, Dad? Para kong laruan na kontrolado mo. Dad, hindi ako masaya sa ganito. Gusto kong maging malaya."

"Parehong-pareho kayo ng Mom mo! Hindi marunong makinig."

"Tama, pareho kami ni Mom. Pareho kaming paulit-ulit na umaasang magbabago ka pa. Hanggang ngayon, pinipilit ko parin ang sarili kong maniwala na balang araw lalambot din ang puso mo." Dagdag ko sa kanya.

"Hindi mo na mababago ang nakaraan, Mina. Wala na ang Mom mo. Wala na siya! Iniwanan na niya tayo."

"If I can turn back time, I won't hesitate. I'll save her. I'll stay beside her the day before she died, but I can't. That's why I'm still blaming myself for not being able to be there for her."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon