48: S a v e H e r

327 11 1
                                    

Dahyun's Pov:

Habang kumakain sa restaurant kasama si Momo, nanonood ako ng TV. Wala kasing TV sa bahay. Wala kaming panahon para pagipunan 'yun.

"Nag-eenjoy ka talaga manood noh?" Tanong ni Momo.

"Di naman. Wala kasing TV sa bahay."

"Bakit kasi di kayo bumibili ng TV?"

"Walang panahon para mag-ipon para doon."

"Alam ko na. Papautangin ko kayo. Meron pa kong ipon sa bahay." Sambit ni Momo kaya naman hinawakan ko na siya sa kamay.

"No need. We're fine. Sobra na ang naitutulong mo samin, Momo. Maraming salamat."

"Gu--Gusto ko lang naman na maging masaya ka."

"Masaya naman ako eh. Ayos lang."

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Seryosong tanong niya.

"Tungkol ba sa TV o kay Sana?"

"Pareho."

"Sa TV, oo naman. Nasanay na rin naman kaming walang TV sa bahay. Pero kay Sana, hindi ko alam."

"Oh Sige. Ayos lang 'yan. Magiging ayos ka din, Dahyun." Ngumiti siya sakin.

"Salamat." Napangiti na lang din ako sa kanya. Napalingon ako sa TV dahil sa isang breaking news.

"Namatay ang katulong sa mansion ng isa sa pinakasikat na negosyante matapos aksidenteng mahulog sa hagdan. Naabutan ng news reporters ang anak ng negosyanteng si Mr. Myoui na umiiyak matapos makitang walang buhay ang kanyang Yaya. Nagngangalang Mina ang nasabing anak ni Mr. Myoui. Sa ngayon, naiuwi na sa probinsya ang bangkay ng katulong. Ang tanging komento lamang ni Mr. Myoui ay aksidente lamang ang nangyari't ipagdasal na lang ang biktima." Napanood namin ni Momo at ng iba pang taong nasa restaurant ang balita.

"That's Mi--Mina." Nasabi ko na lang habang pinagmamasdan ang ipinakitang video clip kung saan umiiyak si Mina habang yakap ang kanyang walang buhay na Yaya.

No way. Si Mina nga 'yun. Di ako pwedeng magkamali. Hala. Umiiyak na naman siya. Nawalan na naman siya ng mahal sa buhay.

"Omg. Kawawa naman si Mina." Sabi ni Momo sabay takip sa bibig niya.

"Sigurado kong sobrang lungkot niya ngayon."

"Ta--Tama. Ikaw ba naman mawalan ng mahal sa buhay. Mukhang close sila nung katulong na namatay eh." Sagot ni Momo.

"I want to help her." Naramdaman kong kailangang may gawin ako. Hindi pwedeng wala. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh. Guilt ba 'tong nararamdaman ko kaya gusto kong makabawi sa kanya o sadyang concern lang talaga ako sa kanya?

"What do you mean? It was an accident. What are you thinking?" Gulat na tanong ni Momo sakin.

"She's my friend. I want to save her."

"Save her? Ano bang natakbo sa isip mo? Iniisip mo na nasa panganib siya? Mygod, Dahyun. It was an accident. Saka, hindi naman siya yung namatay eh." Pagtutol ni Momo.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz