49: Hopeless

303 11 0
                                    

Mina's Pov:

Habang tumatagal ako sa kwartong 'to, unti-unti rin akong nawawalan ng pag-asa.

Hindi ako hinahayaan ni Dad na makalabas ng kwarto since may cr naman sa kwarto ko. Dinadalhan lang ako ng pagkain ng mga maid namin.

Ni wala sakin yung phone ko. Kinuha ni Dad. Mag-isa na naman ako sa kwartong 'to. Wala na naman akong kalayaan.

Ilang araw na rin ang lumipas nang makulong na naman ako sa kwartong 'to. May magagagawa pa ba ko? Gusto ko lang namang makita si Yaya. Gusto ko lang naman siyang makasama sa huling pagkakataon. Bakit hindi magawang ibigay sakin ni Dad ang kagustuhan kong 'yun? Alam niya kung gaano kahalaga si Yaya sakin. Pero bakit ikinukulong na naman niya ko dito?

Pakiramdam ko, wala na talagang nagmamahal sakin. Wala nang may gustong makipagusap sakin. Wala na kong karamay sa tuwing iiyak ako. Wala na ang mahahalagang tao sa buhay ko. Iniwanan na nila ko. Andaya naman eh. Nauna na sila. Hindi man lang nasabi ni Yaya ang dapat niyang sabihin sakin.

Deserve ko ba 'to? May nagawa ba kong masama kaya pinaparusahan ako nang ganito? Sana ako na lang yung nawala eh. Kung di ko iniwanan si Yaya dito, malamang buhay pa siya. Malamang naagapan noong maaksidente siya. Pero wala akong nagawa dahil wala akong kwenta.

Sariling nanay ko nga ni hindi ko nagawang iligtas noong bata pa ko. Nagawa ko pang mag-mall habang nakahilata na pala siya sa sahig sa mansion nang di ko namamalayan. Huli na ang lahat nang dumating ako, wala na siyang buhay.

Siguro nga deserve ko 'to. Wala akong karapatang maging masaya. Ito ang dapat sa katulad ko na ipinagpipilitan ang sarili na maging masaya at malaya.

"Ma'am Mina, Kumain na po kayo ng agahan." Rinig kong sabi ng maid sa labas ng kwarto ko.

"Wala akong gana. Salamat na lang."

"Hindi po pwede. Kabilin-bilinan po ng inyong Dad na pakainin kayo." Sagot niya kaya wala akong nagawa.

"Sige. Ilapag mo na lang dito sa loob."

Nagbukas ang pinto ng kwarto ko. Nakakita ako ng pag-asang makatakas ngunit biglang humarang ang isang tauhan ni Dad sa harapan ko. Wala akong choice kundi bumalik sa pwesto ko.

"Hindi niyo ba talaga ko pwedeng palabasin?"

"Pasensya na po, Ma'am Mina. Sinusunod lang po namin ang utos ng Dad niyo." Sagot ng tauhan ni Dad.

"Kumain na po kayo, Ma'am Mina." Sabi naman ng maid sakin. Lumabas na sila pareho't ini-lock na ulit ang pinto.

Wala akong ganang kumain. Ano pang saysay ng pagkain ko kung habang-buhay naman akong nakakulong dito?

Wala akong magawa kaya naman kumuha na lang ako ng ballpen at notebook.

Susubukan ko na lang gumawa ng poem. Sabi nila, nakakatulong din ang paggawa ng poem para mailabas mo ang emotion mo o problema kaya susubukan ko. Pinamagatan ko siyang "Escape".

"Escape"

I have no place to go
but it feels like I must leave.
Before I break down,
I'd make sure no one can see.
Trying to run out of reality.
My fantasy's waiting for me.
It's not a colorful fantasy,
A dark place where I could hide.
To hide my invisible scars,
To let my heavy tears fall.
I'm not sad but I felt empty
As if there's no one to save me.
It feels like I'm chasing myself,
It's trying to kill me slowly.
I'm running without any direction,
Just to hide my pain and sorrow.
I'll go to my imaginary world,
Where I could cry nor escape.

Matapos isulat ang una kong tula, napayuko na lang ako dahil namumuo na naman ang luha sa mata ko.

How can I escape? What should I do? My thoughts, it's killing me slowly. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang magtiis.

🎧To Be Continued🎧

A/N: Guys, Napifeel niyo ba si Mina?

Don't forget to leave some comments. Thank you.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora