18: My Death?

456 18 1
                                    

Mina's Pov:

Hindi ko inasahang maikukwento ko sa snob kong bantay ang bumabagabag sakin. Siguro dahil masyado na kong nahirapan sa pag-iisip kaya nasabi ko sa kanya.

Bigla na lang siyang mas nanahimik nang sabihin ko sa kanya ang dahilan kung bakit naiyak ako. Mukhang mas malalim na rin ang iniisip niya ngayon. Matapos makapagkwento sa kanya, hindi ko maiwasang isipin na hindi siya masamang tao.

Kung masama talaga siyang tao, dapat wala siyang pakialam sa bumabagabag sakin. Kung wala talaga siyang pakialam, dapat hindi na niya pinansin ang luha ko.

Mukhang wala na ngang balak si Dad na iligtas ako. Mukhang mas mahalaga sa kanya ang business trip niya. Mukhang wala na kong magagawa kundi maghintay na lang na mamatay sa lugar na 'to.

Kumusta na kaya si Yaya Jihyo? Sigurado kong naghahanap na siya ng paraan para mailigtas ako. Yaya Jihyo, sana safe ka kung nasaan ka man ngayon.

Maya-maya pa, nakita kong pinulot ng snob kong bantay ang headphones at mp3 player na ibinigay sakin ng taong nakilala ko sa bar.

"Yah. That's mine."

"Sakin 'to eh." Sagot niya.

"Huh?"

"Ahhh--- I mean, may gan'to din ako."

"O--Okay. Tingnan mo nga kung nagana pa. Nahulog yan kaninang tanghali noong sinusubukan kong makatakas."

Agad naman niyang ini-check kung gumagana pa. Nagthumbs up siya sakin kaya nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman hindi nasira.

"Kanino ba galing 'to?"

"Sa mabuting kaibigan na na-meet ko sa bar."

"Mabuting tao? Nakakasigurado ka bang mabuti siyang tao?"

"Well, siya ang kauna-unahang tao na sa unang pagkikita palang ay nakangiti na sakin. Kasi wala namang pumapansin sakin. I'm nothing. Pero ang taong nagbigay niyan sakin, nararamdaman kong mabuti siya. Sayang lang kasi hindi ko nalaman ang name niya. Sana magkita ulit kami."

"Anong gagawin mo kapag nakita mo ulit siya?"

"Bibigyan ko din siya ng gift."

"Paano kung di niya tanggapin?"

"Ahm. A--Ayos lang. Gusto ko parin siyang makita ulit. Gusto ko ulit magpasalamat sa pagbigay sakin ng gift kasi siya ang kauna-unang stranger na nagbigay sakin ng regalo. Kaso, mukhang mamamatay na rin naman ako kaya hindi na kami magkikita ulit."

"Magkikita ulit kayo." Seryosong sabi niya sakin.

"Hindi na siguro. Mukhang malapit na ang katapusan ko eh."

"Then I'll help you.

"Ako? Tutulungan mo? Saan mo naman ako tutulungan?"

"Tutulungan kitang makaalis sa lugar na 'to."

"Bakit naman ako magtitiwala sayo? Mga kasamahan mo nga ang mga yun eh."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now