76: With You

384 11 12
                                    

Mina's Pov:

Hindi ko matiis si Dahyun. Aminado kong medyo nainis ako sa kanya. Hindi ko rin alam eh. Basta alam ko, hindi naging maganda ang mood ko nang makita silang magkasama ni Tzuyu. Pakiramdam ko may something na hindi ko alam. Pero napag-isipan ko na wala naman akong karapatang mainis kay Dahyun.

Hindi ko hawak ang buhay niya. Hindi ako ang magdedesisyon kung ano bang dapat niyang gawin. Hindi ako ang magdedesisyon kung anong mararamdaman ng puso niya.

Habang kinakausap niya ko kanina, nakita ko sa mata niya yung sincerity. Hindi ko napigilang mahulog sa pakiusap niya. Saka, hindi naman talaga ako dapat nagsusungit sa kanya dahil ilang beses na niyang pinatunayan na mabuti siyang kaibigan sakin. Saka aminado naman akong gutom na gutom na talaga ako.

Habang naglalakad kami, bigla niyang inisuot ang cap niya sakin. Nagtanggal siya ng face mask at salamin.

"Bagay sayo." Sabi niya sabay pinch pa sa cheeks ko.

"Binobola mo lang ata ako eh." Inirapan ko siya.

"Ano ba 'yan? Kahit nagtataray ka, maganda ka padin." Dagdag niya.

"Inuuto mo ko!"

"Hindi ah. Totoo 'yun.

Nang dumating kami sa restaurant, si Dahyun na ang pinag-order ko ng kakainin namin.

"Ako nang magbabayad ah." Sabi niya sakin.

"No need. Ako nang magbabayad. Makabawi man lang ako sa mga kabutihang ginawa mo para sakin."

"Diba nga sabi ko ang gusto kong ibayad mo sakin, yung ngiti mo. Ngumiti ka lang. Ayos na ko. Saka ipunin mo na lang 'yung pera mo para makabisita ka sa puntod ng Yaya mo sa probinsya." Sagot niya sakin sabay hawak sa kamay ko. Palagi talaga akong sinusuportahan ni Dahyun sa kagustuhan kong mabisita ang puntod  ni Yaya.

"Huh? Si--Sige. Ikaw ang bahala." Agad akong napabitaw sa kanya nang maramdaman ko na naman yung puso kong nagwawala.

Ngumiti na lang ako sa kanya para hindi niya mahalatang halos mabaliw na yung puso ko. Aish, Mina. Ayan ka na naman.

"Sorry nga pala sa pagsusungit ko. Gutom lang siguro talaga ako."

"Wala 'yun. Naiintindihan ko naman. Huwag kang mag-alala. Wala kaming relasyon ni Tzuyu. Hindi ko talaga alam kung bakit bumisita siya sakin. Siguro dahil sa aksidente."

"Aksidente?" Tanong ko sa kanya.

"O---Oo. Muntikan na kasi niya kong masagasaan nung isang linggo. Nawalan ako nang malay nun dahil sa sobrang sakit ng ulo sa hangover. Dinala niya ko sa bahay niya. Pero hanggang dun lang 'yun. Umalis na rin ako." Paliwanag ni Dahyun sakin.

"Talaga? Bwisit talaga 'yung pinsan kong 'yun. Palaging makakapatay ng tao! Lagot talaga siya sakin kapag nagkita kami. Pati ikaw, inidadamay!" Nanggigigil ako sa Tzuyu na 'yun.

"Relax, Mina. Ayos na naman ako. Hindi naman ako nagka-injury noon."

"Pero hindi okay sakin 'yun. Muntikan ka na niyang mapatay eh. Ano na lang ang gagawin ko kapag namatay ka?!"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now