83: P L A N S

291 9 9
                                    

Tzuyu's Pov:

Sumakay ako ng taxi pabalik sa sariling bahay ko. I can't believe na gagawin ko ang mga 'to para lang sa isang tao na kahirap-hirap suyuin.

Hindi ako makapaniwala na meron pa palang tao na hindi magugustuhan ang atensyon ko. What the hell? Ano bang klaseng tao si Dahyun?! Hindi ba talaga siya naa-attract o nagagandahan sakin? Kung ibang tao siya, malamang patay na patay na siya sakin.

Pinili ko pang magcommute na lang para lang magdala ng cookies para sa kanya tapos tatanggihan niya. Aish. You're making me crazy, Kim Dahyun. Pasalamat nga siya't siya ang kauna-unahang ginawan ko ng cookies.

Dalawang beses na kong nagpapapansin para lang makuha yung atensyon niya kaso dalawang beses niya rin akong ni-reject. Aish. Tama ba? Ni-reject niya ko? Seriously? First time kong mareject!

Nang dumating ako sa bahay, naabutan ko si Dad na nakaupo sa sofa sa living room.

"Saan ka nagpunta, Tzuyu? Hinahanap ka namin kanina ng Mom mo. Bigla kang nawala! Alam mo namang may business meeting tayo eh." Sabi ni Dad sakin.

"May inasikaso kasi akong importante, Dad."

"Mas importante pa ba 'yun sa business meeting natin? Tzuyu naman, para sayo 'to eh. Alam naman nating balang araw sayo mapupunta ang kompanyang hindi kayang patakbuhin ni Mina." Dagdag niya.

"Alam ko naman, Dad. Kung alam niyo lang, yung pinagkaabalahan ko kanina---para yun sa kompanya."

"Tzuyu! Kahit anong mangyari, sayo dapat mapunta ang kompanya!"

"Whatever, Dad. May sarili akong paraan kung paano ko makukuha ang gusto ko. Di tulad niyo na nagbabait-baitan sa harapan ni Tito."

"Anong sinabi mo?!" Galit na tanong ni Dad.

"Totoo naman kasi. Nagbabait-baitan kayo kapag kaharap si Tito. Pero kapag wala na siya sa tabi niya, gigil na gigil kayo sa plano kung paano maagaw ang kompanya." Dagdag ko kaya akma akong sasampalin ni Dad pero napigilan siya.

"Sige. Sampalin niyo ko. Gawin niyo. Gagawin ko kung anong gusto ko. Dahil alam ko naman sa sarili ko na wala talagang magagawa ang pinsan kong si Mina na alagaan ang kompanya ni Tito." Matapang kong sagot sabay lakad na sa kwarto ko.

"Tzuyu! Aalis na muna ko. Sa oras na bumalik ako, maguusap pa tayo!" Sigaw niya sabay alis na rin sa bahay ko.

Mas mabuti talagang bumukod ako ng tirahan. Nakakastress kasi talaga minsan na paulit-ulit akong pinaaalalahanan nila Dad na kahit anong mangyari kailangang mapasakin ang kompanya nila Mina.

Hindi talaga magkadugo sina Dad at Tito. Kaisa-isang anak ng chairman ng Myoui's Mall ang Dad ni Mina. Pero naisipan din nilang mag-ampon, yun ay ang Dad ko.

Wala naman akong pakialam sa mga business meeting na 'yan eh. Confident ako na makukuha ko ang kompanya sa paraang alam ko.

Sa huli, ako parin ang mananalo. Napahiga na lang ako sa kama para magpahinga.

Bigla kong naalala kung paano ako iniligtas ni Dahyun kanina. Naalala ko rin kung paano siya tumulong sa street childrens. May katulad pa pala niya. Hindi ko rin inaasahang ihahatid niya ko sa sakayan sa kabila nang problema na pwedeng mangyari. Kahit na posibleng magselos si Mina, sinamahan parin niya ko.

Isa pa, yun din ang unang pagkakataon na nakita kong ganun katapang si Mina na makipagsagutan sakin. Hindi ko alam kung anong dahilan kaya naging palaban siya, pero aminado kong may nabago sa kanya. Hindi na siya 'yung Mina na umiiyak lang sa tuwing inaaway ko siya.

Dahil ba 'yun sa pagkamatay ng Yaya niya? Naisipan niyang kailangan niyang maging matatag dahil wala na ang Yaya niya? Alam kong hindi maganda ang relasyon niya sa Dad niya. Noon pa man, mas pinipili ng Dad niyang maniwala sakin kaysa sa anak niyang umiiyak. It's cool, right? Kawawang Mina. Walang magawa!

Pero ngayon, pakiramdam ko medyo mahihirapan ako nang kaunti kung paano siya pababagsakin.

Meron naman akong naisip na paraan eh. Kailangan ko lang umisip ng plano. Ang pinakamabisang paraan ay ang kunin sa kanya ang dahilan kung bakit matapang siya. Kailangang unahin ko munang kunin kung anong nagpapasaya sa kanya. Ang inspirasyon niya. At base sa mga sinabi niya kanina, alam kong si Dahyun ang taong 'yun.

Napangisi na lang ako habang inaalala kung paano kumunot ang noo ni Mina kanina nang makitang magkasama kami ni Dahyun. Taken pala huh? Maghihiwalay din sila someday. Advance ako mag-isip. Makukuha ko yung gusto ko.

💖To Be Continued💖

A/N: Guys! Nakakaexcite 'yung mv ng Dance The Night Away. Sa totoo, ganun na ganun naiimagine ko nung sinulat ko yung WOKDH. Yung scenes sa isolated island. Feeling ko tuloy advance ako mag-isip. Charot! Hahahaha. Salamat nga pala sa WOKDH Family ko. Fighting!

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now